Transferee
At first, tahimik silang lahat. Then a few moments later, they showered him with lots of questions.
“Rhett, saang school ka galing?”
“Uh, Brilliants International School.”
They gasped. “International School? Bakit ka lumipat ng Integrated? Mukha ka namang mayaman.”
“Ahm, I just decided to transfer. New environment.”
“Rhett, ilang taon ka na? I'm sixteen by the way.” Sinundan iyon ng mahinang pagtawa. I rolled my eyes again. Pabebe.
“I’m seventeen.”
“Woah. Same age pala tayo. Tayo ang pinakamatanda rito. Halos lahat kasi mga sixteen.”
“Pati ba si…” hindi ko narinig ang sunod niyang sinabi kaya lumingon ako. Naabutan ko naman siyang pasimpleng tinuturo ako. I raised my eyebrow.
“Why do you wanna know?” mataray kong tanong. Ngumuso siya na tila ba nagpipigil ng ngiti.
“’Di ko alam kaya nagtatanong ako.”
“Well, I don't give you the permission to know my age.”
“Bakit naman hindi? It's not like he's asking that because he's interested, curious lang siya. Besides, everyone knows your age here, Crystal. Why not tell him?” singit ni Gwen na ikinatahimik ng lahat.
Nagpantig ang tainga ko nang marinig ang boses niya. But I didn't look at her and focus my eyes on my notebook while drawing some random lines.
“Oo nga. Tsaka hindi ka magugustuhan ng pinsan ko. Wala ka pa nga sa kalingkingan ng ex niya,” dagdag ni Ayah.
I should be happy dahil galing na mismo sa bibig niya na ayaw niya sa ‘kin para kay Rhett. But an insult is still an insult. Dumiin ang pagsusulat ko sa notebook to the point na nabutas na ang papel. I stopped doing what I was doing and glanced at them.
At dahil nasa likuran silang dalawa ni Rhett, hindi nakatakas sa ‘kin ang gulat niyang ekspresyon lalo na nang makita niya ang nagpupuyos kong mga mata.
“It's my age. My personal information. I have the right na ipagdamot ‘yon whenever I want to.”
“Ang sabihin mo, pabebe ka,” bulong ni Ayah na narinig ko naman.
“Kung pabebe ako, I would act like a wounded puppy and ask help like I'm incapable of defending myself. Iyon ang pabebe. Nagpapaawa at naghihintay ng magtatanggol sa kaniya.”
Padarag akong tumayo at humarap sa kanilang lahat. Everybody tensed except for Rhett na halatang naguguluhan sa nga nangyayari. I saw Gwen swallowed and Ayah looked away. I smirked.
“Oh bakit ganiyan ang hitsura ninyo? I'm just going to the restroom. Chill,” I said mockingly before leaving the classroom.
“What? What do you mean na hindi niyo ako masusundo?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Mang Nic sa telepono. I called him because I didn't see him in the front gate or even on the small parking sa gilid ng school.
“Pasensya na ho Ma'am. May emergency meeting raw ho kasi ang Papa niyo at kailangan na naming pumunta roon. Puwede ko po kayong sunduin pagkataoos nito pero baka abutin ng ilang oras dahil matraffic.”
“Saan daw po ang meeting?” tanong ko habang pinagmamasdan ang backpack na ibinaba muna saglit sa bench sa waiting shed.
“Sa Parañaque po.”
“Parañaque?!” I shouted in shock. Pinagtaasan ko ng kilay ang mga estudyanteng napalingon sa ‘kin.
What the hell? I'm in Bacoor! That's two cities away!
“What about Chirlyn? Nakauwi na ba siya?” tanong ko ulit. Sabi niya kaninang umaga sasamahan niya akong bumili ng mga bagong damit.
“Hindi pa po Ma'am eh. Baka kasama niya ang mga kaibigan niya. Minsan po kasi hindi ‘yon nagpapasundo.”
I sighed. “Okay.”
“Susunduin ko pa rin po ba kayo pagkatapos kong ihatid si Señor?”
Umiling ako na para bang narito siya sa harapan ko. “No. Magtataxi na lang ako.”
“Sige po.”
Binaba ko ang tawag at nakapameywang na nagpakawala ng buntong-hininga. I looked at the road in front of me na kadalasan ay jeep ang dumadaan.
“After fifteen minutes at wala pa rin akong masakyang taxi, magjijeep ako,” pagkausap ko sa sarili saka kinuha ang bag sa bench.
Hindi pa ako nakakapara nang tumunog ulit ang cellphone ko. My brows furrowed when I saw Austin calling.
“Aust, napatawag ka?” tanong ko nang masagot at tawag.
“Where are you?”
“Still at school. Wala akong makitang bakanteng taxi,” I answered.
“Bakit ka naman magtataxi? You have a driver, right?”
“Mang Nic's with Papa. Emergency meeting daw. Teka, bakit ka ba napatawag?”
“Pauwi na kami galing school at didiretso kami sa bahay ni Dharyl.”
“Bahay ni Dharyl? Why, is there a party?”
“No. Dharyl's leaving Pristine today. Sasamahan namin si Areon para subukang pigilan siya.”
Nanlaki ang mga mata ko. “What? Bakit naman siya aalis?”
“We don’t know, all we know is that, she broke up with Areon two days ago.”
“Darn. . .”
“Uh-huh. Kaya kung gusto mong sumunod, dumiretso ka na lang sa bahay nina Dharyl.”
“Pero ‘di ko alam kung sa'n ‘yon.”
“Just ask the guard. Iisa lang naman ang bahay ng mga Hofileña rito.”
“Okay, okay. I'll get there as fast as I could.”
Pagkatapis ng tawag ay si Chirlyn naman ang tinawagan ko.
“Couz, I am so sorry. We can’t go to the mall today—”
“I know. You’re going to Dharyl's house?”
“Paano mo nalaman?” She sounded surprised.
“Ipapaalala ko lang sa ‘yo na kaibigan ko ang boyfriend niya.”
Malakas siyang bumuntong-hininga. “Well, ex-boyfriend na ngayon. Gosh, I still can't believe it.”
“Bakit ba sila naghiwalay? At bakit aalis si Dharyl ng Pristine Heights?”
“I don’t know! Nagulat na lang ako when she texted me kanina, saying goodbye. Ngayon ko lang din nalaman na aalis siya,” hindi mapakali niyang tugon.
“What the hell is happening in Earth?” I blew a loud breath.
“’Di ko rin alam, Couz. At this point, all I wanted is to be a potato.” She matched my sigh.
“Siraulo,” sabi ko habang mahinang tumatawa. “Sige, I'll go home as fast as I could. Hindi puwedeng mahuli ako sa balita, ano.”
“Okay. Catch you later.”
“Bye.”
Sa sobrang atat kong umuwi, five minutes of searching for a taxi feels like an eternity to me. May mga taxi na dumadaan, punuan naman. Ayaw kong magjeep, hindi komportable. Tsaka baka may dumaang taxi kung kailan nakasakay na ako, badtrip ‘yun.
Nasa gitna ako ng pagpara nang may tumigil na putting Mazda MX-5 sa harapan ko. Dahan-dahang umangat ang bubong no'n at ipinakita ang tao sa loob.
“Need a lift?”
My lips parted as I looked at Rhett smirking sexily. Ipinatong niya ang kanang braso sa sandalan ng upuan while his other arm flexed as he held the car's steering wheel. Two buttons of his polo are loose, revealing his white shirt inside and his hair is a hot mess.
Napakurap-kurap ako nang parang magliwanag ang paligid nang magtama ang mga mata namin.
What the hell?
“Crystal?”
“H-Ha?”
His smirk widened. “I was asking kung gusto mong sumabay pauwi.”
Tumikhim ako para baliwalain ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso. “N-No, thanks. Magtataxi ako,” I said then looked away.
“Are you sure about that? Wala masyadong taxi ang dumaraan dito. Kung mayro'n man, laging may sakay.”
“Pa’no mo nasabi?”
“Blair told me.” I rolled my eyes at the mention of Ayah's name.
“Edi magjeep.”
“Mausok ‘yon. ‘Di mo magugustuhan.”
“Kaya kong magtiis.” I flipped my hair.
“Mas pipiliin mong magtiis sa mausok na jeep kaysa sumabay sa akin na nakakotse? My ride is faster than a jeepney, you know.”
There's a part of me na gustong mag-inarte pero baka naman kapag nagjeep ako, anong oras na ako makauwi dahil ang hirap maghanap ng masasakyan.
“Pasalamat ka at nagmamadali akong umuwi,” I mumbled as I open the car's door. Matagumpay naman siyang ngumiti at umayos ng upo. “Ang close the car's roof! Hindi mo ba nakikita ang usok?”
He chuckled before he obliged. “Yes, Ma'am.” Sumaludo pa ang loko.
✨GraciousVictory✨
Don't forget to vote, comment on this chapter if you have some questions, and of course, follow my acc, @GraciousVictory. Thank you!😘

BINABASA MO ANG
One of the Boys (Pristine Series#1) ?
Teen Fiction|| thewattys2021 Shortlist || Pristine Series (PRS#1) Falling in love with the last person your family would want for you. Standing up for love. Fighting for the truth and the sacrifices and pain in between. Can she handle it? --- Chrystalline Jenni...