抖阴社区

Chapter 4

227 14 0
                                        

"Hi!"

Natigilan si Hydee mula sa ginagawang pagdidilig ng halaman nang marinig ang boses na iyon.

Mabagal niyang nilingon kung saan nakasilip si Zeke. Hanggang dibdib lang nito ang kahoy na gate, kaya kitang-kita niya ang guwapo nitong mukha. In fairness, ito lang ang nakita niyang naka-shuk shok na lalaki na macho pa ring tingnan. Nangangati tuloy ang mga palad niyang hilahin ang shuk shok at paglandasin ang mga daliri sa mukhang malambot nitong buhok.

"Si Elizabeth Taylor?" untag nito na walang anumang ipinasok ang braso sa gate upang pagbuksan ang sarili. "Manghihiram sana ako ng pala."

"Nand'un sa tindahan. Umikot ka na lang sa kabila." Tumalikod siya at itinuloy ang ginagawa.

Parang walang narinig na pumasok pa rin ito ng bakuran nila. Kasunod nito ang macho nitong aso.

"Kumusta ka na, Hyde?" Nang hindi siya sumagot, nagpatuloy ito, "In fairness, ang laki ng ipinayat mo, Soulmate. Muntik na nga kitang di makilala—"

Inis na huminto siya, tumayo at pinamaywangan ito. How dare this man! Para na ring sinabing tabatchoy siya dati! Pero sa huling sandali, naisip niyang mas matanda na siya ngayon, hindi na siya dapat parang seventeen pa rin kung mag-react.

"May kailangan ka pa bang iba? Kasi busy ako, eh. Pasensya ka na," sarkastikong turan niya.

Malungkot itong tumingin sa kanya. "Galit ka pa rin sa akin."

Matabang siyang ngumiti. "Oh? You think?"

"Why do you hate me so much?"

Kasi paasa ka. Mabuti na lang, napigilan niya ang sariling sabihin iyon.

Bumuntong-hininga ito nang nanatili siyang tahimik. "Look, hindi ko naman sinadyang saktan ka—"

Itinaas niya ang kamay. "First things first. Wala akong gusto sa 'yo."

Kumunot naman ang noo ng lalaki na parang nalito. Malayo yata iyong sinabi niyang iyon.

"I... ibig kong sabihin, hindi ako n-nasaktan sa engagement mo dahil may gusto ako sa 'yo," katuwiran niya. "Nainis ako dahil ni wala kang binanggit tungkol doon. I mean, m-magkaibigan tayo pero ni h-hindi mo naikuwento na may girlfriend ka pala!" Pinuri ni Hydee ang sarili na nasabi niya iyon. Pero nakakainis lang dahil nabulol siya nang kaunti.

"I'm really sorry," tila sincere namang sagot nito. "Biglaan din kasi 'yun. I only learned about the engagement that morning."

Naintrigang napatitig siya sa kausap.

Nagpatuloy ito, "Palugi kasi 'yung business nina Mommy n'un at ang gusto n'ung magiging kasosyo nila, may family merging din so in-arrange nila na makasal kami n'ung anak nila. Pero hindi ko siya gusto, n'ung gabi lang na 'yun kami unang nagkita ni Gemma. Kung nalaman ko agad ang tungkol d'un, siyempre naman sasabihin ko sa 'yo. Malamang sa 'yo ako nanghingi ng payo n'un."

May kung anong mainit na bagay na humaplos sa puso ni Hydee. So hindi nito gusto ang Gemma na iyon? Arranged lang.

Pero kaagad din niyang sinupil ang bumangong pag-asa sa puso niya. "Okay," sabi lang niya.

"Bati na ba tayo?" Naroon ang pag-asam sa mga mata ng nakangiting si Zeke.

Nagkibit siya ng balikat. "Ang tagal naman na n'un."

"Oh. Thank God." Muntik na siya nitong yakapin, pero kaagad niyang itinaas ang mga kamay na may maruruming gloves. Mabilis itong umatras.

"Tabi diyan, kukuhanin ko 'yung pala," aniya saka ito iniwan para pumasok sa bahay.

Hyde and Zeke (published By Bookware Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon