抖阴社区

Revenge 8

3.6K 137 1
                                        

Tita almira's pov;

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung libing.at hanggang ngayun ay di pa rin pumapasok sa school ang pamangkin kong si rich.ang laki na rin ng pinagbago niya,ang dating madaldal,supladita,palabirong rich ay tuluyan nang napalitan ng isang bato.halos walang mabasang emosyon sa mukha.nasasaktan ako na makita siyang ganyan.simula ng mamatay sa malubhang sakit ang kaisa-isa kong anak ay siya na ang itinuring kong anak.napakabuti kasi at masiyahing bata dati si rich at napaka amo ng mukha na namana niya sa ina niya.aakalain mong babae kung hindi mo kikilatisin.paano ko siya maiibalik sa dati kung kailangan na rin naming umuwi sa susunod na linggo dahil sa mga naiwang negosyo.

"Anak,kailangan mo ba ng kausap.lagi ka na lang ganyan,gusto mo lagi ka na lang mag-isa.pano pag umalis na kami ng tito mo?baka kung anu ang gawin mo."umakyat ako sa kwarto niya at gaya ng dati ay nakaupo lang siya malapit sa bintana hawak ang family picture nila.

"Wag po kayong mag-alala tita kaya ko na po,saka tanggap ko na rin po na wala na sila.iniisip ko lang po kung sumama pala ako ng araw na yun buhay pa kaya ako ngayon?"

"Susme kang bata ka.wag ka ngang mag-isip ng ganyan.kaya di ka nakasama nun dahil tadhana na ang gumawa ng paraan,dahil marami ka pang kailangang tapusin."

"Papasok na rin po ako sa lunes tita dalawang buwan na lang at matatapos na ang ikatlong taon ko sa highschool...sayang din naman po kung uulit ako.saka nangako ako kela mama at papa na magtatapos ako anu mang mangyari."

"Ayan...yan ang rich na kilala ko,matapang...pero may kulang nak.."

"Ho?

"Yung ngiti mong pamatay ng mga masasamang loob."

"Hahaha...si tita talaga.balang araw tita babalik din ang lahat."sana po lagi na kayong andito.ang lungkot kasi ng bahay pag kami lang ni kuya."

"Oh nakasimangot ka na naman.darating naman na si yaya nanay niyo sa linggo.saka lagi naman kitang tatawagan para kumustahin ka.may mga kailangang asikasuhin kasi ang tito mo,at kailangang andun ako."

"Ok lang po tita.basta tatawag po kayo lagi."

"Oo naman nak.promise ko yan.basta promise mo rin sa akin na babalik ka sa dati...pumapangit ka na oh.ikaw pa naman ang ms gay popular ng school niyo."

Pagkasabi ko nun ay yumakap sa akin ng napakahigpit si rich.parang maiiyak ako na kailangan ko pang umalis lalo na ngayong kailangan niya ng kalinga.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Rich pov;

Lunes na naman at kailangan ko ng pumasok ng school.kahapon ay dumating na si yaya nanay at kahapon din umalis sila tita pabalik ng pampanga.dun kasi ang negosyo nila.agad na akong bumangon at naglinis ng katawan.nagsuot ng uniform at bumaba ng kusina para magalmusal.nagluto na si nanay ng almusal at inaya ko na siyang sabayan ako.nakaalis na kasi si kuya kasi marami pa siyang kailangang asikasuhin para sa nalalapit na graduation niya.sayang gusto pa naman ni papa na makita si kuya magtapos.pagkatapos naming kumain ni nanay ay gumayak na ako.pero sinabihan ko siyang wag magpakapagod dahil kakagaling kang niya sa aksidenti at baka mabigla ang katawan niya.ihahatid ako ni kuya berting...opo siya na ngayon ang driver ko,nagsasanay pa lang kasi akong magmaneho.saka para na rin may kasama kami sa bahay.pagdating ko sa school ay agad akong sinalubong ng mga fangirls daw.

Girl 1: goodmorning rich.nabalitaan namin ang nangyari.condolence..

Girl 2: oo nga...ok ka na ba?sabihin mo lang sa amin kung kailangan mo kami..were here lang for you.

Girl 3:smile ka naman na rich.papangit ka niyan eh.makakaya mo yan...alam namin na matapang ka.

Girl 1,2&3: yes!!!kakayanin mo yan.

RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon