抖阴社区

Ang Hari

63 4 0
                                        

"Sa classroom may batas, bawal lumabas ohh bawal lumabas...." kanta ni Mia upang aliwin ang kanyang sarili dahil ramdam niya ang bigat ng responsibilidad bilang isang hirang. Hindi niya akalain na isa lamang siyang ordinaryong senior high school at ngayon ay binibigyang pugay na siya.
Hindi parin maalis sa isip niya kung nasan naba si Julie at kung pano niya sisimulang tipunin ang pitong tagapagtanggol.

Hira Mia! Nakakatuwa naman yang kanta mo. Pero nakita mo ba ang markang ibon sa noo ng iyong kasama? san mo ba siya nakilala? tanong ng Hari kay Mia habang nakatingin kay Tome.

"Siya ang nagligtas samin ni Julie nun una kaming dalhin sa daigdig na to. At yung marka niya ay manghang manghanga nga ako tuwing nagliliwanag ng asul kapag nakikipaglaban siya eh! Tome ano bang ibig sabihin niyan?" tanong ni Mia kay Tome habang nakatingin sa noo nito.

"Hindi ko rin alam eh basta ang alam ko tuwing umiilaw ito ay nagiging kakaiba ang lakas ko! Bata pa lang ako ay may marka na akong ganito sa aking noo." sagot ni Tome habang pilit tinatago ang marka.

" Iyan ay tanda na ikaw ay isa sa tagapagtanggol ng Adaro. Ang markang ibon na yan ay kumakatawan kay Bathaluman Adaro. At maging ako rin ay may ganyang marka. " paliwanag ng hari at ipanakita ang markang ibon sa kanyang leeg na natatabunan ng kanyang mahabang buhok.

Si Haring Arden, ang hari ng Adaro ay isa sa mga tagapagtanggol ng Adaro. Isinilang siyang may pagpupugay sapagkat nakamarka sakanyang leeg ang ibon na bathaluman. Subalit maagang namatay ang kanyang amang hari dahil sa sakit kaya agad siyang humalili rito. Siya ang pinakabatang hari sa kanilang angkan at bata pa lamang siya ay pinangarap na niyang matagpuan at makilala ang hirang. Matagal na niyang hinihintay at ipinagdarasal ito sapagkat naniniwala siya na ang hirang ang kanyang pag ibig. Kaya ganun na lamang ang labis na pagtingin niya kay Hira Mia.

" Edi ang ibig sabihin nito, kung ikaw Haring Arden at si Tome ay mga tagapagtanggol. Limang tagapagtanggol na lamang ang aking hahanapin?" masayang wika ni Mia.

"Ganun na nga Hira Mia, ayon sa alamat ang hirang na ang kusang makakahanap sa kanyang mga tagapagtanggol sapagkat sila ay pinag iisa ng bathaluman." paliwanag ni Haring Arden kay Mia.

Biniyayaan ng kapangyarihan ang mga tagapagtanggol at sa tuwing magliliwanag ang kanilang marka ay lumalabas ang angkin nilang kakayahan. Si Tome ay biniyayaan ng kakaibang lakas na nagmumula sa sariwang hangin ng Adora. Nakakaya niyang bumuhat ng kahit na ano at walang makakatalo sa galing niya sa pakikipaglaban.

Samantala kailanman ay hindi pa nagliwanag ang markang ibon sa leeg ni Haring Arden. Kaya kahit siya ay hindi niya alam ang kakayahan niya bilang isang tagapagtanggol.

"Hira Mia, gusto mo bang makita ang tunay na lakas ko? isa pala ako sa mga tagapagtanggol ng Adaro eh! " pagmamayabang ni Tome kay Mia habang pilit pinaliliwanag ang kanyang markang ibon sa noo.

Binuhat ni Tome ang poste ng kulandong kung saan sila nakatayo nina Haring Arden at Mia upang magpakitang gilas. Subalit hindi niya naisip na bibigay ang bubong nito kung kulang ito ng poste. Kaya ilang segundo pa lamang matapos niyang buhatin ang poste ay biglang gumuho ang bubong nito.

"Hira Mia!" sigaw ni Tome at madaling iniligtas si Mia sa pagkaguho. Subalit nang sandaling iyon ay hindi na niya naisip na nandun rin pala ang Haring Arden at wala na siyang nagawa upang mailigtas din ito.

Sobrang pagsisisi ni Tome sa kanyang nagawa. Pinilit niyang alisin ang lahat ng gumuho para hanapin si Haring Arden sa mga nagbagsakan na istraktura. Subalit wala ang katawan ni Haring Arden matapos niyang malimas ang gumuhong kulandong.

"Nasan na ang Haring Arden?" hangos ni Mia habang nagkakagulo ang mga kawal sa paghahanap sa kanilang Hari.

HirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon