Kabanata 5
Truth
Natapos na kaming kumain ni Kate, kaya tumayo na kami upang magpaalam na siya sa pamilya ko at kay Troy para umuwi.
Sinamahan ko siya hanggang sa kaniyang sasakyan. Bago pa man siya sumakay, nag-usap pa muna kami.
"Ayos ka lang, Yna?" tanong niya saakin.
"Medyo"
"Masaya ako kasi masaya ang pamilya ko, pero nalulungkot ako dahil wala akong magawa para sabihin ang totoo sa kanila ng hindi nawawala iyong saya nila." dugtong ko
"Basta tandaan mo Yna, nandito lang ako palagi" sabi niya at saka niyakap niya ako.
"Susuportahan at tutulungan kita sa ano mang maging desisyon mo"sabi niya pa.
"Salamat talaga Kate. Sige na, uwi ka na, gabi na oh"
"Sige, sige. Basta wag ka ng malungkot, wag mo nalang munang isipin iyan. Okey?"
Tumango ako.
"Sige, bye na. I love you!" sabi niya sabay yakap uli at halik sa pisngi ko
"I love you too"niyakap ko siya pabalik at hinalikan din sa pisngi.
Pinanood ko pa siyang sumakay sa sasakyan niya at umalis na bago ako bumalik sa bahay at dumeretso na sa aking kwarto. Nakapagpaalam naman na ako kanina sa pamilya ko, na dederetso na ako sa kwarto ko pagkatapos kong ihatid si Kate sa labas.
Gaya nga ng sinabi ni Kate saakin, hindi ko nalang muna inisip ang tungkol sa nangyari.
Lumipas nanaman ang ilang araw ng hindi ko iniisip ang nangyari, ipinagsa-walang bahala ko na lamang ang mga bagay na iyon.
Sabado ngayon at day off ko. Gaya ng pinangako ko kay Kate, nagbibihis na ako ngayon upang samahan uli siya mag-gym.
Hindi ako susunduin ni Kate ngayon. Wala din kasing pasok ngayon si ate Xien kaya iyong sasakyan niya na lamang ang gagamitin ko.
Tapos na akong magbihis at mag-ayos ng mga kakailanganin kong dalhin. Bago ako umalis, kailangan ko munang kumain ng madami. Kasi sigurado akong magugutom nanaman ako pagkatapos namin mag-gym.
Sobrang nakakagutom pala talaga iyon. Onti na lang susuko na ako. Pero bawal pala, nangako ako kay Kate na sasamahan ko siya sa pag g-gym.
At bilang isang Yna. Ang pangako sa aking ay isang pangako. Hindi ito pwedeng mabasag o masira.
Kinuha ko na ang aking mga gamit at lumabas na ng aking kwarto. Hindi pa sila gising dahil sobrang aga pa lang. At saka, mas gusto ko talagang maging maaga. Alam niyo na, baka mamaya nandito nanaman si Troy.
Ewan ko ba doon. Kulang nalang talaga ay ang magsuot siya ng unipormeng pang-gwardiya at pagkakamalam ko na talaga siyang gwardiya namin.
Alam ni Manang Lina na may lakad ako ngayon. Kaya pagkadating ko pa lamang sa aming hapag-kainan ay parang nahihipnotismo na ako ng mga pagkaing nakahanda sa aming lamesa.
Agad-agaran kong ibinaba ang mga gamit ko sa tabing upuan at agad-agaran rin akong sumandok ng napakaraming pagkain. Hindi ko hinayaang may matirang space sa plato ko.
Unang subo ko palang ay sarap na sarap na ako. Para pa nga akong baliw na hinahalikan ko muna ang mga pagkaing ito bago ko isubo. Parang sa isang kwento, iniisip ko na ako ang prinsesa at ang mga pagkaing ito ay ang aking mga prinsipe.
The best talagang magluto si Manang Lina.
Ika nga nila "Food is Life".
Hindi ako mabubuhay kung walang pagkain.

BINABASA MO ANG
The Story of Us || ?
RomanceA 抖阴社区rs Story Hiding Personality Language: Tagalog Genre:. Romance All rights reserved 2020