Hi guys!Tinupad ko promise ko😃..Pinagtiyagan ko itong chapter na ito tapusin kahit naga hang cp ko....
Sorry sa wrong grammar and typos error..😔
Hindi ko pa ito na proofread....sa totoo lang kakatapos ko lang ito type.Hinahabol ko ang load eh baka maubos ang MB naka data lang kasi ako.Poor na poor ako sa pera kaya hindi ko maloadan ang wifi😔.
Mabasa ko lang mga comment niyo guys,masayang masaya na ako.😁😁
Thank you sa palaging nag-aabang ng update ko....😁😁😁
I dedicated this chapter to all my readers and supporters😁💖...Hindi ko kayo maisa-isa dedicate kasi naga hang talaga cp ko pero kapag ok ang mood ng cp ko try ko eedit name niyo.....
🌺🌺🌺🌺
🌸Evina's Pov🌸
Matapos kong maihain ang mga pagkain sa lamesa ay nagsalin ako ng tubig sa baso.Habang umiinom ako nakarinig ako ng ungol ng isang tao at parang hirap na hirap itong huminga.Nang maubos ko ang laman ng baso ay dali-dali ko itong inilapag sa lamesa.
Patakbo akong lumabas ng kusina.Nilapitan ko so Rave na nakahiga sa sofa.Nakahawak ang isang kamay nito sa kaniyang dibdib.Napansin kong pawisan na ito.
Pinatay ko muna ang t.v bago ko hinawakan ang balikat niya.Inalog-alog ko ito pero hindi parin siya nagigising.
Paano ko kaya ito magigising?
Sabi ng matatanda kapag ang taong binabangungot mahirap gisingin at kapag hindi ito nagising siya ay mamamatay.
Hindi pwedeng mamatay si Rave sa bangungot baka ako pa ang pagbintangan nila na pumatay.Kawawa naman yong mga anak ko.
Lumuhod ako sa sahig at ipinantay ko ang mukha ko sa balikat niya.
Akmang kakagatin ko na ang balikat ni Rave ng may biglang nagsalita"Mama,ano pong ginagawa niyo?....Hahalikan mo ba ang salbaheng lalaking yan?"Napatayo ako ng wala sa oras ng marinig ko ang sinabi ni Sahara.
"Hindi ko siya hahalikan,Sahara.Ginigising ko si Rave dahil binabangungot siya."Lumapit silang tatlo sakin at tiningnan nila si Rave.
"Hayaan mo siyang bangungutin,Mama,salbahe naman yan eh."Hinila ni Sahara ang laylayan ng damit ko."Oo,nga Mama.Umalis na po tayo dito.Ayoko dito sa bahay nila salbahe ang lalaking yan."Nanlaki ang mata ko ng sinuntok ni Sued ang ulo ni Rave.
"Sued,bakit mo ginawa yon?Alam mo bang masama ang ginawa mo.Huwag mo ng uulitin yon ha."Tumingin ito sa akin sabay yuko."Mama,salbahe siya kaya magiging salbahe din kami sa kaniya."Galit na tumingin si Syed kay Rave.Akmang susuntukin din nito si Rave ng hawakan ko ang kamay niya.
"Gusto niyo bang tatlo na maging masama katulad niya?"Tanong ko sa kanila.
"Ayaw po namin maging kagaya niya,Mama."Sabay-sabay na sagot nilang tatlo sakin.Si Sued na nakayuko tumingin at umiling-iling sakin.
"Mama,ako na lang po ang gigising sa kaniya."Napayuko ako ng biglang magsalita si Sahara.
"Ako din po tutulong,Mama."Sabay na nagsalita si Sued at Syed.
"Ako na ang gigising sa ka-----"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makarinig ako ng mura.Sabay kaming tatlong napatingin kay Rave ng bumangon at umupo sa sofa.
"What's your problem,Sahara?!Bakit mo hinila ang buhok ng kili-kili ko!"Galit na sigaw ni Rave kay Sahara.
"Ang salbahe mo talaga!Ginawa ko lang yon para gumising ka!....S-sabi ni Mama binabangungot ka raw."Umiiyak na yumakap si Sahara sa bewang ko.

YOU ARE READING
Forced Marriage With The Billionaire
RomanceSPG[R-18]...... Meet Rave Rather 23 years old and he's a demon. Lahat kinakatakutan siya.Kaya niyang pumatay ng tao sa harap mo ng walang kahirap-hirap.