抖阴社区

Chapter 25 (4/4)

6.3K 288 55
                                        

KHYZZER

One week after ng sembreak namin napansin kong tahimik palagi si Justin. Yung tipong... Bastaaaa.

"Oiii. Khyzzer, kanina kapa naka tulala diyan" pukaw ni Kuya. Nasa Library kami. Malapit na kasi ang exam kaya Magrereview na naman kami.

"A-ah wala. May iniisip lang hehehe" sabi ko.

"Tungkol ba kay Justin yan?" tanong ni Rain.
Tumango ako.
"Napansin ko nga. Bihira na kayong nagkikita ah. Nag away ba kayo?" tanong ni Kuya

"Di naman. Ewan ko. Pag uwi niya galing manila medyo may nagbago sa kanya." sabi ko.

"Nag usap naba kayo?" tanong ni Vanessa.

"Bihira na nga kami mag kita eh. Nag kukumustahan lang pag nagkataon" sabi ko.

"Edi kausapin mo, linawin mo. Di naman masasagot yang mga tanong mo kung di ka mismo lalapit sa kanya." sabi ni Vanessa

"Ringggg" agad kong binuksan phone ko. "Si Justin tumatawag" sabi ko.

"Hello, Justin. May prob..."

"Pumunta ka dito sa likod ng building natin. May sasabihin ako sayo" agad na sabi niya at agad binaba. Kinabahan ako.

"Ano daw sabi?" tanong nila...

...

Sinamahan nila ako. "Okay go. Dito lang kami. Aantayin ka namin okay?" sabi ni kuya. Tumango lang naman ako.

Naglakad ako nang unti unting lumalakas ang kabog ng puso ko. Shit. Kinabahan ako.

Nakita ko siyang nakatalikod sa akin. Lumapit ako.

"Oh, Justin! Malapit na ang exam natin. Mag rereview tayo!" maligayang bungad ko.

"Oh, tubig, inum ka muna" abot ko sa kanya ang nature spring na tubig.

"Wag na salamat" cold na sabi niya. Juskooo.

Humarap siya.
Lumapit siya .

Hinalikan niya ko.

"eto na ang last kiss natin" sabi niya.

"Ha-ha?" gulat na sabi ko.

"Khyzzer, gusto kong maghiwalay na tayo" sabi niya. Agad namang nanlaki ang mga mata ko.

"A-anooo?"

"Ikakasal na ako pagkatapos ng Graduation natin." sabi niya

"Hehehe nice joke justin" sinubukan ko baka nag jojoke siya.

"No I'm serious." yukong sabi niya.

Nanginig ang mga tuhod ko.

"Ba-Bakit?" nagsimulang nanginig narin ang boses ko.

"Napag pasiyahan kong, gusto kong magkapamilya. Mas mabuting sa babae nalang ako."

Huminto ang mundo nang narinig ko iyon galing sa bibig niya. Ang sakit.

He's Mr. ProbinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon