抖阴社区

Equation #4: Hanny my labs (^_^)v

52 3 1
                                    

"Our little conversations are turning into little sweet sensations, and they're only getting sweeter everytime...."

0_0

oh. my. gas!

What on earth just happened??!!

Did he just save me from losing our bet?

Bakit?

Pero teka lang...

Kung umabot ng 81 yung score ko, e di ibig sabihin non....

"waaaah!!!! libre mo ko Drake!!! krimstix! hanny my labs!!"  sabay hila sa bag niya.

"makahila ka naman ng bag parang tatakasan kita.. tsaka teka nga, kung di ko naman sinabi yung correction mo, wala rin naman..."  -Drake

"A deal is a deal, talo ka, libre mo ko!"

"Lupit mo, tinulungan ka na nga.. Pwede mo na sigurong bitawan yung bag ko.."

Hila-hila ko ang bag niya hanggang umabot kami sa canteen.

"Magkasama na naman kayong dalawa, naku Jan! ubos na pala yung krimstix namen.."  sabi ni Manang saken pagtapat namin sa tindahan nila.

"Talaga Manang?! Oh Dana, pano ba yan, walang krimstix, hanggang ngayon lang valid yung offer ko.. haha" drake

"Di ba Manang may Hanny  pa naman po?"

"Meron."

"Yown!! Dali Drake bilhan mo na ako ng Hanny my labs.. ^_^"

"Mamumulubi ako neto dahil sayo alam mo ba yun?"

"Dami pang sinabi, huwag ka ngang kuripot! Dali.. uwian na oh.."

"Heto na po.. Manang sampung Hanny nga po.."

"Kayo talagang mga bata kayo, palagi na lang kayong nag sasagutan..."

"Ganyan po talaga Manang! Thank you po! Una na po kami!"

"Grabe.. Sa susunod di ka na mananalo sa ken.."

"Parang sampung piso lang Drake ha? Ikaw din naman yung nag-aya eh.. haha"

"Wala na palang susunod..Tss."

Dahil magkasalungat ang daan naming pauwi, hindi kami sabay..

 "Bye Drake!! Sa uulitin!!"

Naiiling na lang sya ng kumaway saken habang naglalakad palayo...

Isa sa mga inaabangan naming event sa school ay ang Foundation Day, dahil na rin sa Mass Demonstration ng bawat section, competition yon actually...

Ang theme ngayong taon ay "Local or Folk Dance"...

Dahil wala na kaming space sa school para mag praktis, kailangan pa naming maghanap ng ibang lugar na pwedeng pagpraktisan...

"May alam ba kayong available place para makapag practice na tayo?"
tanong ni Eron, ang class president namin.

"Dun sa court sa tapat namin, pwede!"
volunteer ni Olive.

"Ok lang ba sa inyo na doon tayo kina Olive mag praktis? "tanong ni Eron sa klase.

Since walang tumutol, napag desisyunan na lugar at kung sino ang magdadala ng gagamiting player sa praktis..

A.S.A. Congruency TheoremTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon