抖阴社区

Chapter 7

222 12 1
                                        

"I heard Gemma's talking with her lawyers. Mukhang naamoy na di pabor sa kanya ang magiging desisyon ng korte, kaya nagpaplano na ng susunod na hakbang," balita ng ina sa kanya.

Napailing na inilipat ni Zeke ang cell phone sa kaliwang kamay para magamit ang kanan sa pagbubukas ng refrigerator. Dinampot niya ang malaking pitsel ng lemonade at dinala sa dining table habang patuloy sa pakikipag-usap sa ginang. "I really don't get her."

Narinig niya ang pag-snort ng kausap. "Naghahanap lang 'yun ng atensyon. Siguro pakiramdam niya ang ganda-ganda niya kapag nakukuha niya ang atensyon ng mga lalaking kakilala niya. Di ba, sina Ted at Marvin, inakit niya rin noon?" tukoy nito sa mga kaibigan niya. "Wala nang pag-asa 'yung babaeng iyon. Buti na lang, nakawala ka na sa kanya."

Dumampot siya ng baso at sinalinan iyon ng juice. Bumuntong-hininga siya. "Wala naman akong paki sa kanya. Si Hydee ang pinoproblema ko."

"Ha? What about Hydee?" litong usisa nito.

"Mom, do you think I should tell her?" seryosong tanong niya.

"Naku, 'wag muna!" pigil nito. "Tutal, pababa na naman na ang desisyon ng court next week at alam nating sa 'yo iyon papabor. Matatapos na 'yung problema mo."

Uminom siya ng juice bago muling nagsalita. "Pero, Ma, parang di ko yata kayang magsekreto kay Hyde. Magagalit siya kapag nalaman niyang meron akong hindi sinabi sa kanya."

"'Sus! Sasabihin mo rin naman later. Hindi siya magagalit. Saka wala namang kinalaman si Gemma sa inyo. Okay lang 'yan. Ang isipin mo na lang, by next week, plantsado na lahat 'yan. Relax ka lang."

Hindi na lang kumontra ang binata.

"Next time, Mt. Pulag naman, ah?" sambit ni Zeke matapos hagkan sa labi ang nobya.

Galing sila ng dalaga sa pag-trek sa Mt.Pinatubo. Kung tutuusin, wala pang thirty minutes silang naglakad paakyat ng bundok, pero para na raw itong sabay na binugbog ni Rousey at ni Pacquiao sa sakit ng katawan nito. Natatawa lang siya sa OA na descriptions nito pagdating sa pagod.

Ngumuso ito habang inaalis ang mga braso niyang nakapalibot sa katawan nito. "Hindi na, ikaw na lang mag-isa ang magpakapagod, ano! 'Wag mo na akong idamay ulit. Sige na, papasok na ako."

Tumawa siya. "Pahinga ka na. 'Love you."

Umirap ito. "Love you-hin mo'ng mukha mo."

Natatawa pa ring pinanood niyang pumasok sa bahay si Hydee. Pagkatapos, pumasok na rin siya sa tahanan ng kanyang yaya.

"Ezekiel!" anang kanyang dating tagapag-alaga.

"Hi, Yayay!" Niyakap niya si Yaya Luz kahit kaagad din itong kumalas.

"Kanina pa tawag nang tawag ang mommy mo! Ano ba'ng nangyari sa telepono mo?" anito.

Dinukot niya ang nabanggit na aparato mula sa bulsa at noon lang napansin na may thirty-two missed calls nga siya mula sa ina. Kinabahan siya at kaagad naalala si Gemma. Iyon nga kaya ang rason kaya siya nito kino-contact?

"Sorry, naka-silent kasi ito," aniya sa nanay-nanayan. Pinindot niya ang call button habang patungo sa silid na ginagamit niya.

"Zeke!" bungad ng ginang, na sinagot kaagad ang tawag sa ikalawang ring pa lang.

"Sorry, Mommy. Nalimutan kong inilagay ko nga pala 'yung phone sa silent mode. Ano po'ng meron?"

"Gemma was here this morning. Nagwala siya at nagbasag ng ilang vase. Hinahanap ka niya."

Hyde and Zeke (published By Bookware Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon