Pumunta kami ni kuya kasama si Mama sa isang University para sa exam sa Scholarship. Maaga daw ang Examination ng scholarship papuntang London. Pagkatapos daw naming gromaduate saka pa daw ilalabas ang results. Yun nga lang sampung mapalad lang ang kukunin nila. Top 10 kumbaga. Eh ang dami namin. Halos 100 examines kami lahat, tapos 10 lang ang kukunin. Hayst. Lord, ibigay niyo po tong opportunity natoooohh. Huhuhuhuh
Natapos kaming mag exam dumiritso kami ng Palengke para bumili ng Gulay.
"Aahmm. Ali? Magkano pong kilo nito?" tanong ni mama sabay itinaas ang Kalabasa. "60 po ang kilo maam" sabi ng ali.
"nakuhh. Ang mahal naman ho" angal ni mama.
"Ganun po talaga maam, tumaas narin kasi" sabi niya. Di naman nakapalag si mama, eh paburito pa naman niya ang Kalabasa kaya bumili nalang siya.
"Oh, tara na" sabi ni kuya. Madami dami rin kaming binili. Stock narin daw namin to para di na palaging namamalingke.
Papunta na kaming Palengke nang may humarang na koste sa amin. Di yun magnanakaw. Kundi si Justin.
Umikot nang kusa ang mata ko.
"Ahm. Hello po tita." bati niya sa window ng koste.
"Hello Khyzzer, Khyffer!" bati niya. "Oh, hello din Justin" bati rin ni kuya.
Di ako bumati."Oh,! Nagulat naman kami, kala namin sinong humarang samin hahaha." tawang sabi ni mama. Di na ako tumingin sa kanya
. Alam mo na!"Ahm.tara na Ma, gusto ko nang umuwi. " sabi ko.
"Ahh, timing ihahatid ko nalang po kayo!" sabi niya. "Ayy juskoo. Tamang tama Justin, makakatipid kami ng Pamasahi hahah" aba ito si mama. Napaka budol! Aynakuhhhh.
"Hi pooo titaaa" biglang nagpakita ang ahas.
parang gusto kong mag transform bilang Dragon at kainin ang babaeng lumabas galing sa Front seat ng kotse ni Justin.Sino?
Sino siya???
"Ahhhasss" mahina kong sabi.
Kahit kailan di talaga mawala sa tabi ni Justin tong ahas. Nakuhhh. Tinawag pa niyang tita ang mama ko.? Hoyy. Di ka namin ka ano ano!
"Oh, tita siya si Faye, kaibigan ko" pakilala niya. "Oh, hello iha. Nakuh ang ganda mo naman" bati ni mama. Maaa? Nagandahan kana diyannn?? Bwesett. Hmpp... Sarap sapakin. Hayyy..
"Nakuhh di naman po" pa hiya hiyang effect na sabi niya. Di naman talaga eh!!!.
"Ahm. Tara na?" sabi ni Justin.
Ayoko mang sumakay wala akong magawa bweset. Kami tatlo sa back seat at sa Front naman ang ahas.
Nakuh. Laki talaga ng pinagbago ni Justin. Bat di na niya ako pinapansin ng grabe katulad noon? Naka inum siguro ng Venom ng ahas. Hayst.
"Ahm tita ano po bang binili niyo?"tanong ni Faye habang nasa byahe.
Abaaa? Feeling close??
"Ah. Mga gulay at iba pang konsumo namin. Madami kaming binili para Stock na namin." sabi ni mama.
" Ano po bang gulay ang binili niyo?" tanong na naman niya.
"May kalasaba..."
"Para MALINAWAN ang mga taong malabo ang mata at di nakaka kita ng HALAGA." diin kong singit habang naka cross arm.
Nagulat naman sila. Eh. Di ko mapigilan ang feelings ko.
"Ahm... May Cucumber din kami" sabi ni mama.
"Nakuh. Maganda po yan nakaka kinis ng balat" sabi ni Faye.
"Aanhin mo naman ang makinis nabalat kung ahas ka naman" mataray na sabi ko.
"Anong ahas?" tanong ni mama.
"Ahas ang kakain ma" sabi ni Kuya. Alam naman ni kuya ang nararamdaman ko sa oras na ito.At sawakas, nakarating rin kami sa bahay namin. Kainis.
Kanya kanya kaming labas sa kotse at bitbit ang mga pinambili. "Salamat Justin!" sabi ni mama.
"Ahm. Nakuh tutulungan na kita tita" tulong ni Faye kay mama. Hinayaan naman ito ni mama na ihatid sa bahay ang mga binili.
Naiwan kami ni Justin. Hayst.Lalakad na sana ako nang kinausap ako ni Justin.
"khyzzer, ano bang problem mo? Bat di kana namamansin?" tanong niya.
"Wala naman" humakbang na ako.
"Anong wala" huminto ako ng nagsalita naman siya. Humarap ako.
"Kumain ka ng Kalabasa, para luminaw yang mata mo" sabi ko sabay naglakad patungong bahay.
Naiwan siya dun. Di ko na pinansin sila. At pumasok na ako. Nakita ko sa labas na sumakay na si Faye at umalis na sila. Pweee.Nakakasira ng araw. "Ma. wag ka ngang nakikipag usap sa babeng yun" sabi ko.
"Oh? Bakit naman?"tanong ni mama.
"Ahas yun" sabi ko sabay akyat ng kwarto.
"haa? Anong nangyari dun khyffer"- mama
"Nainis yun ma, di na kasi sila halos magkasa sama ni Justin dahil kay Faye" tawang sabi ni kuya.
"Kuya naririnig kitaaaa" sigaw ko.
(Keep on voting po! Ty)

BINABASA MO ANG
He's Mr. Probinsyano
Teen FictionMaraming klasi ang Gays, may mga gays na nag susuot na talaga ng Damit pang babae at nag me-make up, meron namang Gays na Nagsusuot ng panglalaki at di talaga pa girl type, at diyan ako nabibilang. Lumaki ako Gay with the heart pero di katulad ng ib...