At isa pa, hindi ko rin alam kung naka-recover na ba ako mula sa nangyari sa akin noong high school. I mean, it's been... 6 months, I think? Pero frankly, I think one of the most pressing things that hold me back from saying yes to Ethan's proposal is the fact that hindi ko pa siya masyadong kilala."Pati ba naman 'tong tanong ko hindi mo sinagot. Sige, ako na lang sagutin mo huwag na 'yong tanong ko," pango-ngonsensya niya na siyang alam kong isang biro lamang.
"Hindi ba tayo masyado nagmamadali, Ethan? Hindi pa nga natin masyado kilala ang isa't-isa eh. I mean, my friends don't even know na magkaibigan tayo. Hindi ko pa alam 'yang story mo..." pagsisimula ko na siya namang kinontra agad ni Ethan.
"Iyon lang ba? Well, it's your lucky day kasi I really intended for you to get to know me today... even my demons, my secrets. Kahit anong gusto mong malaman, shoot lang at sasagutin ko. But of course, I expect the same kind of disclosure from you. Hindi kaya madali," sagot niya.
"Sige," ang tanging nasabi ko na lamang.
--
"Let's play 20 questions. Heto papel, isip ka ng a maximum ng 20 questions para sa akin, and I'll do the same. Alternate na lang tayo..." pagsisimula niya na siyang nakakuha ng isang nagtatakang tingin mula sa akin. "Seryoso?" paninigurado ko. "Do I look like I'm joking?... Oo baka nga joke lang 'to, kasi ikaw lang naman sineseryoso ko," biro niya na siyang ikinapula ng mga pisngi ko.
"Uy, kinilig," asar pa ni gago.
"Ulol," bara ko dito.
"Oo, nauulol sa'yo," balik nito sa akin.
"Akin na nga 'yang papel. 5 minutes," pagtapos ko sa banatan namin dahil wala na rin naman akong masasabi. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya bago siya magsimulang magsulat sa piraso ng papel niya.
Matapos ang limang minuto ay nakita kong may kulang-kulang akong sampung tanong para sa kanya. Naisip ko na pwede na siguro iyon dahil mahirap naman talagang mag-isip ng itatanong sa ganitong set-up.
"Mauna ka na," pag-engganyo nito sa akin.
"Hindi siya tanong, pero gusto kong kwentuhan mo lang ako kung paano ka lumaki," sabi ko sa kanya.
"Sneaky, I see. Okay... I am Sebastian Arellano, 18 years old, ang Loner Boy ng Makati... De joke, pero seryoso na... Dito na ako sa bahay na 'to lumaki, eversince. My mom and dad are both lawyers who met in law school so I was brought up pretty strictly with high expectations from them. Nakilala mo na naman si Kuya Paolo, close na nga kayo eh. The best si kuya kasi parang at least alam ko na merong isang tao sa bahay na 'to ang nasa tabi ko kahit anong mangyari.
Sa Catholic all boys school ako nag-aral since pre-school hanggang high school. I've never had a girlfriend...or, err—boyfriend. I don't know ano pa ba sasabihin ko. Fuck, sorry ang boring ko!" pagsasalaysay ni Ethan.
"No, okay lang. Sige, ikaw naman magtanong," sagot ko rito.
"Now I feel guilty. Kasi di ko alam na pang slambook 'yang mga tanong mo eh pang drinking game 'yong mga akin... Sinong crush mo sa school? Gusto ko magbigay ka ng top three!" nahihiyang tanong niya na siyang nakapaghalakhak sa akin.
"Hahahaha! Sino ngayon pang slambook ang tanong?! Ang corny, napaka elementary! Hmm... hindi ko ma-rank, eh pero si Isaac San Andres ng student council, definitely. Tapos, si Matthew Lopez na classmate natin... Hmm, dalawa lang, eh," pagsagot ko sa tanong niya.
"Ay wow, sige ganyanan tayo. Grabe, papangit kaya si Isaac kapag tinabi sa akin!" protesta nito.
"Selos ka?" paghamon ko.

YOU ARE READING
Unconditional
RomanceKyle is in a happy relationship with his boyfriend, Ethan. Despite the latter's parents' objections to their relationship, they still managed to remain strong. But what will happen if a shocking news destroys them? Will Kyle be able to recover? Wh...
Chapter 4
Start from the beginning