抖阴社区

Simula

2K 511 258
                                    

Trixie's POV

"Hoy gago!babaero ka lang talaga!wag mo ng i deny!"

"Sinabi na nga, naaaaa wala akong babae ee!"

"Huli ko na, tumatanggi ka pa!" The girl exclaimed.

"Cut!!!" Ipinatigil ko muna ang pa roroll ng camera, there is something wrong about the cast ee.

"Dianna,ano ba?last episode na ito, ayusin niyo na naman!" I shouted to them, Dianna Dilinger is my celebrity friend/bestfriend at siya yung napiling gaganap sa isang series na ako ang director, that series is from the application known as wattpad, actually reader din ako sa wattpad kaya pamilyar na ako sa mga ganong kwento.

Matagal na kaming magkaybigan ni Dianna, she's my childhood friend, siya din yung nagsabi sakin na pasukin ko daw ang mundo ng showbiz like what she did, but! That industry is not really for me, siguro hanggang behind the scene or behind the camera lang talaga ako.

"Sorry Direct"alam niya naman na ginagawa ko lang ito para sa trabaho ee, alam ng lahat ng cast na ginagawa ko lang lahat ng ito dahil sa trabaho, pag naman tapos na yung shooting ee maayos na ulit akong kasama, yung tipong parang closed friend lang nila.

Mali lang talaga yung pagkaka deliver nila sa mga scripts nila, alam ko na mali talaga 'yon dahil hindi siya mukhang makatotohanan, naranasan ko na sa buhay ko 'yong ganong scene, noong bata pa kasi ako ee lagi ding nag aaway si Mama at si Papa dahil sa isang babae, kaya alam ko kung paano talaga nagaganap yung mga ganong bagay.

Halos lahat ng mga staff and cast ee naka tingin na sa amin kaya iniayos ko na yung mukha ko, ayoko naman na makita nila na masama yung pagmumukha ko, baka isipin pa nila na masama yung ugali ko kahit hindi naman talaga.

Hindi naman ako yung tipo ng direktor na ipinapahiya yung mga cast kapag nagkakamali sila ee, at lahat ng nae-encounter kong artista ee binibigyan ako ng compliment, kesyo magaling daw akong direktor, well, alam ko naman ee HAHA.

" Bes, calm down"andito din nga pala si Chino, Chino Arevalo, isang fashion Designer, childhood friend ko din siya at kahit noong nagsisimula palang ang career ko sa buhay ee nandyan na agad siya with full support and love.Ako, si Dianna at si Chino ee mag be-bestfriends, since bata pa kami.

"Okay, pwesto na, take 5!" Nag roll na ulit yung camera at lahat ng staff and cast ee pumunta na sa kanya kanya nilang lugar, andito kami ngayon sa may kalsada, dito kasi gaganapin yung last scene na shino-shoot namin ee.

Naka 4 takes na kami pero hindi padin nila naaayos yung pag acting nila, all I want is to make it perfect!

"Hoy gago!babaero ka lang talaga!wag mo ng i deny!"Dianna delivered those words very well, good job bess!

" Sinabi na ngang wala akong babae ee!"The leading man insist, tapos parang susuntukin niya si girl pero napigilan niya yung sarili niya at yung pader nalang ang sinuntok niya, fabulous!

"Huling huli kana, tumatanggi ka pa!" And for the last scene before this series end, the leading man kissed the girl.

"CUT!!!" i shouted again, not because there is wrong about them, I'm just happy because we finished the series succesfully.

"Yes, we made it!" Panay padin ang pagsigaw ko, nagmumukha na akong bata dahil sa aking ginagawa, tapos may luha ng tumutulo sa aking mga mata, it is a tears of joy!finally!we made it again!

Unfortunately, He Exist[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon