Chapter 18: Bow
A/N: Ang Vaelion ang isa sa limang sinaunang relyn na nagbantay at nagprotekta sa Elemental World. Isang matalas at hindi matinag na archer, gamit niya ang vaelthir, isang makapangyarihang Raith—isa sa mga sagradong sandata ng mundong ito.
Taglay ng Vaelion ang pambihirang accuracy at liksi, kaya niyang tamaan ang kahit pinakamalayong kalaban nang walang mintis. Isa siyang malupit na mandirigmang pinipili ang likuran ng laban—tila isang aninong nagbabantay, ngunit sa isang iglap, kayang durugin ang kaaway sa isang palaso.
Ivan's P.O.V.
Nabalot ng katahimikan ang dungeon. Tanging ang sigaw ng mga nagkakagulong mamamayan at halimaw lamang ang aming naririnig.
"Paano kaya kung maglabas si Ken ng tornado? Masisira non ang kulungan," suhestiyon ni Carlo.
"Are you really thinking? Eh 'di nasira rin ang kingdom! Duh," ani Mia, sinamaan lang ito ng tingin ni Carlo.
Tama siya, at baka matangay pa kami ng magic niya.
Naririnig namin ang kaluskos at paunti-unting pagbagsak ng mga bato mula sa itaas.
"Bilisan na natin bago pa tuluyang gumuho 'tong dungeon!" Natatarantang sambit ni Mia.
"Ken, 'di ba kaya mo nang mag-teleport?" nagmamadaling tanong ni Pat.
Nakuha agad ito ni Ken kaya nawala ito na parang isang anino at lumitaw sa harap ng gate bago ginamit ang dagger niya para masira ang kandado.
"Tara na!" nag-aatubiling sabi niya.
Napangiti ako. Magaling talaga si Pat pagdating sa logical thinking.
"Pat, tabi!" sigaw ko nang mapatigil ako at nanlaki ang mata nang may malaking tipak ng bato ang akmang babagsak kay Pat.
Nashock lang si Pat kaya hindi ito nakaiwas. Itutulak ko sana siya para mailigtas siya nang bumalik ang bato sa itaas, kasama ng ibang gumuguhong bato.
"Hahaha, sorry na, nalate spell ko para naman may thrill," sambit ni Carlo habang nakangisi at humahalakhak na ikinasama ko ng tingin sa kaniya.
"Stupid! Nakakainis ka talaga!" naiiritang bulyaw ni Mia habang natulala si Pat nang ilang segundo bago makapagsalita.
"Ivan, 'yong hagdan." Turo ni Pat. Sa wakas, nabalik na siya sa ulirat.
Tumakbo kami patungo sa hagdan at nagmamadaling umakyat palabas ng dungeon habang pinipilit ni Carlo sa likod namin na ibalik sa itaas ang mga gumuguhong bato.
"Bilisan niyo!"
Pagkalabas naming lahat sa trapdoor, natayo kami sa aming kinatatayuan sa nasaksihan.
Ang gulo ng kaharian. Maraming bahay at istraktura ang nasira, kasabay nito ang mga mamamayang nagkakagulo.
"Anong nangyayari dito?"
"Skwaaak!"
"Ivan, tignan mo," turo ni Raven sa kalangitan kung saan may higanteng ibon ang bumubulusok patungo sa kaharian habang pinapana ito ng sugatang pinuno at ng kaniyang mga kawal.
Mukha siyang higanteng agila, malaki at matalas ang tuka kasama ng kaniyang mga kuko. Ang pakpak ay sobrang lapad na kayang makagawa ng napakalakas na daloy ng hangin sa bawat pagaspas. Mas nakakatakot ang hitsura nito kumpara sa mga nakikita ko sa internet.
"Carlo, Mia, Ken, tulungan niyo ang pinuno at mga kawal."
"And why should I help that bitch? Eh siya nga itong nagku—" naputol ang pagrereklamo niya nang hawakan ito ni Ken at mag-teleport.

BINABASA MO ANG
Elementalist Adventurers
FantasyFive ordinary individuals-Ivan and his friends-each burdened with their own past, find themselves thrust into an epic quest to save the Elemental World. What begins as a journey of discovery soon unravels into something far more personal. The prophe...