¶¶ÒõÉçÇø

¡¼²õ¾±³æ³Ù²â-´Ú´Ç³Ü°ù¡½

1.9K 89 20
                                    

BRIDGETTE

"Hoy Josh!" Kanina ko pa siya tinatawag dahil magpapatulong sana akong mag-luto dahil lugaw lang kaya kong lutuin huhu. Sana all marunong mag-luto debaaa.

Pero hindi niya ako pinansin at naka-focus lang sa cellphone niya. Nakakainis naman 'to eh. Hindi pa naman ako marunong manuyo.

Paano ba naman kase pinapapili niya ako sa kanila ni Kenzo. Alangan namang piliin ko si Kenzo, eh buang buang yun. Pag siya naman, buang parin. Ano ba talaga?

"Josh, kausapin mo naman ako please" pagmamakaawa ko at pinuntahan siya sa sala kung saan siya nakaupo.

"Josh, sorry na. Parehas kase kayong baliw ni Kenzo. Paano ako pipili?" Malambing na sabi ko para kunwari madala siya tapos maawa siya sakin diba. Ahuee.

"Siya baliw na talaga, eh ako? Baliw na sayo" napatigil naman ako sa sinabi niya. Napatahimik naman ako. Tangena, bakit may pag banat ng ganun? Di ko kineri ha.

"Oh diba, edi natahimik ka" sabi niya habang nakabusangot parin at nakatitig sa phone niya.

"Sino ba yan ha? Bakit titig na titig ka sa phone mo!" Puna ko dahil kanina pa siya seryosong nakatingin sa phone niya.

"Ano naman sayo?" Tugon niya kaya parang napatahimik ulit ako. Ghad, kalma ka lang, Gette.

"Babae mo yan 'no? Tsk!" Sabi ko at inirapan siya.

"Eh ano nga sayo kung babae ko" parang nasaktan naman ako sa sinabi niya. Ano bang nangyayare sa kanya? Tange, naiiyak na ako na ewan.

"May girlfriend ka na tapos lalandi ka pa sa iba? Ang lupet mo ah" matapang na sagot ko. Pero parang napahiling na lang ako na umalis na ako kanina pa dahil sa sinabi niya.

"Peke lang naman 'to diba? So kahit ilang babae pa yung landiin ko, wala kang pake" okay! That's it! Napatayo na lang ako bago magsalita.

"Oo nga 'no? Ano nga namang pakialam ko sayo? Alam mo hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Bahala ka nga" tumulo muna yung luha ko bago ako tuluyang bumalik sa kwarto ko.

Bakit ba bigla bigla na lang siyang nang-aaway? Porket hindi lang ako pumili sa kanilang dalawa ni Kenzo? Eh sa ayoko nga pumili dahil iba silang dalawa.

Ilang saglit lang ako nakarinig ako ng katok sa pinto ko. Nakabukas lang naman iyon kaya pwedeng siyang pumasok kahit anong oras.

"B-bae?" Mahinang usal niya. Itinalukbong ko yung kumot sa buong katawan ko. Naiinis ako sa kanya. Bipolar! Abnormal! Baliw! Nakakainis!

"I'm sorry, bae" malambing din na sabi niya pero hinayaan ko lang.

Ramdam ko yung pag-lubog ng kama kaya alam kong nakaupo na siya sa kama ko.

"I should've said that, bae. I'm sorry please" kahit na nanlalambot yung puso ko ay ayoko paring alisin yung kumot sa akin dahil ayokong makita niya yung namumula kong mukha.

?Pretend? ©«SB19's Josh??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon