Chapter 4
2 weeks later.
"Guys, kailangan kong umuwi ng maaga... tutulungan ko lang 'yung roommate ko," awkward at kinakabahan kong pagpapaalam sa mga kaibigan ko matapos ang huli naming klase.
"Mukhang napapadalas na 'yang 'di mo pagsama sa amin, ah. Bakit ba palagi ka na lang nagmamadaling umuwi?" puna ni Benj na sa aking pagkakapansin ay ang pinaka-observant sa aming barkada. "Huh?! Nagkakasunod-sunod lang, busy kasi ako. Kung di lang ako busy syempre sasama ako, noh," pagtanggi ko sa akusasyon niya.
"Hayaan mo na siya, babe. Hindi naman sinungaling 'yang si Kyle, eh. For sure busy lang 'yan. Kaw, ha! Nagtatampo na ako, bakit si Kyle inaalala mo... Puta, kabit ba siya?!" si Janine. At syempre, sinapian na naman ng kabaliwan ang babae, kaya naman sinakyan nalang namin ni Benj ang kagagahan niya.
"Sorry, babe... nangyari lang, eh. Hindi ko napigilan ang pagtayo ng aking—" si Benj na siyang pinigilan ko sa kanyang sasabihin once narealize ko kung ano 'yon. "Eww! Para na kitang kapatid, and sa totoo lang, kahit may looks ka, hindi ako boto sa incest," biro ko na lang dito na siyang tinawanan na lamang ng magnobyo.
"Guys, kailangan ko na talagang umalis... See you na lang bukas!" pagpapaalam ko bago ako maglakad papalabas ng university... at doon ko narealize na sa buong panahon na nagbibiruan kami ay nanatili lamang tahimik si Luke. Bigla akong kinabahan, and as if on cue ay biglang nagvibrate ang cellphone ko. Doon ko nabasa ang text nito.
"You're lying. Ano bang meron?" sabi ng text niya na siyang nagconfirm ng hinala ko. Napabuntong-hininga ako dahil alam kong kahit ano man ang gawin ko ay wala akong kayang itago dito. We've been friends since pre-school at pareho na naming kabisado ang galaw ng isa't-isa, lalo pa kung nagsisinungaling ang isa sa amin.
"I'll explain. Basta ikaw ang una kong sasabihan," reply ko dito.
Beep. Beep, rinig kong busina ng isang kotse na siyang nakaagaw ng atensyon ko. Doon ko nakita ang pamilyar na itim na kotse ng taong nagbibigay-saya sa akin sa loob ng nakalipas na dalawang linggo. Masigla akong tumakbo at sumakay sa passenger seat ng kotse. Pagkasara ko ng pinto ay binigyan niya ako ng isang napakatamis na ngiti.
"Ethan," pagbati ko rito.
"Bakit ka natagalan?" curious ngunit hindi galit na tanong nito.
"I'm running out of excuses. Alam ko namang hindi rin magtatagal para ma-piece together ni Luke na nagsisinungaling lang ako..." pagpapaliwanag ko na siyang ikinaling lamang ni Ethan, ngunit alam kong hindi ito galit dahil nakikita ko pa rin ang sigla sa mga mata niya—na isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya.
"Ginusto mo 'yan, eh... Sagutin mo na kasi ako, Kyle," parang batang pagpapaawa niya na kahit nakakatawa ay siyang ikinatahimik ko.
"What's holding you back? Gusto kita, at sa totoo lang, kita ko rin naman na gusto mo rin ako..."
"Wow, kapal ah," komento ko.
"Actions speak louder than words. Don't lie. Ano pa bang pumipigil sa'yo? May hindi ba ako ginagawang tama? Masyado ba akong straightforward? Am I too handsome for you?" pagbubuhat pa nito ng bangko na siyang dahilan para batukan ko siya na ikinatawa lamang ng binata.
Tinanong niya ako kung ano ang pumipigil sa akin... at kahit alam kong marami iyon, it all boils down to the idea of finally having a relationship with someone. Oo, aaminin ko na takot ako. Takot akong masaktan, pero mas takot akong saktan siya. Alam kong pareho naming first time na papasok sa isang relasyon kung sasagutin ko siya, at dahil nga masaya naman kami bilang espesyal na magkaibigan ay natatakot akong baka masira lamang ang pinagsamahan namin dahil sa papasukin namin.

YOU ARE READING
Unconditional
RomanceKyle is in a happy relationship with his boyfriend, Ethan. Despite the latter's parents' objections to their relationship, they still managed to remain strong. But what will happen if a shocking news destroys them? Will Kyle be able to recover? Wh...