抖阴社区

Hirang Adaro

95 8 0
                                        

"Nasan na tayo Mia?" tanong ni Julie habang tumatayo sa pagkakabagsak nila ni Mia sa Daigdig ng Misala.

"Hindi ko rin alam Julie, hinigop ata tayo ng asul na liwanag papasok ng libro" sagot ni Mia habang tinatapik ang kanyang pisngi upang magising sa pag aakalang panaginip lamang ito.

Sa pagkakatayo ng dalawa sa damuhan kung saan malamig at sariwa ang hangin na tila ba sila ay nasa himpapawid ay bigla na lamang dumating ang mga tulisan at akmang dadakipin sila.

"Magandang mga dalagita itong mga estranghera na ito. Kakaiba ang kanilang kasuotan kaya paniguradong maibebenta natin sila ng mahal" wika ng isang tulisan sa kanyang mga kasama. Sa pagkadakip sa dalawang magkaibigan ay may dumating na lalaki at sila ay iniligtas.

Nagliwanag ng kulay asul ang markang ibon sa noo ng lalaki. At kakaiba ang pinamalas nitong galing at lakas sa pakikipaglaban sa mga tulisan.

Manghang mangha si Julie sa kakisigan ng lalaki. Kaya nang matapos nitong patumbahin ang mga tulisan ay agad niya itong nilapitan para pasalamatan.

" Kuya, Sa..salamat" ang mahinhin na wika ni Julie sa lalaki.

"Hay naku kayo talagang mga babae hindi niyo kayang protektahan ang sarili niyo, bayaran niyo nalang nga ako sa pagligtas ko sainyo" sagot ng lalaking may markang ibon sa noo.

"Wala kaming pera kuya eh, gutom na gutom na nga kami. May pagkain kaba diyan?" sabat ni Mia habang inaalis ang pagkakatali ng kanyang mga kamay.

"Wala rin kayong pera? ako rin eh!" sagot ng lalaki at agad tumalikod na paalis.

"Sa..sandali lang Kuya!" sigaw ni Julie at akmang hahabulin ang lalaki. Nang biglang napuno ng asul na liwanag ang kanyang katawan at siya ay naglaho.

Matapos tanggalin ni Mia ang pagkakatali ng kanyang mga kamay ay hindi niya napansin ang pag alis ng lalaki at pagkalaho ni Julie. Naglibot ang kanyang paningin at napagtanto niyang siya ay nag iisa na lamang doon.

"Julie? Julie? Julie nasan ka?" sigaw ni Mia sa paligid. Hindi niya alam ang kanyang gagawin at hindi niya rin alam kung saan pupunta. Inakala niyang dinakip ng lalaking may markang ibon sa noo si Julie dahil hindi sila nakapagbayad sa pagkakaligtas nito sakanila.

Agad inihanda ni Mia ang sarili at hinanap ang kaibigan at ang lalaki. Sa kanyang paglalakad ay nakakita siya ng karwahe kung saan patungo ito sa bayan. Nakiusap siyang makisabay dito kapalit ang kanyang relo.

Pagdating ni Mia sa bayan ay agad niyang napansin ang makakapal at mahahabang kasuotan ng mga tao. Tila taglamig sa bayan na iyon. Nilibot niya ito at siya ay nagtanong tanong sa mga tao kung nakita ba nila ang kaibigang si Julie o kaya ang lalaking may markang ibon sa noo.

Samantala, kumalat na ang bali balita sa bayan na may isang babaeng estranghera na hinahanap ang lalaking may markang ibon sa noo.  At habang nag aantay ang lalaking may markang ibon sa noo sa isang kainan, narinig niya  ang balitang ito kaya agad siyang umalis ng kainan upang puntahan ang babaeng naghahanap sakanya.

Sa kabilang dako, si Mia ay patuloy parin sa pagtatanong hanggang siya ay makarating sa eskinita kung saan kakaunti lamang ang mga tao. Biglang sumulpot ang tatlong tulisan at nag akma ang mga ito na dakipin siya.

"Totoo palang may estranghera dito sa bayan, mahal natin siya mabebenta" wika ng isang tulisan.

"Bitawan niyo siya!" sigaw ng lalaking may markang ibon sa noo at agad niyang iniligtas si Mia.

"Ikaw nga! saan mo dinala si Julie? ibinenta mo ba siya?" galit na sabi ni Mia sa lalaki.

"Sinong Julie? iniwan ko kayo ng kaibigan mo matapos ko kayong iligtas ah." katwiran ng lalaki.

"Ano? eh nasaan na si Julie?" tanong ni Mia.

Hindi rin alam ng lalaking may markang ibon sa noo kung nasan si Julie. Kaya napagpasyahan ni Mia na magpatulong sa lalaki upang mahanap ang kaibigan. Sinabi ng lalaki na marahil ay nabenta na ang kanyang kaibigan at maari itong nagsisilbi sa palasyo.

"Salamat pala, ako nga pala si Mia" mahinhin na pagpapakilala ni Mia sa lalaki.

"Wala yun, ako naman si Tome" sagot naman ni Tome.

Agad tumungo ang dalawa sa palasyo subalit sa kanilang paglalakbay ay nakasalubong nila ang karwahe ng Hari.

"Napakagandang karwahe naman niyan? pwede kaya tayong makisabay diyan?" tanong ni Mia kay Tome habang nakatitig sa karwahe.

"Baliw ka! Ang Hari ng Adaro ang nakasakay diyan." sagot ni Tome kay Mia habang hinihila si Mia palayo sa karwahe.

Pinilit ni Mia alisin ang pagkakahawak sakanya ni Tome at mabilis na tumakbo sa harapan ng karwahe.

"Itigil niyo yan! Gusto kong makausap ang hari" sigaw ni Mia habang nakadipa sa harap ng karwahe.

"Mapangahas kang babae ka! tumabi ka kundi sasagasaan ka namin" sigaw naman ng punong kawal.

Hindi parin nagpatinag si Mia bagkus ay lalong idinipa ang kanyang mga kamay at tumayo ng mas matindig at masmatapang. Ngunit hindi tumitigil ang karwahe at hanggang malapit na talaga ito para sagasaan si Mia.

Ilang hakbang na lamang ay tuluyan ng mababangga si Mia nang siya niyakap ni Tome at silang dalawa ay napuno ng asul na liwanag.

Namangha ang lahat sa asul na liwanag bumalot sa dalawa kaya agad na bumaba ang hari sa pagkakasakay nito sa karwahe ng kanya itong makita.

"Sino kayo? bakit bumalot sa inyo ang presensya ng Bathalumang Adaro?" tanong ng hari sa dalawa.

Hindi nakasagot ang dalawa kaya sila ay pinadakip ng hari at dinala sa palasyo.

"Anong pangalan mo? saan ka nagmula?" tanong ng hari kay Mia.

"Ako po si Mia mahal na hari, patawarin niyo na po kami. Hinahanap ko po ang kaibigan kong si Julie. Baka po kasi naibenta na siya dito sa palasyo para maging tagapagsilbi" pagmamakaawa ni Mia sa hari.

"Walang katotohanan na bumibili kami ng babae dito para maging tagapagsilbi. Ang alam ko ang mga babae na nadadakip ng tulisan ay binibenta sa mga pirata sa Meno, sa mga mangangaso sa Sadi o kaya sa mga nag aaklas sa Hesron. Dito sa Adaro walang sino man ang aking pinahihintulutan na mang abuso. Sa aking nasasakupan ang gusto ko ang lahat ay pantay pantay walang alipin walang naaapi. Pero ang tanong ko saan kaba nagmula?" tanong ulit ng hari kay Mia.

"Nagmula pa po ako sa ibang daigdig at hindi ko rin alam bakit ako narito. Ang asul na liwanag ang nagdala samin ng kaibigan ko dito" sagot ni Mia at napangiti ang hari na parang bang dininig ng langit ang lahat ng kanyang kahilingan ng marinig ito.

"Maraming Salamat Bathalumang Adaro, kay tagal naming hinantay ito. Ikaw Mia ikaw ang hirang Adaro. Ikaw ang itinakda upang sumakatawan sa amin." masayang sabi ng hari at ito ay napaluhod sa sobrang kaligayahan na nadarama.

"Ako? Hirang? anong ibig sabihin nun? kailangan kong hanapin si Julie." takang takang sabi ni Mia.

"Oo ikaw nga Mia, kailangan mong tipunin ang pitong tagapagtanggol upang matawag natin ang Bathalumang Adaro. Matapos nun ay mabibiyaan ka
ng tatlong kahilingan." sagot ng hari kay Mia.

"Kahilingan? kahit anong hilingin ko? kung gayon ay sige pumapayag ako para mahiling ko na mahanap si Julie at makabalik na kami sa aming daigdig." sabik na wika ni Mia.

" Ihanda mo ang iyong sarili Hira Mia. Ikaw na ngayon ang itinakdang hirang Adaro. Kailangan mo nang tipunin ang pitong tagapagtanggol upang masagawa na natin ang pagtawag kay Bathalumang Adaro" masayang sabi ng hari at nagbigay pugay silang lahat sa bagong hirang.

HirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon