Kabanata 16
Halos sampung taon silang namalagi sa Amerika kasama ang kanilang mga magulang at doon na rin nakapag-aral. Nakilala ko rin sila nung mga bata pa kami, isang beses sa isang taon 'din sila kung umuwi dito sa Pilipinas para makapag bakasyon.
Hindi ko nga alam kung paano naging pinsan ni Sir Cason ang mga ito eh, they've been so good to me until now. I never felt like a intruder to them bagkus ay parang mga Kuya ko na nga sila, pero nandoon pa rin ang pagdidistansya ko siyempre dahil kung tutuosin ay isa rin sila sa mga boss ko.
Sa susunod na taon naman ang uwi ng mga magulang nila. Ngayon din raw dapat kaya lang ay nagka-problema sa kanilang business kaya nauna na munang umuwi ang mga anak.
Puros mga pagkaing Pinoy ang hinanda nina Lola Anaphe sa hapag ang aking nakita nang makadating na kami sa wakas. May adobo, sinigang na hipon, kare-kare, sisig at crispy pata. Namangha ang dalawa at kaagad na dinaluhan ang hapag. Bahagya akong ngumiti nang masilayan kung gaano sila kasaya na nakauwi dito sa Pilipinas, napatingin ako sa aking gilid at hindi namalayan na nakatingin na pala sa akin si Sir Cason! He was glaring on me! Napaiwas kaagad ako ng tingin sa kaniya at ano nanaman kaya ang iniisip niya sa akin ngayon?
Dahan-dahan naman akong umatras at umalis para mabigyan na sila ng privacy. Mamaya na siguro ako kakain.
"Percy! Where are you going?" natigilan ako nang tawagin ako ni Adrik.
"P-Po?" napakurap-kurap ako nang makitang nakatingin silang tatlo sa akin!
"Ano ka ba, sumabay ka na sa amin dito. I'm sure you haven't eaten yet. Halika na!" anyaya niya
"P-Pero..."
"Kuya's right, Percy sumabay kana sa amin." pangungumbinsi ni Art
"Guys our maid's aren't allowed to join us here." biglaan akong nagulat sa sinabi ni Sir Cason, natigilan ako at natahimik ganoon 'din ang dalawa, si Ate Kait na nasa gilid at nakayuko ay napaangat ang tingin sa amin.
"What are you talking about, Case?" nagsalita si Adrik
"It's one of our rules here right, Percy?" tanong ni Sir Cason at nag-angat ng tingin sa akin
Naluluha ako. Sobra-sobrang pagkapahiya iyon at pag-apak sa aking pagkatao. Oo at totoong isa iyon sa mga patakaran dito sa mansyon, pero ang kaniyang mga panliliit sa akin... ang siyang masakit.
Napatikhim ako bago sumagot.
"O-Opo, Sir." sagot ko at mabilisang umalis sa kanilang harapan
Kung gaano ako kabilis umalis sa kanilang harapan ay ganoon 'din kabilis kumawala sa aking mga mata ang mga luha. Tangina, Percy bakit ka umiiyak?!
Napasandal ako sa likod ng pinto. Ang akala ko... ang akala ko ay maayos na kami, masyado akong naniwala na maayos na nga ang pakikitungo niya sa akin!
May biglang kumatok kaya mabilis kong pinalis ang mga luha ko.
"Percy..."
Si Ate Kait!
She smiled weakly at me. Naupo ako sa kama at ganoon 'din siya. Nagkatinginan kami, tinitigan niya ako siniklop ang aking iilang hiblang buhok sa likod ng aking tainga.
"Masakit talaga siyang magsalita, Percy. Huwag mo nang isipin pa ang sinabi niya." paliwanag niya
Hindi ko na napigilan at humikbi na ako sa kaniyang harapan.
"Tama naman siya, Ate." giit ko
"Tama ba iyong minamaliit niya ang mga katulong niya?" she said "Alam mo makakahanap 'din iyan ng magiging katapat niya." giit ni Ate Kait
Hindi ako umimik at pilit na pinupunasan ang mga luhang pilit na lumalandas sa aking mga mata. Sabay-sabay na kaming kumain mabuti nalang at hindi napansin ni Lola ang mga mata ko ma kakagaling lang sa pag-iyak.
"Mamaya Percy pagkatapos mo diyan pakidilig mo iyong hardin
Natigila ako pag nguya sa aking kinakain.
"Pero, La hindi po ba ay si Gido ang laging nakatoka roon?"
"Oo nga, apo. Hindi niya nalugurang diligan kaninang umaga dahil tumulong siya sa pamamalengke at mamaya naman aalis sila ni Cason." giit ni Lola
"San naman po siya pupunta?" si Ate Kait ang nagtanong
"Aba'y ewan ko sa batang iyon. Ikaw ang sumagot sa tanong niya Gido, saan ang tungo niyo mamaya?" tanong ni Lola at bumaling kay Gido na umiinom ngayon ng tubig
Tinapos muna niya ang kaniyang pag-inom bago sumagot "Sa hacienda 'raw ho ang tungo namin, La." sagot nito
"Kasama ba ang magkapatid?''
"Ah hindi po, La. Kaming dalawa po ni Ser." anito
"Ah, eh ganoon ba.''
Ilang sandali akong nagpahinga para magawa ang inuutos ni Lola Anaphe kaya naman nang sa tingin ko'y maayos na ay dumiretso na ako sa garden, inayos ko muna ang hose na nakapalupot sa may damuhan.
Nakita ko naman ang dalawa na naliligo sa pool, para silang mga bata sa gitna nung pool habang nagsasabuyan ng tubig sa isa't isa.
Bahagya akong napangiti at napaisip. May kapatid kaya ako? Matagal nang sumasagi sa isipan ko ito ngunit lagi ko ding isinasantabi sa na lamang.
Siguro ay may kaniya-kaniya na silang mga pamilya ngayon.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Ipinilig ko ang ulo ko at nagsimulang diligin ang mga halaman na alaga ni Ma'am Aida.
"Hi!" biglang sumulpot sa likod ko si Adrik
"Oh, Ikaw pala!" sabi ko ng nakangiti
Napansin kong wala siyang pang-itaas na damit at tanging boxer short lang ang kaniyang suot. Nag-iwas ako ng tingin.
"Tara samahan mo kami ni Art mag-swimming!" maligaya niyang anyaya sa akin
"Naku, hindi ako marunong lumangoy Adrik..." nahihiya kong amin "Atsaka, nagdidilig ako." dagdag ko
"Hindi ka marunong mag-swimming?" tanong nito na animo'y hindi makapaniwala
Napayuko ako.
"Oh! That's unusual lang kasi, I... find it weird dahil ikaw palang ang nakilala ko sa circle of friends ko na hindi marunong lumangoy." anito
Ano 'yun? Circle of friends? Tinuturing niya akong kaibigan niya?
"Kung gusto mo tuturuan ka namin!" hindi pa rin siya natitinag sa pag-anyaya
"Nakakahiya naman, Adrik." tugon ko
"Bakit ka naman mahihiya, we're friends right?" anito
Tumango ako at nakangiti. "Pero ayoko talaga, t-takot ako sa tubig."
"Really?"
Nagsimula akong matakot sa tubig simula nung ginawa sa akin ni Sir Cason kaya simula 'non kapag inuutusan ako ni Lola sa paglilinis sa pool ay tumatanggi na kaagad ako!
"Oh sige, pagbibigyan kita ngayon sa pagtanggi mo sa akin. Pero siguradin mo lang next time pumayag ka na ah?" wika niya
Tumango lang ako bilang pagsang-ayon, ganoon 'din ang kaniyang ginawa nakita ko si Art na nakatingin sa amin at naghihintay siguro ng aking isasagot. Tumalikod na si Adrik at umiling kay Art bago nagkibit-balikat.

YOU ARE READING
Escaping Montejardo
Teen FictionPercy or Persephone Alvarez is just a simple girl who is living under the Montejardo's roof as their maid together with her grandmother named Anaphe Alvarez. But Anaphe Alvarez is not her real relative, her real mother left her to Anaphe when she wa...