Chapter 19: Prediction
Ivan's P.O.V.
"I'm so tired of this forest, gosh! Lagi na lang tayong naglalakad. Look at my exhausted feet!" reklamo ni Mia, inis na inis habang tinitigan ang kanyang sapatos.
"Sinabi mo pa. Puro lakad tapos kung saan-saan pa napapadpad. Bakit hindi muna tayo gumala sa ibang lugar?" sang-ayon ni Carlo, sabay abot kay Mia ng isang dahon para pamaypay.
"I agree. Use your magic na te, para makasakay na tayo at makagala!" sabat ni Mia na halos magmakaawa.
"Hindi kaya ni Carlo gumamit ng magic nang ganon katagal. Naalala mo no'ng nag-magic siya papunta sa bundok? Halos himatayin siya sa pagod, 'di ba? Magtiis muna tayo," litanya ko na pilit iniintindi ang inis nila.
Tama rin naman kasi — mahigit dalawang oras na kaming naglalakad. Kahit ako, naiirita na rin.
Maya-maya, isang sigaw ang pumunit sa katahimikan.
"Tulong!"
Natigilan si Pat at mabilis na naging alerto.
"Narinig niyo 'yon?" tanong niya habang napalingon-lingon."Tiyan ko 'yon, gutom na kasi ako eh," biro ni Carlo sabay lakad ulit.
"Shh! Makinig kayo!" bulong ni Pat, seryoso.
"Tulungan niyo ako!"
"May humihingi talaga ng tulong, sundan natin!" sambit ko, at dali-daling tumakbo kami papunta sa pinanggagalingan ng sigaw.
Nakarating kami sa talahiban, kung saan nakita namin ang isang matandang babae — nasa mid-fifties — na napapalibutan ng mga tulisan. Hawak siya ng isa sa mga ito, nanginginig at halos mawalan na ng lakas.
"Let's go na," bulong ni Mia, naghahanda na.
"Wait lang. Hawak siya, baka magamit siya laban sa'tin," pigil ko.
"Pat," bulong ko, at agad niya akong naintindihan.
Mabilis niyang inasinta ang tulisan na humahawak sa matanda gamit ang pana. Sa isang iglap, bumagsak ang kalaban.
"S-sino 'yan?!" gulat ng iba at agad nag-alerto.
"Ngayon na!" sigaw ko. Bigla kaming sumugod mula sa mga damuhan, ginamit ang aming mahika para pabagsakin ang mga kalaban.
Habang abala sila Pat, Carlo, Kenn, at Mia, lumapit ako sa matanda na nakasalampak sa lupa, nanginginig.
"Ayos lang ho ba kayo?" tanong ko, inaalalayan siya palayo.
"Maraming salamat, hijo. Kung hindi kayo dumating... baka patay na ako," mahinang tugon niya habang mababakas mo ang pagkapagod
"Ayos lang ba kayo?" tanong ko kina Pat nang matapos nila ang laban.
"Okay lang kami. Eh si lola, ayos lang ba?" lapit ni Pat at niyakap pa ang matanda.
"Okay na siya," sagot ko, gumaan ang pakiramdam.
"Hah! Walang-wala 'yong mga 'yon sa amin," nagyabang si Carlo na nag-flex pa ng muscles.
"Pero paano po ba kayo nahuli ng mga 'to, ta—?" tanong ko, pero siniko ako ni Kenn, kaya binawi ko agad,
"I mean, paano po kayo nadakip, nay?""Kumukuha lamang ako ng halamang gamot sa tabi-tabi, nang bigla nila akong hilahin. Pasensiya na at nadamay pa kayo," sabi niya, yumuko sa hiya.
"Ayos lang po 'yon. Ihahatid na namin kayo. Saan po ba kayo nakatira?"
Itinuro ng matanda ang kakahuyan sa di-kalayuan. "Doon lamang, hijo. Maraming salamat."
Habang naglalakad, lumitaw sa aming paningin ang isang maliit na bahay gawa sa kahoy, nakatago sa likod ng makakapal na puno.
"Tuloy muna kayo. Maghahanda ako ng makakain," alok ng matanda.
Nagkatinginan kami at nag-aalangan, pero sumagot ako,
"Nako, huwag na po. Mahaba pa po kasi ang lakad namin.""Sa kaharian ba ng Guerrath kayo patungo?" singit ng matanda na ngiting-ngiti.
Natigilan kami. "P-paano niyo po—"
"Isa akong manggagamot at manghuhula, hijo. Alam kong kayo rin naman ang magliligtas sa akin kanina." sabay pisil sa pisngi ko.
Pumasok na kayo. Kailangan niyo ng lakas," sabi niya, sabay bukas ng pinto.
Sa loob ng bahay, napansin namin ang mga shelves na puno ng bote ng likido at halamang gamot. Pero ang pinakanakakuha ng atensyon ko ay ang bolang crystal sa pinakataas — kumikislap nang napakaliwanag.
"Tignan niyo oh," tukoy ko, sabay tutok sa bolang crystal.
"Wow," sabay-sabay kaming napahanga, lalo na si Pat.
"I've seen that in movies, 'yan 'yong ginagamit ng mga seers," komento ni Mia.
"Maupo muna kayo, mga hijo," alok ni aling Myrna.
Tinulungan namin siyang maghain ng pagkain — kanin at ulam na amoy pa lang ay nakakagutom na.
Nang makaupo kami, biglang nagsalita si Aling Myrna.
"Kung hindi ako nagkakamali, kayo ang mga batang inatasang iligtas ang mundong ito."
Napatingin kami sa kanya, tahimik, halos hindi makahinga.
"Isa akong manggagamot at manghuhula na dinadayo ng mga kaharian noon. Nagagalak akong makilala kayo," ani niya.
"Ako po si Ivan," pakilala ko, sabay turo kina Pat, Carlo, Kenn, at Mia.
Ngumiti si Aling Myrna, isa-isa kaming tinitigan.
"Apoy, Tubig, Lupa, Kuryente, Hangin... Tama nga ako," bulong niya, parang nananaginip."Alam niyo po ba kung saan namin makikita ang Light Sorcerer?" tanong ko, umaasang may sagot siya.
"Pasensiya na, hijo. Matagal na siyang nawawala. Ang nakikita ko lamang sa aking pangitain ay kadiliman at kapighatian," malungkot niyang sagot.
"Ngunit alam ko kung saan kayo dapat tumuloy," dagdag niya.
"Nako, okay lang po 'yon! Pero... pwede po ba kaming magpahula?" singit ni Carlo, halos tumatalon sa tuwa.
Napangiti si Aling Myrna.
"Hijo, no'ng napagdesisyunan niyo kanina, alam ko na agad."Natapos na ang kainan. Inayos namin ang mesa habang kinuha ni Aling Myrna ang bolang crystal. Umupo kami sa paligid niya, parang mga batang sabik makinig ng kuwento.
May mga salitang binibigkas si Aling Myrna, hindi namin maintindihan. Pumikit siya, hinihimas ang bolang crystal.
"Kaguluhan."
"Kapangyarihan."
"Hindi mabilang na laban."
"Tiwala."
"Pagtataksil."
Nagkatinginan kami, hindi mapakali. Alam naming hindi magiging madali ang landas.
"Pag-ibig o Tungkulin. Kailangang pumili at pag-isipan. Maghanda sa magiging kahihinatnan," bulong niya, tila isang babala.
Hindi ko mapigilan ang sarili, kaya agad akong nagtanong.
"Ano po ang ibig niyong sabihin?"
"Malalaman mo rin Ivan sa nakatakdang panahon, malalaman mo rin."

BINABASA MO ANG
Elementalist Adventurers
FantasyFive ordinary individuals-Ivan and his friends-each burdened with their own past, find themselves thrust into an epic quest to save the Elemental World. What begins as a journey of discovery soon unravels into something far more personal. The prophe...