抖阴社区

41 of 41

369 58 9
                                    

Safe

“I am really shocked to know that Rhett's girlfriend is a Dizon. But oh well, that's much better. You two could be the bridge for both families,” Rhed, Rhett's older brother said as he eat.

“That's actually our plan, Kuya. Ang magkaayos ang dalawang pamilya. Right, hon?”

Napakurap-kurap ako nang balingan ako ni Rhett.

“Ha? Ah, oo.”

He leaned in and whispered, “Kanina ka pa wala sa sarili. May problema ba?”

“Nothing.” I forced a smile.

“Don't you like the food, Crystal?” Rhed asked me. His question was full of concern but his face says the otherwise. Mas nakadagdag iyon sa takit ko sa kaniya.

“It’s okay, po.” I don't know what to address him.

He chuckled a bit. “Call me Kuya. Since girlfriend ka naman nitong…kapatid ko.”

I did not say anything but nod. The conversation went on and on at silang dalawa lang ang nag-uusap. I kept quiet and just listened. Tungkol sa buhay ni Kuya Rhed sa New York ang pinagkukwentuhan nila.

Minsanan naman ay nagtatanong sa akin si Kuya Rhed o ‘di kaya si Rhett but I always answer briefly. I can feel that they're both trying to cheer me up at maisama ako sa usapan pero parang wala akong ganang makipag-usap lalo na kapag si Kuya Rhed ang nagtatanong. Madalas ko rin siyang mahuling nakatingin sa akin.

“This dinner was fun. It was nice meeting you, Crystal. Though you sound a bit more savage in Rhett's stories.”

Mabilis na sinuntok ni Rhett sa braso ang kapatid niya saka nahihiyang tumingin sa akin. Tipid akong ngumiti.

“That’s okay.  I am usually talkative actually. Maybe I'm just tired.”

Tumaas ang kilay ni Kuya Rhed at tumangu-tango. “I feel tired too.” Binalingan niya ang nakababatang kapatid. “Convoy na lang tayo pauwi. Mauuna na ako sa inyo,” paalam nito saka sumakay sa mamahaling sasakyan na nakapark sa ‘di kalayuan at nagmaneho papalayo.

Nagtama ang mga mata namin ni Rhett. “Do you want to come with me and fetch the car or dito ka na lang?”

“Dito na lang ako,” sagot ko.

He nodded. “Okay. Stay here, huwag kang aalis.”

Tumango ako at humarap sa kalsada nang mawala siya. Medyo malayo kasi ang naparkingan namin kanina dahil may karamihan ang tao. Ngayon na medyo gabi na, wala na masyadong sasakyang nakaparada. Natatanaw ko siya mula sa kinatatayuan ko.

I hugged myself as I feel the night's cold breeze. Isang kulay navy blue na above the knee dress ang suot ko. Naka-bun rin ang buhok ko dahilan para mas lalo akong lamigin.

I glanced at Rhett at nagsalubong mga tingin namin. Itinaas niya ang isang jersey jacket at naglakad papalapit sa ‘kin.

Pipigilan ko sana siya para huwag ng lumapit at paandarin na lang ang sasakyan when I heard a screeching sound.

Isang itim na van ang mabilis na pumarada sa harap ko. Hindi pa ito nakakaparada ng maayos nang bumukas ang pinto at may lumabas na dalawang lalaking nakaitim na damit at maskara.

One of the Boys (Pristine Series#1) ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon