抖阴社区

Equation #3: Krimstix

65 2 2
                                    


" I miss the times...

...the minus, the add and the dedbaydedbay..(^_^)v"

5:30 A.M.

~bababa babanana... bababa baba potato na ah..... banana ah....

Narinig ko na ang alarm ko pero ayaw ko pang bumangon sa kama. 5 minutes pa.

Snooze.

~bababa babanana... bababa baba potato na ah..... banana ah....

5 minutes...

~ bababa babanana... bababa baba potato na ah..... banana ah....

Last 5 minutes nalang talaga. Snooze.

~ bababa babana----

Ok. Ok. I get it. Babangon na. Eto na...

Another day, another start nanaman. Panay ang pag bati sakin ng mga estudyante ng 'Good Morning Mam!' at 'Ang ganda mo talaga Mam!'.. . Pero syempre, eching ko lang yung pangalawa..  (^_^)v

"Para sa'yo po Mam.."

sabay abot sakin ng 'chocomani' ng isang estudyante ko..

Pagkatapos kong magpasalamat, kumaway na yung bata at umalis.

Naalala ko tuloy siya....

"Sige, kapag umabot ng 80 ang makuha mo sa Math, libri kita. Kapag hindi, libri mo ako."

sabi ni Drake.

"Madaya, 75 nga mahirap makuha, 80 pa kaya?!"

"Ayaw mo? Sayang, bihira lang akong mag alok ng libri..." -Drake

"Kahit na, sure win ka naman sa deal na yan eh.."

"Sabagay, akala ko kasi mas aayusin mo kapag motivated ka, kaso nga naman, Math yun eh..  80? mahirap talaga yun.. Sige.. good luck na lang Dana! Ano nga lang naman ang krimstix kung Math na---"

"Wait!! Krimstix ba ang pusta?"

"Sana.. Kaso nga, mahirap tala--"

"Deal!!"

"Ok!" (^_^)

Grabe... Parang nagulang ako dun ah.. Kaso kasi.. (°~°) krimstix yun eh.. Bahala na! Kaya ko yun! Sana..

"Please pass your papers forward!"

"Mam 5 minutes po!"

Paglabas ng classroom...

"Anong sagot mo  sa number 4?  Yung sa test III.. . "  -Dana

"Negative 21.57..Ikaw --?" -Drake

"Yes!! Pareho  tayo!!!"

"Pero di pa ako sure sa sagot ko... Nakakalito kasi yung problem."

"Ok lang yun, basta pareho tayo ng nakuhang sagot! ^_^"

"Isang problem lang yun.. Aabit kaya sa deal score naten yung score mo? Hahaha"

"Ganon?? -_-  Makikita mo!  Lalagpasan ko pa yung 80 na yan! "

"Weh?  Sige nga, ano'ng makukuha mong score?"

"81!! <proud>"

"Hahaha, ikaw talaga, sige, kapag nakuha mo yun, dadagdagan ko pa ng hany yung krimstix!"

"Deal!!"

The next day...

"I will return your papers  after the class."

"Sino kaya ang maglilibre mamayang uwian?  Excited na ako sa libre mo Drake!" -Dana

"Asa! Hindi aabot yan! hahaha"

"Makikita mo!"

"Here's your papers class..."

79% 

0_0

-_-

T_T

waaaaaahhhhh..

"Oh anong  nakuha mo?"

"Ililibre kita..."  T_T

"Ano ba'ng nakuha mo?? Patingin nga..."
"Sige na.. Tumawa ka na.."

"79??!!! pfffft.. hahahaha!!"

"Tumawa ka naman talaga! Ansama ng ugali mo! Sige! Ipagsigawan mo pa.."

"Mam!"

"Yes Drake? "

"Uy Drake ano ba?! Ipagsisigawan mo talaga?!"

"Mam, may tanong lang po ako...  Sa number 24 po..  Di po ba 360 degrees ang sagot? Tapos sa 25 po 180 degrees? Parang  nagkabaliktad po yung sagot..."

"Yun nga yung sagot Drake, hindi ba nakacheck yung paper mo?"

"Hindi po yung saken yung mali Mam. Yung kay Dana po..."

"Patingin nga ng paper niya..."

"Ito po yun Mam..."

"Hmmm.. Ok, plus two points Dana.. Your score will be  81..  Thanks for the corrrction Drake.. Any other correction guys?"

"None Mam!"

"Ok class.. You  may go.. ^_^"

O_O

A.S.A. Congruency TheoremTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon