抖阴社区

Chapter 270

880K 24.1K 27.1K
                                        

Last Enemy

Jay-Jay's POV

Paano ang tamang anggulo ng pagsampal? Kailangan ba nakaharap sa 'kin ang sasampalin ko? O pwede ng nakatalikod?

Kanina pa nag-iinit ang palad kong sampalin si Mayo.

"Tumigil ka na nga!" sigaw ni Kit sa kaniya. "Sinabing daplis lang."

"Wag po malikot," sabi ng nurse na nag-aasikaso sa kaniya.

Wala pa ring tigil si Mayo sa pag-iyak na para bang katapusan na ni Kit. Samantalang daplis lang naman ang natamo niya kumpara do'n sa security guard na sinakay na sa ambulansya at dinala sa pinaka-malapit na ospital.

"Natakot nga ako!" sagot naman ni Mayo habang pinupunasan ang muka.

Takang nakatingin sa kanila ang nurse na malamang ay naguguluhan sa asta nila. "Magka-ano-ano kayo?" tanong niya habang tinatakpan ang tinahing sugat ni Kit.

Matalim siyang tinignan ni Mayo. "Mag-tatay."

Sira-ulo.

Mukang nakahalata naman ang nurse na ayaw nitong isa sa paki-alamero at hindi na lang siya nagsalita pa. Nagpasalamat si Kit sa kaniya bago bumaba sa ambulansya at maglakad palapit sa 'min.

Hawak ni Mayo ang parehong puting polo nila na may dugo. Sinampay niya 'yon sa balikat niya para matakpan ang natirang kumapit na dugo sa panloob niya.

Nagpapasalamat ako sa ginawa niya dahil sa totoo lang parang babaliktad ang sikmura ko sa nagkalat na sariwang dugo.

"Okay ka na Kit?" tanong ko ng makalapit sila sa 'min.

"Oo, ikaw ba?"

"Ayos lang ako. Wala naman akong tama," sagot ko pero parang hindi sila naniniwala.

Muka ba kong joke?

Nagbuntong hininga pa siya bago ako tignan na puno ng pag-aalala.

"Alam namin ang problema mo sa dugo. Hindi biro ang Phobia Jay," sabi ni Mayo.

Hindi ko sila masisisi, nakita nila ang takot ko kanina. Hindi ko man lang nagawang tulungan si Kit. Ni ang humingi ng tulong hindi ko rin nagawa. Nakatitig lang ako na para bang bawal gumalaw.

"K-Kahit na. Pangalawa na 'to."

Inakbayan ako ni Kit gamit ang braso niyang walang tama. "Wag mo na isipin 'yon. Hindi mo naman 'to kasalanan."

Nagpilit ako ngiti at tumango. Kahit sa totoo lang, malakas ang kutob kong may kinalaman sa 'kin ang nagpaputok ng baril na 'yon. Sa harap pa talaga ng school kung saan maraming istudyante. Para bang walang pakialam kung may ibang madamay na tao. At bakit nangyari 'yon kung kailan nasa gate kami?

Napatingin ako sa lalaking palapit sa 'min. Salubong na naman ang mga kilay niya. Lagi naman siyang ganiyan. Siguro kasi malayo sa kaniya si Ella.

"Hands off," sabi niya kay Kit kaya napilitan siyang alising ang pagkakaakbay sa 'kin.

Hinarap ko ang kapatid kong Horoscope. "Ano sabi ng mga Police?"

Tinuro niya si David na kasalukuyang kinakausap pa rin ng mga Police. Siya kasi ang malinaw na nakakita ng sasakyan at saktong paglabas ng baril ng tarantadong hudlong na gustong pumatay sa 'ming lahat.

Pero isang bagay ang malinaw.

Hindi ang security guard ang target.

Humarap ulit sa 'kin ang kapatid ko. "Naniniwala silang ang security guard ang target."

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon