Trixie's POV
Maaga akong nagising,baka kasi mamaya tanghali na naman akong magising tapos kung sino-sino na naman 'yong sisisihin ko.
Hating gabi na ako nakatulog pero maaga din akong nagising, hindi kasi ako makatulog dahil sa pinaggagawa ni Dianna, ako pa yung napagalitan ng mommy niya.
Nandoon pa din siya sa tent niya, ako naman eh nakaupo na dito sa may Dining area.
"Direk, ano bang nangyari kay Mam Dianna kahapon?" Naka-baluktot pa ako sa pagkakaupo dahil sa sobrang lamig ng biglang lumapit at nagtanong sa akin si Sheena.
I looked at her immediately.
"Nag inom daw eh,maaga pa daw noong nagsimula siyang mag inom, pag uwi niya dito, 'yon inintindi ko agad"sagot ko.
Biglang lumapit sa akin yung iba pang mga staffs at yung staff na kasama ni Dianna kahapon.
"Alam mo Madam?kaya nag inom si Dianna kahapon eh dahil nagseselos siya sa inyo ni Sir Liam" I was so shocked noong sinabi ni Ryan ang salitang 'yon, alam kong close sila ni Dianna kaya hindi na ako nagtaka sa sinabi niya..
"Bakit naman siya magseselos?wala kaming ginagawa ni Liam, hindi nga kami eh, tsaka kung nagseselos siya bakit kailangan niyang mag inom?" Sobrang na coconfused na talaga ako.Wala naman silanf relasyon ni Liam?edi wala siyang karapatang magselos.
Wala din namang kami ni Liam, so bakit siya nagseselos?ewan ko, ang gulo!"Alam mo direk, alam naming behind the camera ka lang,pero mas maganda ka naman kesa kay Mam Dianna"-Sheena.
" Madam, lagi man akong kasama noong bababeng 'yon, na sayo padin yung loyalty ko, kahit na lagi mo akong pinapagalitan"giit naman si Ryan.
Lahat sila nag agree sa sinabi ni Ryan at Sheena, hindi ko alam kung binobola lang ba nila ako, pero thankful padin ako kasi kahit na nasisigawan ko sila minsan meron pa ding mga tao na nasa side ko.
"Sus binobola niyo lang ako" giit ko habang natatawa-tawa."Pero salamat ah, salamat kasi pinapagaan niyo yung loob ko, I'm still hoping na maayos agad namin ito ni Dianna"dagdag ko pa.
"So you guys are talking about me?!"nagka titigan na lang kaming lahat na nandito sa may table.Sabay sabay kaming tumingin sa direksyon ni Dianna.Mukhang okay na naman siya eh.
Kaagad siyang umupo sa may bakanteng upuan malapit kay Ryan.
" Ryan, ipagtimpla mo nga ako ng kape"giit nitong si Dianna.
Nakita ko na biglang umirap si Ryan, akala ko talaga magkasundong magkasundo sila pero hindi pala talaga, nakita ko na din kung paano itrato ni Dianna si Ryan at yung iba pang staffs.
Kabukuran na siya sa mga artista na nakilala ko, at ang malala eh kaybigan ko pa talaga siya, hindi ko alam lung bakit hindi siya nagmana sa dad niya.
"So again, bakit ako yung topic?lesson ba ako?"
Hindi namin alam kung ano yung isasagot namin, napayuko na lang din ako, hindi ko naman ginusto na gawin siyang topic eh, hindi naman ako ang nagsimula ng usapan, sa totoo lang gusto ko ng maayos lahat perp bakit parang mas titindi pa ang eksena, hayyyys nakakalooooka!

BINABASA MO ANG
Unfortunately, He Exist[Completed]
FantasyAnong magiging reaksyon mo kapag nalaman mo na ang pinaka kinaiinisan mong boy character sa isang kwento ay nag e-exist pala sa tunay na buhay, na buong akala mo ay nasa libro lang talaga siya. Yung tipong ayaw na ayaw mo siyang makita or makilala...