NANGINGITING pinagmasdan ni Alyzza ang mga batang masayang naglalaro ng mga laruang dala niya. Nakaupo sila ni Justin sa isang bench sa playground area ng foster home na iyon.
Tiningnan niya ito. Nakatingin din ito sa mga bata bago nito ibinaling ang pansin sa kanya. Iniiwas niya ang tingin dito at muling ibinalik sa mga bata. “Salamat nga pala sa pagtulong sa akin,” wika niya.
“It’s nothing,” tugon nito.
“No, it’s not,” she retorted. “Pinasaya mo rin ang mga bata. Kung hindi dahil sa tulong mo, hindi agad ako makakarating dito.”
“Inihatid lang kita dito, napakaliit na bagay lang noon.”
Muli siyang tumingin dito. “You know, no act of kindness, kahit na gaano pa kalaki o kaliit iyon, ay dapat balewalain. At least, nakatulong ka. Kahit sa maliit na bagay.”
Tumitig lang ito sa kanya at bigla siyang nakaramdam ng consciousness sa sarili. Muli niyang iniiwas ang tingin dito at minabuting ibahin na lang ang usapan. “Kumusta na nga pala si Liezl?” i-dinerekta niya ang usapan sa nobya nito. Tama, lagi niya dapat alalahanin ang tungkol kay Liezl para hindi kung saan-saan napupunta ang isipan niya.
“Maayos na naman siya, sa tingin ko,” sagot nito. “Hindi pa nga lang bumabalik ang memorya niya.”
Tumango siya. “Sa tingin ko, mahirap para sa’yo ang lumayo sa kanya, lalo na sa ganitong pagkakataon.”
“They said that the scariest thing about being far away from someone is that you don’t know whether they’ll miss you or totally forget you,” sagot nito.
Tumingin siya dito. “Natatakot ka ba na tuluyan ka na niyang makalimutan?”
“Hindi,” pagkatapos ay muli itong tumingin sa kanya. “Kapag nangyari ‘yon, maiintindihan ko siya.”
Ngumiti siya at napailing. “That’s very nice of you. Pero huwag kang mag-alala, sigurado naman na babalik din ang alaala niya. Inaalagaan siya ni Matthew, hindi ba?”
“Yeah,” maikling sagot nito.
“Alam mo, may kaibigan ako sa ospital ni Matthew,” her tone had gone to story mode. “He’s a fifteen year-old boy and he’s a cancer patient. Jayden ang pangalan niya. Nakilala ko siya minsang dumalaw ako sa ospital ni Matthew. At simula noon, naging close na kami. Palagi kong ipinagdadasal na sana ay bumuti ang kalagayan niya. Napag-usapan nga namin na pagkatapos ng operasyon niya, ilalabas ko siya.”
“Mukhang gustong-gusto mo talaga ang mga bata, ah?” tanong nito.
Tumango siya. “Gustong-gusto ko talaga ang mga bata at sana gusto rin ni Matthew ang maraming bata,” nasisiyahang sagot niya.
“Matthew?” may curiosity na sa tono nito. Pagtingin niya dito ay hindi niya naitago ang ngiti sa mga labi niya.
“Narinig kong kaibigan mo daw si Matthew,” aniya. “I like him,” nakagat niya ang pang-ibabang labi at nagpatuloy. “Hinihiling ko na sana mai-date ko siya minsan.”
Tumango-tango ito. “He’s my best buddy and he’s a good guy,” sagot lang nito at muling ibinalik ang tingin sa mga bata.
Tumitig na rin lang siya sa mga bata at pinigilan ang sariling mag-salita muli.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin Aguirre
RomanceAlyzza was a very loyal friend; she loved her friends just like her family. Kaya nga ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga ito. Pihikan din siya sa pagpili ng magiging boyfriend, at nakita niya ang lahat ng standards niya sa katauhan ni Matthew Az...