HUMUGOT ng malalim na hininga si Alyzza nang makalabas siya ng airport. Welcome back to the Philippines, Alyzza. Ilang buwan din siyang nanatili sa Canada. Tapos na ang trabaho niya doon at ang kailangan niya na lang gawin ay makipagkita kay Christopher at ibigay ang huling report niya.
Napabuntong-hininga siya. Napakaraming lugar ang gusto niyang puntahan ng mga oras na iyon. Miss niya na ang pamilya at mga kaibigan niya dito.
Napatingin siya sa kapatid na si Stefany nang sumalubong ito sa kanya.
“Ate!” mabilis siya nitong niyakap. “I missed you so much!” bahagya itong lumayo sa kanya. “Dinala ko ang sasakyan mo,” kinuha nito ang ilang gamit na dala niya. “Tara na.”
Sumunod na lang siya dito hanggang sa kinapaparadahan ng sasakyan niya. Napangiti siya. Na-miss niya ang sasakyan niya, mabuti naman at mukhang hindi iyon pinabayaan ng kapatid niya. Hinayaan niya na itong mag-drive, mahaba ang naging biyahe niya kanina. Pagod na pagod na siya.
“Didiretso na ba tayo sa bahay?” tanong nito. “Naghanda ng lunch para sa atin si Mommy.”
“Idaan mo muna ako sa MicroGet,” sagot niya. “May iaabot lang ako kay Christopher.”
Tumango ito. “Gusto ko ring makita si Christopher, pero mukhang busy talaga siya. Next time na lang siguro.”
Sumulyap siya dito. “Mukhang close ka sa kanya, ah?”
Stefany shrugged. “We’re just good friends.”
Hindi na siya sumagot at sandaling ipinikit ang mga mata. Gusto niyang matulog pero hindi naman siya sanay matulog sa loob ng sasakyan. Naisip niya na lang kung nasa biyahe na rin ba si Justin. Magkaiba sila ng flight dahil may kailangan pa itong asikasuhin sa ilang imports sa firm nito.
Ilang sandali lang ay napamulat siya nang sabihin ni Stefany na nasa MicroGet na sila – nasa Ortigas iyon. Bumaba siya sa sasakyan at pinaghintay na lang ang kapatid doon.
Pumasok siya sa loob ng building at dumiretso sa opisina ni Christopher. Agad naman itong tumayo nang makita siya.
“Welcome back, Alyzza,” bati nito at lumapit sa kanya.
Ngumiti siya. “Thank you,” iniabot niya dito ang folder na hawak. “My last report,” dugtong niya.
Tumango ito at inabot ang folder. “Thank you so much,” bumalik ito sa table nito at ipinatong doon ang folder. “Narinig kong nai-endorse mo daw doon ang mga coffee products mo? Sana marami kang nakuhang importers.”
“Yeah, sana nga may tumawag sa akin isa sa mga araw na ito,” tugon niya. “Gustong-gusto ko talagang mapalawak ang business ko katulad ng sa’yo.”
He smiled that dashing smile of his. “Just persevere, Alyzza. You know that perseverance makes the difference between failure and success.”
Tumango siya at lumapit dito. Iniabot niya dito ang kamay. “It’s nice working with you, Mr. Samaniego.”
Tinanggap nito ang kamay niya at bahagya iyong pinisil. “Same here, Ms. Andersonne. Thank you again.”
“You’re welcome,” tugon niya at nagpaalam na dito. Tapos na ang trabaho niya para dito. Dapat na ituon niya naman ang pansin sa sariling negosyo.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin Aguirre
RomanceAlyzza was a very loyal friend; she loved her friends just like her family. Kaya nga ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga ito. Pihikan din siya sa pagpili ng magiging boyfriend, at nakita niya ang lahat ng standards niya sa katauhan ni Matthew Az...