Rich pov;
Nandito ako sa kwarto ko nakasilip lang sa bintana ng katukin ni kuya ang bahagyang nakawang na pinto upang basagin ang malalim na iniisip ko.umakyat kasi ako dito...di na kasi kaya ng dibdib ko ang sakit habang nasa baba ako at nakatingin sa tatlong kabaong ng mga mahal ko.
"Halika na sa baba richie...hinahanap ka na nila."tumango lang ako saka naunang naglakad palabas ng kwarto para bumaba at harapin ang lahat ng nakikiramay...huling araw na kasi eto ng burol at bukas ay ililibing na sila at di ko na masisilayan pa ang mga mukha ng pamilya ko.
"Oh rich anak.ok ka lang ba.di ka na yata nakakain ng maayos.ang laki na ng binagsak ng katawan mo."si tita almira pala kapatid na bunso nila papa.
"Simula nung burol tita ganyan na yan..di ko na nga po alam ang gagawin ko.di nakakatulog,madalas konti lang ang kinakain."ang paliwanag ni kuya kay tita almira
"Ok lang po ako tita.dun lang po ako sa sala."ang walang buhay na pasintabi ko kela tita.dun kasi sa sala ang burol.
"Hindi,halika dun sa kusina at ipagluluto kita.kailangan mong kumain kahit konti man lang."bakit ba ang kulit nila.wala nga akong gana.
"Hindi ko rin po kakainin ang anumang iluluto niyo,wala po talaga akong gana."magalang pa rin na pagsagot ko kay tita.
"Rich kumain ka naman kahit konti lang.iluluto ni tita ang paborito mong pagkain."isa pa tong si kuya.
"Ayoko!gusto ko si mama lang ang nagluluto ng gusto ko.at kung hindi rin lang siya,wag na lang!"naalala ko na naman kasi si mama dahil lagi niya ako ipinagluluto nun ng paborito ko.
Pak!!!
Sinampal ako ni tita almira.pero manhid na ang pakiramdam ko.gusto ko na ring mamatay..di ko na yata matutupad pa ang ipinangako ko kela mama at papa.
"Anu?gusto mo na ring mamatay!..mag-isip ka naman rich,may dahilan kung bakit nangyari to at may dahilan kung bakit nandito ka at buhay kahit iniwan ka nila...isipin mo naman rich na nasasaktan din ang mga magulang mo ngayun sa nakikita nilang kahinaan mo."yun na nga eh,anu ba ang dahilan bat pa niya ako binuhay kung lahat naman ng mahal ko ay kinuha na niya.
"Yun na nga po tita eh.anu ba talaga ang dahilan bat kailangan ko pang mabuhay?wala na ang mga taong nagpapalakas sa akin.iniwan nila ako ng ganun ganun lang.madaling sabihin na tanggapin ang lahat dahil hindi kayo ang naiwan at hindi kayo ang nawalan!"
Isang panibagong sampal na naman ang natamo ko mula kay tita....
"Mali ka diyan rich.alam mo na nawalan din ako ng anak.at kung anu ang nararamdan mo ngayun ay mas doble sa akin noon.pero kung naging mahina ako may mapapala ba ako?mas masakit sa isang ina ang mawalan ng anak rich,kaya sana mag-isip kang mabuti."
Namatayan pala si tita ng kaisa-isang anak.di ko naisip na labis ko pala siyang nasaktan sa sinabi ko....umalis si tita at naupo na sa tabi ni tito jess ang asawa niya...di na sila ulit nagkaanak pa.gusto kong humingi ng pasensya pero nahihiya ako and at the same time ay di ko pa kayang makipag-usap sa ngayun...
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Araw ng libing at halos nailuha ko na lahat...ang sakit isiping ihahatid mo sa huling hantungan ang mga taong mahal mo...
"Ma...pa...rica...bat naman ganun ang daya niyo...iniwan niyo na lang ako bigla..."
Yumakap sa akin si kuya at ganun din si tita almira habang nakayakap naman ako sa kabaong ni rica.Ito na ang huling pagkikita namin.di ko lubos maisip na uuwi ako araw-araw sa bahay na dating masaya at maingay na ngayun ay nabalot na ng katahimikan.
"Shhhhh...tahan na rich...magpakatatag ka pakiusap.andito pa naman kami.maawa ka naman sa sarili mo."ang pagpapatahan sa akin ni tita almira.mula doon ay yumakap ako sa kanya at dun ko na ibinuhos ang lahat ng sakit na sana ay matapos na.
"Sige iiyak mo lang anak...basta huli na yan ha,pilitin mong maging masaya at matapang."si tita.
"Sana po tita ay kaya ko...sana ay bigyan nila ako ng lakas...hindi ko kayang ipangako na Kakayanin ko.pero gagawin ko po tita,alang alang sa pangako ko sa kanila at para na rin po sa amin ni kuya.salamat po tita."dun ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.sana ay lagi nila akong gabayan.lagi ko na lang iisipin na andiyan lang sila...sana kaya ko.
Matapos ang libing ay naguwian na lahat maliban sa akin.nagpaiwan ako.pero alam kong inaantay lang ako ni kuya sa may sasakyan.nakaupo ako sa damuhan malapit sa kung saan nakalibing nag mga taong mahal ko.
"Ang bilis po noh?...di ko alam na di niyo na pala mahihintay pa na maibalita ko ang pagkapanalo ko.lalo ka na rica.ang daya mo talaga sis..Ngayun ako na lang ang magandang natitira..saka pa,si kuya na lang ang gwapo...ayan kasi iniwan niyo kami.pero sana nawala man kayo ay di naman kayo aalis sa tabi namin para gabayan kami ni kuya."ang lumuluhang pagkausap ko sa kanilang libingan.
"Richie..tara na baka bumagsak na ang ulan."si kuya pala sinundo na talaga ako.
"Ma,pa,sis rica.pano ba yan aalis na kami.wag kayong mag-alala dahil lagi ko kayong bibisitahin.alagaan mo sila mama at papa rica ha...aalis na po kami."pinunasan ko ang luha ko sa mata at tumayo."
"Ah siya nga pala tutuparin ko po ang pangako ko.magpapakatatag ako,yung pangako ko sayo ma,pa na magtatapos ako ng pagaaral,gagawin ko yun.natupad ko na nga ang isang pangarap mo di ba.ang magkaanak ng beauty queen.sige po paalam."
Tinungo na namin ni kuya ang sasakyan at bumyahe pabalik ng bahay.andun parin yong sakit pero kakayanin ko.andito pa pala si tita almira at tito jess.
"Oh mga batang to.nagluto ako ng pagkain,kumain na tayo."umpisa ni tita.
"Sige po baka gutom na tong si rich."si kuya naman.
"Sigurado ka bang makakakain ka na?"ang tanong sa akin ni tita.
"Opo tita...siya nga po pala tita.sorry po kung nasigawan ko kayo kahapon.sana po ay maintindihan niyo.humihingi ako ng tawad tita di ko po sinasadya."paghingi ko ng paumanhin kay tita.naging bastos kasi ako sa kanya.pero alam ko namang naiintindihan niya yun.
"Ayos lang yun.alam ko naman na masakit talaga.pero salamat at kahit papanu ay pinipilit mo ang sarili mo na maging ok...anu kain na tayo?..ay siya nga pala.dito muna kami ng tito niyo hanggat di pa bumabalik dito si yaya nanay niyo.ok ba yun?"
"Oo naman po tita.salamat po at nandiyan kayo."
"O siya tama na ang drama,tara na at nagwawala na ang mga alaga ko."si tito talaga hanggang ngayon matakaw pa rin.
Sabay sabay naming pinagsaluhan ang nilutong pagkain ni tita.magkasing galing sila ni mama magluto.no doubt kung bakit sila lagi ang nagluluto pag may family gathering sa bahay nila lola.ang ibang mga kapatid kasi nila mama at papa ay puro business na yata ang alam gawin.ang mga pinsan ko ayun,mga pasaway kasi walang nagbabantay pagktapos naming kumain ay si kuya na ang nagrepresentang maghuhugas ng pinagkainan.kami naman nila tito ay nasa sala at nagkwentuhan hanggang sa antukin.makakatulog kaya ako ngayong gabi.sana kahit man lang sa panaginip ay dalawin ako nila mama.
Ang lungkot ba?zige try ko po paseyahin ng konti...
Support naman po kahit konti kang..salamat...

BINABASA MO ANG
Revenge
Romanceang kwentong ito ay binubuo ng kawalan ng minamahal,pangaabuso,paghihiganti at pagpapatawad. angelic face na hahangaan ng maraming kalalakihan, at siya ring dahilan ng iyong kapahamakan. isang pangyayaring di mo aakaling iyong dadanasin sa kabila ng...