抖阴社区

Chapter 92

1.8K 76 11
                                    

"I miss you..."
"I miss you..."
"I miss you..."

Tatlong salita na isang beses lang binanggit ni Donny pero paulit-ulit niyang naririnig sa mga sandaling iyon. Nanatili pa rin siyang nakatayo at hindi gumagalaw. Hindi niya alam kung bakit sa pagkakataong ito, iba ang naging dulot sa kanyang sistema ng mga salitang iyon.

Pakiramdam niya, ganun din ang naramdaman niya para dito at ang mga salitang yun ay nanonoot sa kaliit-liitan niyang himaymay.

Hindi niya maintindihan ang sarili. Mas humigpit pa ang naging yakap ni Donny sa kanya kaya nagpanic ang lahat ng cells sa katawan niya. There's a sudden rush of emotion na hindi niya alam kung bakit nagkaganun. Pinakalma niya ang kanyang sarili at huminga ng malalim.

Donny: hangga't hindi ka nagsasalita hindi kita bibitawan.

Saad nito at mukhang nag-eenjoy pa ito sa ginagawa.

Kisses: a---aaahh!...ma-masyadong masikip...h-hindi na ako makahinga!!

Bumitaw si Donny. At dumistansya din siya ng bahagya.

Donny: akala ko talaga gusto mo lang yakapin kita eh kaya hindi ka nagsasalita! Miss mo din ako no?? **smiles**

Umarko ang kanyang kilay at naningkit ang kanyang mga mata. She remember, this person infront of her has a lot of explanation to do! At maniningil pa siya dito.

Kisses: huwag mo akong dinadaan sa pangiti-ngiti mong ganyan!!! Ang dami mong atraso sa akin!

Hinila niya ito papunta sa malapit na bench at itinulak paupo.

Donny: whoaaa!!! Grabe! Nananakit ka na huh?? Ganyan ka ba magwelcome ng kaibigan? Physical abuse tong ginagawa mo eh! Grabe...sakit ng likod ko ah!

Hinimas-himas pa niya ang likod na tumama sa steel part ng bench pero nananatili pa rin itong nakangiti.

Kisses: hindi lang yan ang aabutin mo kapag hindi ka sa akin nagsabi ng totoo!

Donny: Wow! Tapang ah! Iba din ang dulot ng Sydney sa'yo. Di ako nainform na nakakatapang palang magbakasyon dito! **smiles**

Umayos ng upo si Donny at humarap kay Kisses.

Donny: bakit anong katotohanan ba ang gusto mong malaman?? Pakiramdam ko tuloy ang dami kong kasalanan sayo!

She took a deep a breathe.

Kisses: talagang marami!...anong katarantaduhan yung ginawa mo sa mga kaibigan natin?? Kailangan mo talagang gawin yun? Ano bang tumatakbo sa isip mo nung mga oras na 'yon at ang gago ng mga pinagawa mo sa kanila??

Donny: Ooops! Teka! Hinay2x lang! Ang daming tanong! Chill!...chill!! Then watch your words! Nagiging barbaric ka na!!!

Kisses: Chill?? Bakit ako magchichill kung yung mga ginawa mo kamuntik na palang maghiwalay sila Devon at Kiko! My God Donny! di ko alam na kaya mo palang gawin yun masunod lang ang gusto mo!

Donny: Ano ba pinagsasabi mo??? Pwede paki-explain? Pumunta lang naman ako dito dahil namiss kita!

Nakangiti nitong sabi sabay kindat. Wala itong pakialam sa reaksyon ng dalaga.

Hindi naman umobra ang pakindat niya kay Kisses at pinitik nito ang kanyang noo.

Donny: Ouch! Grabe talaga! Di ako prepared na mabubugbog pala ako ngayon!!! Noong nasa Pilipinas pa tayo, ang sweet-sweet mo...ngayon nandito tayo sa Sydney kulang na lang balian mo ako ng buto!

Kisses: seryoso ako Donny huh! Hindi ako nagbibiro at sigurado akong alam mo kung ano ang tinutukoy ko?? Ano nagka-amnesia lang? May paglimot? Alam kong matagal na yun pero sure na sure akong di mo nakakalimutan yung mga ginawa mo!

Before I Fall In Love (?COMPLETED?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon