抖阴社区

                                        

"Please give Ethan a chance, ma," makahulugang pagsagot ni Kuya Paolo sa nanay niya. "Mamamatay na nga 'yang anak mo hindi mo pa mapagbigyan! Halika na kayo Kyle, Janine," malamig at matalim na pagsagot ni Kuya Paolo sa nanay niya na siyang ikinagulat ko. Alam kong may sasabihin pa sa sana si tita ngunit naramdaman ko na lamang ang mariin nitong paghila sa akin papasok sa kwarto ng ospital kung nasaan si Ethan.

At doon ko na siya nadatnan sa unang pagkakataon.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtatakbo na ako palapit sa kanya. Kitang-kita sa mata niya ang gulat, ang pagtataka, ngunit ang pinaka-napansin ko ay kung gaano na ito nanghihina. Namalayan ko na lamang na umiiyak na naman ako. Agad kong hinawakan ang kamay niya ng mahigipit, at panandaliang pumikit at hinayaan ang katahimikan na mamagitan sa aming dalawa.

At sa katahimikan ring iyon ko narinig, nakita ko sa unang pagkakataon ang pag-iyak ni Ethan.

"Look at me... I'm a mess. Kyle, patawarin mo ako," paghagulgol nito.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin, Eth? Sana nandito ako ngayon para damayan ka, para samahan ka sa laban na 'to," umiiyak kong mga tanong rito.

Napailing ito habang patuloy pa rin ang daloy ng luha sa mga nito.

"Ayokong pahirapan ka, Kyle. I'd rather you hate me than see me like this," si Ethan.

"Kaya pala napapadalas 'yung pagsakit ng ulo mo," nag-aalalang komento ko. At doon ko narealize na matagal na pala naming nakikita ang signs. Nakaramdam tuloy ako ng napakatinding guilt dahil kung mas pinilit ko siyang magpacheck-up as soon as nahalata ko ang mga symptoms ay baka naagapan pa namin ang sakit niya. Napailing ako dahil doon.

"Alam kong nasa isip mo. Huwag mong sisihin ang sarili mo, Kyle... hindi naman natin 'to ginusto, eh..." pag-aalo nito sa akin.

"Yeah..." ang tangi kong naisagot.

Panandaliang katahimikan.

"Seb... Kyle, if you won't mind, we'll give you a bit of privacy," pagbasag ni Kuya Paolo sa katahimikan.

"Okay... Janine, nandito ka pala. Sorry hindi kita napansin," sagot ni Ethan. Ngumiti ng matabang si Janine.

"Okay lang, noh. Basta pagaling ka, ha? Maid of honor ako sa kasaln niyo," pabirong sagot ni Janine.

"I appreciate it, but I highly doubt I'll live long enough to see that, pero salamat," sagot ni Ethan bago tuluyang lumabas ang dalawa.

"Ano 'yon, Ethan?" tanong ko rito. Tinuro ko ang nakasabit na amerikana sa may cabinet sa kanang bahagi ng kwarto.

Natahimik siya.

"Ethan?" pagtawag ko ng pansin niya.

"That's my...."

"Ano, Ethan?" mahinahon kong tanong dito nang mahalata kong nagdadalawang-isip ito.

"My funeral suit," pagsagot nito na siyang ikinagulat ko. "Ano?! Bakit ka mayroong ganyan?" takang-takang tanong ko. "Hindi ka pa mamamatay," dugtong at pagtutol ko pa. "But I wanted to look good when I do," nakangiting biro nito na siyang di ko ikinatuwa.

"Look, Kyle... gusto ko lang magpaka-positive. Tinalo na nga ako ng buhay, the least I can do is enjoy the rest of my remainding days. Granted, kung may chance pa ako gumaling, napakaliit na ng chance na iyon... so I am not getting my hopes up. Gusto ko lang na for once, maging perpekto, maging ayon sa gusto ko kung paano ako mamamaalam. Hindi tayo lahat nabibigyan ng ganoong pagkakataon," pagpapaliwanag niya na siyang nakapagpatahimik na lamang sa akin.

"Do me a favor... pwede mo ba ako kwentuhan? Yung mga nangyari sa atin: kung paano tayo nagkakilala, kung paano kita niligawan—iyong mga pinakamasasayang alaala natin... I just want to look back on all of it with you," request nito na siyang tinanguan ko.

UnconditionalWhere stories live. Discover now