Thanks for reading guys!
🌸Evina's Pov🌸
Nang makarating kami sa bahay namin ay nagtaka ako.Bakit kalat-kalat yong mga gamit namin at parang hinalungkat ng mga magnanakaw ang mga ito.
Yung ibang gamit pati namin ay sira-sira na.Napaka demonyo talaga ang lalaking yon.Pati gamit namin ipinasira niya pa talaga.
"Mama,sino po ang may gawa nito?"Tanong sakin ni Sued.
"Magnanakaw siguro."
"Sayang hindi natin naabutan natirador ko sana ang magnanakaw na yon,mama."Nanghihinayang na saad ni Sahara.
Saan ba nagmana si Sahara?Sa akin o sa tatay niya?
Mas matapang pa siya sa dalawa niyang kuya.
Damn you Rave!
"Sued,pumunta muna kayo sa kwarto.Mag-aayos lang dito si Mama."
"Sige po,mama.''Nang makapasok na sila sa kwarto ay tinawagan ko si Rave.
Mabuti nalang may number ako niya.Pambihira nakadalawang tawag na ako pero hindi niya parin sinasagot.Kaya sinubukan ko ulit tawagan siya.Naka isang ring palang ay sinagot niya na.
["Hayop ka talaga,Rave!....Pati mga gamit namin ipinasira mo pa talaga."]Bungad ko agad sa kaniya.
"What?!"-Rave.
Aba!May pa what? What?Pa siyang nalalaman!
["Hayop ka!Bwesit ka!May pa what,what ka pa!....Huwag kang magpapakita sakin!Babaugin talaga kitang hayop ka!"]-Ako.
"Hey!...Anong pinagsasabi mo wala akong alam diyan!"-Rave.
"Kunwari ka pang walang alam!....Tae mo!Akala mo siguro mauuto mo ako!"
Nanggagalaiti kong sigaw sa kaniya sabay patay ng tawag.
Akala niya siguro hindi ko malalaman na siya ang may kagagawan nito!Mukha niya!
Dapat siguro makipag hiwalay na ako sa kaniya.
Wala siyang kwentang tao!
Hindi na naawa sakin alam niyang may mga anak ako.Ipinasira pa talaga ang mga gamit ko.
Inis na inis ako habang inaayos ang mga nagkalat na mga gamit namin.
Rave,ang sarap mong putulan ng pagkalalaki para wala kanang kaligayahan!
Pa sarap siya sa buhay niya.May gana pa talaga siyang mambabae!Hindi manlang naawa sa fiancee niya.
Kahit kailan talaga ang mga lalaki manloloko.Hindi talaga sila marunong makuntento.
May mga lalaki pa kaya ngayon na seryoso sa mga babae?
Sa tingin ko wala na.
🌸Rave's Pov🌸
Damn her!
Subukan niya lang ako baugin.Mamamatay siya wala sa oras.
Sakit sa ulo ang mga anak ni Evina!Mas lalo na yong anak niyang babae.
Napahilot ako sa sentido ko ng wala sa oras.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tiningnan ang picture ni Vina.
I love her so much.Kung hindi lang siya na comatose inaayos na sana namin ang kasal namin.
Sekreto lang ang relasyon namin ni Vina ayaw ko kasi siyang mapahamak.
Kahit si Raze hindi niya alam na may fiancee na ako.Itinago ko ito sa kaniya gusto ko kasing ipakilala si Vina sa kaniya kapag umuwi na sila mommy and daddy dito sa Pilipinas.
Nang dahil sa aksidente hindi ko maipapakilala si Vina sa pamilya ko.
I have no choice kundi maghanap ng ipapalit kay Vina.Kaya ko pinakasalan agad si Evina dahil may gustong ipakasal sila sakin.Ayokong pilitin nila akong pakasalan ang babaeng sinasabi nila.
Kapag nalaman nilang kasal na ako hindi na nila ako pipilitin.
Kapag nagising na si Vina makikipaghiwalay narin ako kay Evina.
Damn that girl!Nang dahil sa kaniya natirador ako.
Sakit sa ulo pati ang mga anak niya!
"Sir,may nagpapabigay po nito sayo."Bungad sakin ng secretary ko ng makapasok siya sa loob ng office ko.
Lumapit ito sakin na bitbit ang isang kahon.
Nang mailapag nito sa lamesa ang dala niya ay pinalabas ko na agad siya.
What the hell is this?!
Tinawagan ko agad si Raze.
"What's up bro!"Raze.
"Raze,go to Evina house,now!"Ako.
"Why?"Raze.
"They will kill them."Ako.
"Hurry up! Kailan mauna mo sila.Kapag nahuli ka baka hindi na sila mabuhay pa."Ako.
🌸Someone's Pov🌸
"Ano nakuha niyo ba sila?"
"Oo,boss pero yong mga bata nanlalaban.Pwede ba namin silang saktan?"
"Huwag niyo silang sasaktan.Ako ng bahala sa kanila."
Nang maibaba ko ang tawag ay sumandal ako sa bintana ng kotse ko.Napangisi ako dahil kami ang nauna.
Akala nila maiisahan nila ako!
Fuck them!
🌸🌸
Sorry guys if lame ang update ko.Sorry again dahil short update lang ito.Bawi ako sa next chapter.😃
Pagpasensiyahan niyo na if may wrong grammar and typos error.😔I'm not perfect writer po.....Hindi ko pa pati ito na proofread..
Follow me guys!😁
I'll follow you back!😁Please vote and comment guys!

YOU ARE READING
Forced Marriage With The Billionaire
RomanceSPG[R-18]...... Meet Rave Rather 23 years old and he's a demon. Lahat kinakatakutan siya.Kaya niyang pumatay ng tao sa harap mo ng walang kahirap-hirap.