Chapter 2
The next day ay wala ako sa sariling bumangon at naghanda para pumasok. Kahit pa labag sa loob kong pumunta ng school ay wala na rin akong nagawa dahil sa pinilit ako ni Luke, at kinonsensya tungkol sa magiging mga consequences ng pag-aabsent ko ngayon. Kesyo malapit na daw ang finals period and pwede ko naman daw gamitin ang absences ko sa ibang pagkakataon.
Matapos ang nangyari kagabi ay sinundo nga ako ni Luke at sinabihang sa bahay na lamang nila ako magpalipas ng gabi, at huwag na doon sa dorm ko kung saan mag-isa lamang ako. Hindi daw makakabuti para sa akin iyon, ika niya. Ngunit alam kong sa loob-loob ko'y gusto lamang nito ng makakasama bilang palaging wala ang kanyang mga magulang sa bahay.
Nang sunduin niya ako ay unang tingin ko pa lamang sa kanya ay kitang-kita na sa mga mata niya ang pag-aalala, which was something I still find amusing, given that si Luke ay isa sa mga tao na hindi transparent sa mga emosyon niya. I must've looked like a total wreck when he saw me, because I did nothing but cry my heart out matapos tapusin ni Ethan lahat ng namamagitan sa amin.
Totoo ngang napaka-unfair, na napaka-selfish ni Ethan dahil ni hindi man lamang niya ako binigyan ng maayos na paliwanag kung bakit bigla-bigla na lamang siyang bumitaw after two years. Alam ko namang may mga pagkukulang ako, pero alam ko rin sa sarili ko na kahit papaano ay deserving ako sa isang maayos na paliwanag tungkol sa bigla-biglang nangyari kagabi. Hindi niya dapat ginawa sa akin iyon sa pamamagitan ng isang tawag lamang.
"Kain na." casual na bungad sa akin ni Luke nang pumasok siya sa kwarto niya na may dala-dalang isang bowl ng cereal. Dahil sa mga nangyari kagabi ay hindi ko na nagawang kumain pa ng hapunan, kaya naman nang makakita ako ng pagkain ay agad ko itong sinimulang kainin. Habang kumakain ako ay tahimik lamang akong pinapanood ni Luke. He didn't say anything, kahit kagabi. All he did was hold me until I stopped crying. Hindi siya nakialam, and I am so thankful to him for that.
Matapos kong maubos ang bigay niyang cereal ay naghanda na akong pumasok sa school. Nagawa ko man ang lahat ng kinakailangan bago ako pumasok ay hindi ko pa rin alam kung gaano ako kahandang makita si Ethan mamaya sa school.
"O, ano 'to?" gulat kong tanong nang makita ko itong nakaupo sa kanilang hapag-kainan. Napansin ko ring mayroon ng totoong agahan ang nakahanda para sa dalawang tao. "Agahan. Alam ko namang hindi ka nagigising kung hindi ka nagkakanin," ngiti niyang turan sa akin. "Nag-abala ka pa," komento ko. "O, kakain ka rin? Hindi ba mau-upset stomach mo niyan?" dagdag ko pa dahil alam kong hindi siya ang tipo ng taong nag-aagahan. Sabi niya ay nasisira lamang ang tiyan niya kapag kumakain siya sa umaga.
"Hindi na rin ako nakapagdinner kagabi, eh," pagdadahilan nito. "And you're doing your gig tonight, right?" tanong niya na siyang nakapagpatahimik rin sa akin. "Oo nga pala. Nakalimutan ko," sabi ko, mostly to myself. "Wala ka pang setlist, no? Want me to call Tita Reg? Pagpapaalam kita; I think maiintindihan naman niya kung hindi ka makakakanta mamaya," si Luke.
"Okay lang naman... I'll think of something," sagot ko.
"Okay. Kain ka na!" ngiting pag-anyaya nito, isang senyales that he dropped the subject already.
"Lakas ko talaga sa'yo. Salamat," nakangiti kong pahayag bago ako umupo at tuluyang kumain. Isa lamang kindat ang naging tugon niya.--
I remembered the time I came out to Luke. It was awkward as hell, pero mas nakakagulat ang naging reaksyon niya.
Flashback.
Matapos kong paliguan ang aso naming si Chico ay umakyat na ako papunta sa kwarto para ako naman ang makaligo. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat na lamang ako nang madatnan ko doon si Luke sa harap ng computer ko. Agad naman siyang napabalikwas at doon ko nadatnan ang galit, pagtataka, at pagkalungkot sa mukha nito.

YOU ARE READING
Unconditional
RomanceKyle is in a happy relationship with his boyfriend, Ethan. Despite the latter's parents' objections to their relationship, they still managed to remain strong. But what will happen if a shocking news destroys them? Will Kyle be able to recover? Wh...