抖阴社区

Chapter 84

1.4K 68 14
                                    

Papasok na si Kisses sa banyo para maligo ng may sunud-sunod na nagdoorbell. Inayos muna niya ang suot na roba saka tiningnan kung sino ang dumating.

Nagulat pa siya na ang makapal na labi ni Donny ang una niyang nakita ng sumilip siya sa peephole ng pinto.

Kisses: haist! Ang kulit din ng lalaking ito...

She's thinking kukulitin na naman siya nitong sumama sa birthday dinner ng kanyang manager.

Sunud-sunod ulit na nagdoorbell si Donny. Bahagyang binuksan ni Kisses ang pinto.

Kisses: ano na naman ba ang kailangan mo Donny?! Kung kukulitin mo na naman ako para pumunta sa birthday ni Tito Joey huwag mo na lang ituloy okey! I'm not going!

Donny: whoaaah! Grabe naman! Init ng ulo? Chill! Gusto ko lang sanang itanong kung gusto mo mapanood yung kuhang videos nila Kuya RJ dun sa ginawa nating outreach. Andun si Kuya sa unit ko.

Kumalma ang itsura ni Kisses at tuluyang binuksan ang pinto.

Di mapigilan ni Donny na tingnan ang suot ni Kisses at pasimpleng sumilip sa loob. Inisip niya baka nasa loob si Noah.

Donny: bakit ganyan suot mo??may kasama kaba sa loob??

Kisses: wala no! Wala dito si Ana, nasa Davao!...sige na balik ka na dun sa unit mo maliligo pa ako...

Nakahinga ng maluwag si Donny. Napawi yung iniisip nyang hanggang sa mga oras na ito ay magkasama silang dalawa ni Noah. May isang tanong na lang talaga siya at sana ay mabigyan na ito ng sagot.

Donny: ayaw mo bang panoorin yung video?

Kisses: maliligo nga muna ako di ba? Kaya mubalik ka na dun at susunod ako. Tigas din ng bunbunan mo ano?

Napangiti si Donny sa sinabi ni Kisses.

Donny: hintayin na lang kita.

Akma sanang papasok sa loob si Donny pero pinigilan siya ni Kisses.

Kisses: No way!!!!...hindi pwede! Bumalik ka na sa unit mo bago pa magbago isip ko!

Donny: Tssss....kung maka-No way naman ito oh kala mo may gagawin akong masama!...**smiles**

Naningkit ang mga mata ni Kisses sa sinabi ng kausap.

Donny: ok fine! Madali naman akong kausap eh! Basta sumunod ka...hihintayin kita...I mean hihintayin ka namin ni Kuya Rj.

Hindi na sumagot si Kisses at tuluyan na niyang sinara ang pinto at dumiretso sa banyo para magshower.

Ngiting-ngiti naman si Donny na bumalik sa unit nito.

"lakasan mo mamaya loob mo bro at tanungin siya tungkol sa kanila ni Noah...magdasal ka na papanig ang sitwasyon sa'yo pero ihanda mo rin sarili mo na masaktan kung sakaling tama ang hinala mo!" payo niya sa sarili.

RJ: oh! Nasaan si Kisses? Hindi pumayag??

Donny: susunod lang daw siya Kuya, maliligo lang daw muna siya...

RJ: okey...

At pinapagpatuloy ni RJ ang kanyang ginagawa.

Donny: shower lang din ako saglit Kuya...iwan muna kita dyan...

RJ: okey...magshave ka tas magpapogi ka, darating si Love...este si Kisses! Hahaha!

Panunukso ni Kuya RJ. Tumawa lang si Donny sa sinabi ng Kuya niya at pumasok na sa loob ng kwarto para maghandang maligo.

Ilang minuto rin ang lumipas at lumabas na ng kwarto si Donny habang pinupunasan ang basang buhok.

Abala pa rin si RJ sa ginagawa nito at wala pa rin si Kisses.

Before I Fall In Love (?COMPLETED?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon