¶¶ÒõÉçÇø

special chapter 2

2K 91 23
                                    

THIRD PERSON'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THIRD PERSON'S

"Stell, sure ka na kaya mong kumanta?" Nag-aalalang sabi ni Josh.

"Alam mo bro, wag ka ngang kabahan. Kaming bahala sayo" sabi ni Stell at kinindatan ito.

"What if umayaw siya? Hindi ko ata kakayanin" nagulat naman siya ng batukan siya ni Sejun.

"Alam mo ayan problema sayo. Masyado kang nega. Saka ilang taon na kayo magkasama ni Bridgette. Ngayon pa ba siya aayaw?" Medyo nahimasmasan ito sa sinabi ni Sejun.

Halos pitong taon na ang nakakaraan and finally, aayain niya si Bridgette to marry him. To be with his side forever. Hindi maiaalis ang alinlangan ni Josh pero walang mangyayare kung hindi siya kikilos.

"Maayos na ang lahat, Josh. Papunta na yung parents ni Bridgette" nakangiting sabi ni Ken.

"Ayos ah. Mukhang ikakasal ka na din" sabi ni Kem at tinapik ang balikat nito.

"Sana nga bro. Sana pumayag na siya"

"Tita, kamusta po kayo?" Nakangiting bati ni Josh sa mama ni Bridgette na kakarating pa lang.

"Im okay, Josh. Thank you. At sobrang gwapo mo ngayon" napangiti naman ito sa compliment ng mama ni Bridgette.

"Tita, thank you po for supporting us. Sobrang thankful po ako sa inyo ni Tito"

"Ano ka ba, sayo kami dapat magpasalamat. Kahit napaka-pasaway nun ni Dorothy napagtitiisan mo parin" napangiti si Josh.

"Mahal na mahal ko lang po anak niyo" natatawang sabi nito.

"Guys! Tita! Tito, papunta na daw po sila Bridgette" sigaw ni Justin kaya nagsi-ayos na ang lahat sa kani-kanilang mga pwesto. Pinatay din nila ang ilaw dun banda sa may entrance.

Ilang minuto lang ay nakarinig sila ng malakas na kalabog ng pinto. Ngingiti-ngiting binuksan ni Justin ang pinto at bumungad sa kanya ang mga taong malalapit sa kanyang puso.

"A-anong meron? B-bakit may ganito?" Tanong ni Bridgette. Napatingin pa siya kila Brianna pero nakangiti lang itong nagkibit-balikat.

Nagsimulang tumugtog ang minus one na kakantahin ni Stell

I found a love for me
Darling, just dive right in
And follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me”

Nalilito parin itong lumapit sa loob at makita ang parents niya na nakangiti sa kanya.

"Ma" tanging nasabi nito pero ngumiti lang muli sila at tinuro ang pwesto ni Josh. Hawak hawak nito ang palumpon ng mga pulang rosas. Hindi alam nito kung mabibigla siya or matutuwa dahil sa nakita. Pero muling bumilis ang tibok ng puso nito na gaya ng dati.

"Hi bae" nakangiting bati nito at inabot ang rosas sa dalaga. Masaya niya namang tinanggap ito.

"We've been together for almost 7 years. And nothing changed, mahal na mahal parin kita" natawa naman ng bahagya ang dalaga pero nanatili lang itong tahimik habang pinapanood ang bawat galaw ni Josh.

"Nagsimula man tayo sa hindi magandang pangyayari kase you find me annoying and i felt the same way. Pero alam mo habang tumatagal, nag-iiba yung nararamdaman ko para sayo"

"Nung una pilit kong dine-deny yun sa sarili ko but you are too good to be true. Then one day, i just find myself being in love with you. And hinding hindi ako nagkamali sa desisyon ko" unti-unting namuo ang luha sa mga mata ng dalaga habang pinapakinggan ang sinasabi nito sa kanya.

"Madalas man tayong hindi magkaintindihan pero there you are, ni hindi mo ko pinapatulog pag magka-away tayo. Im so lucky to have you in my life. Matagal kong hinintay 'tong moment na 'to para sa ating dalawa, bae. And I can say na sobrang sure na ako" may kinuha ito sa kanyang bulsa at nakangiting tumingin muli kay Bridgette.

"After 7 years. Bridgette Dorothy Gomez, my bestfriend, my partner in crime, my happy pill, my love, my everything" napatakip na lamang ng bibig si Bridgette habang hindi nito mapigilan ang luha sa kanyang mga mata. Hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa sobra sobrang saya na nararamdaman niya.

He slowly knelt down at binuksan ang maliit na box na kinuha nito mula sa bulsa niya.

"Will you be mine forever? Will you spend your lifetime with me? Bae, will you marry me?" She's still speechless but feels overflowing happiness on her heart. Sa totoo lang, she didn't expect everything at all.

"Bae?" Nabalik ito sa sarili ng tawagin siya ni Josh. Sumilay ang pag-aalala sa kanyang mata na ikinatawa naman ng babae.

"Ofcourse bae. I'll be yours forever. Let's spend every moments with each other. Yes, I will marry you, Josh!" Kaagad na nagpalakpakan ang lahat. Tinulungan niyang makatayo si Josh at agad na niyakap ito.

"Thank you, Josh. Super Thank you!" Bulong nito kay Josh.

"I love you"

"I love you too!"

"Congraaaaats!" Masayang sabi nila Stell.

"Congrats guys. Omg, ikakasal na kayoooo!" Sabi ni Brianna.

"Thank you guys. Thank you so much" lumapit ito agad sa parents niya at masayang niyakap ito.

"Thank you, Ma. Thank you, Pa"

"Naks, ikakasal na din ang kapatid ko. Congrats, lil sis" singit naman ni Brylle.

"Thank you kuya! You are the best" naiiyak na sabi nito

Wala ng mas sasaya pa sa nararamdaman niya ngayon. She finally felt complete, with her family, with her friends, and especially with his one and only love, Josh.

END..

(AH YEAAAHH! THANK YOU FOR SUPPORTING THIS STORY GUYS. AND THANK YOU SA MGA NAG-ABANG NITONG SPECIAL CHAPTER. HAPPY 100K READS EVERYONE! Y'ALL ANG ARE THE BEST!  ILOVEYOU ALL!)

? Tapos mo nang basahin ang ?Pretend? ©«SB19's Josh?? ?
?Pretend? ©«SB19's Josh??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon