Kabanata 19
"Kumusta naman ang unang araw ninyo sa eskuwelahan?" dinig kong tanong ni Ma'am Aida sa dalawang pamangkin habang kumakain ng hapunan sa hapag
"It was fun, Tita! Ang dami na po naming nakilalang mga tropa!" si Adrik ang unang sumagot
"Ako naman po medyo naga-adjust pa ng kaunti sa environment pero okay naman po so far." si Art na halatang hindi pa masyadong sanay sa bago niyang escuelahang pinapasukan
Humalakhak naman si Sir Jayson at nagsalita pagkatapos punasan ang kaniyang bibig gamit ang table napkin.
"Sa simula lang iyan, hijo. Pero kapag tumatagal na, surely you will enjoy your schooling here." aniya
"I'm looking forward to it, Tito." saad niya
"First time lang kaseng mahiwalay sa girlfriend niya Tito kaya ganiyan." sabay tawa ni Adrik
Art glares at him na mas lalo ikinatuwa nito. "So it's true that you really has a girlfriend left abroad?" ngisi ni Sir Cason
"Of course, Case! What do you think of my girlfriend? An Imaginary?" iling-iling nito
Nagtawanan sila dahil doon. Napailing naman si Art.
"Alright, I believe in you." Sir Cason chuckled
Natigilan ako at napaangat ng tingin sa kaniya. Hearing his laughs makes me wants to smile too. Tila ang kaniyang pagtawa ay hinahanap hanap ng aking tainga. Hindi ko maintindihan, am I getting addicted with the way he smiles?
Napapangisi rin ako pero ginawa ko ang lahat hindi lang mapangiti!
Gaya ng dati. Pagkatapos nilang kumain ay kami naman ang kumain.
"Siguro ang dami ng nagkakagusto sa dalawang magkapatid na iyon, ano? sa escuelahan." panimula ni Tiya Marites
"Hay nako, Tiya! Panigurado lang 'yon no! Kung kay Sir Cason nga ang dami ng nagkakandarapa paano pa kaya sa mga pinsan niya?" daldal ni Ate Kait
What do you expect from a Montejardo? Siyempre, guwapo at habulin ng mga babae. And I didn't expect that Art really has a girlfriend left from abroad. Pero imposibleng hindi siya mambabae gayong nasa malayong lugar sila sa isa't isa nung girlfriend niya.
Bigla namang sumagi sa isipan ko si Sir Cason at ang linggo linggong pagpapalit niya ng mga kasintahan. Simula nung inaway ako nung Savannah, wala na akong nabalitaan o nakita man lang na babaeng pumupunta rito.
Sila pa kaya ni Savannah? Siguro, oo. Dahil hindi na niya ako inaway ulit! Pero bakit hindi ko na ata sila nakikitang magkasama?
Pinilig ko ang aking ulo, wala na dapat akong pakialam sa kanila.
Wala na rin akong ibang pinagsabihan sa nangyari, lalong lalo na kay Lola Anaphe. Paniguradong magagalit siya kapag nalaman niyang hinayaan ko ang sarili na kawawain ng iba at hindi man lang lumalaban.
"Percy, oh! Kumain ka pa!" si Gido pagkatapos ilagay sa aking plato ang piraso ng lechong manok na aming ulam "Ubusin mo yan ah?" dagdag pa nito
"Argh! Ano ba iyan, Gido! Busog na ako!" giit ko rito
"Kaya ang payat payat mo, e. Ang hina mong kumain." sabat ni Lola
Napangiwi ako "Pero, La puno na po ang tiyan ko." reklamo ko sabay himas sa aking tiyan
"Ako na ang kakain nito!" maligayang banggit ni Ate Kait ang kinuha na ang kapiraso sa aking pinggan hinayaan ko na at uminom na ako ng juice
At dahil maglalaba pa ng mga damit sina Ate Kait at Tiya Marites ay ako na ang nagprisintang maghugas ng mg pinagkainan namin. Matatambakan daw kasi sila kung hindi sila maglalaba ngayong gabi ng mga damit namin.

YOU ARE READING
Escaping Montejardo
Teen FictionPercy or Persephone Alvarez is just a simple girl who is living under the Montejardo's roof as their maid together with her grandmother named Anaphe Alvarez. But Anaphe Alvarez is not her real relative, her real mother left her to Anaphe when she wa...