抖阴社区

Chapter 277

585K 26K 37.7K
                                    

Chocolate

Jay-jay's POV

HINDI AKO PATAY GUTOM!!

Bakit ako matatakam? Chocolate lang naman 'yan. Makakabili ako niyan, hindi man ngayon pero sa nga susunod na pagkakataon.

"Alisin niyo nga 'yan sa harapan ko," iritang utos ko.

"Don't you dare touch anything!" sagot naman nitong tukmol.

Ako talaga napipikon na. Malapit-lapit na kong makasapak. 'Yon talaga mangarap ko, masapak ng maraming beses si Kei—kwanan. 'Yong mamaga muka niya hindi na siya makikilala ng mga kapatid niya.

Hinawakan ko ang isang box ng chocolate at kitang-kita ko ang pagliwanag ng muka ng mga patay gutom na Ulupong. Sinundan pa nila ang paggalaw ng kamay ko.

Balak ko sanang ilipat ng lamesa pero napatigil ako ng pumasok ang teacher sa room. Agad na umayos ng upo ang mga loko, samantalang ako eto namo-mroblema pa rin sa tambak na chocolate.

"Start na tayo," sabi ng teacher at hindi man lang pinansin ang sitwasyon ko.

Eh?

Wala talagang paki sa 'min ang ibang teacher. Minsan tuloy pakiramdam ko pumapasok lang sila dahil 'yon ang kailangan. Ni-hindi nga sila nagtuturo ng maayos. Si Sir Alvin lang talaga ang nagmamahal sa 'min.

Napilitan akong bitawan ang hawak at kuhanin ang notebook ko. Langhap na langhap ko pa rin ang amoy ng chocolate kaya mas lalo akong nahihirapan. Daig ko pa inalok ng milyong pera.

Hindi ako patay gutom!

Pere mekeng meserep lehet!

Napalunok ako ng mahagip ng paningin ko ang isang box na itim na may golden ribbon. Nakita ko 'to dati sa TV at ang sabi do'n, limited edition to at madalas sa mga royalty lang makikita. Iba ang lasa sa ibang chocolate dahil matagal ang proseso ng paggawa at walang preservatives added.

Hindi ako patay gutom!

Ang bango!

Napaubo ako ng sinubukan kong huminga ng malalim at malanghap ang amoy. Humahalimuyak talaga ang amoy ng chocolate. Nang-uudyok talagang kainin ko sila.

Hindi ako patay gutom!

Ang dami!

Taas noo akong nakatingin sa board pero ang mga mata ko kusang bumababa sa lamesa ko. Hindi nakaiwas sa paningin ko ang maliit na chocolate na may balot na ginto at nahiwalay sa lalagyan.

Hindi naman siguro niya mapapansin.

Isa lang. Masaya na ko sa maliit na 'to. Ito lang matikman ko ng hindi nila nalalaman, solve na solve na ko. Masayang-masaya na ko! Lalo na kapag hindi nalaman ng talipandas na Hari ng mga Ulupong na hindi ako nakatiis.

Pasimple kong tinulak ang notebook ko palapit. Kuwaring nakahawak ang dalawang kamay ko sa ibabaw no'n. Nakataas pa rin ang muka kong nakatingin sa board pero nasa baba pa rin ang mga mata ko.

Kaunti na lang.

Halos hindi na ko huminga magawa lang ng maayos ang balak ko. At nang mahawakan na ng isang kamay ko ang target, muntik na kong ngumiti ng malapad. Mabuti na lang at napigilan ko. Dapat walang makapansin.

Magagawa ko na sana ang plano, pero napatigil ako ng marinig ang mahinang pagtawag sa 'kin ni Ci-N. Nang silipin ko siya muntik na kong mapaiktad sa gulat dahil sa itsura niya.

Nadukdok siya sa lamesa pero nakaharap sa gawi ko. Dilat na dilat ang mga mata na parang hindi kumukurap. Naka-nga-nga rin siya kaya tuloy-tuloy ang labas ng laway sa bibig niya.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon