抖阴社区

17

25 18 0
                                        

Kabanata 17

Event

"Bakit?"

Tulala kasi si Kate ngayon habang nakatingin saakin. Kanina pa siya ganiyan, tapos bigla-bigla din siyang ngingiti.

Napagdesisyunan ulit namin ni Kate na lumabas ngayon para kumain. Halos ilang beses na namin itong gawin sa isang linggo. Nasanay na naming gawin ito.

Ang tagal na din nung huli kong nakita iyong love kong writer. Namimiss ko na siya. Excited na ulit akong makita siyang muli.

"Ano kasi..."sabi ni Kate.

Nagulat nalang ako ng biglang may tumulong luha sa kaniyang mga mata. Napayuko din siya dahil doon.

"Kate. Bakit umiiyak ka?"parang kinabahan tuloy ako.

May problema ba si Kate? Bakit siya umiiyak? Ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat ay iyong makakakita ako ng taong lumuluha sa harapan ko. Lalong-lalo na kapag mahal na mahal ko talaga ang taong ito.

Lumapit ako kay Kate kung saan siya nakaupo. Nakatakip na ng dalawang kamay niya ang kaniyang mukha. Tumataas-baba din ang kaniyang balikat ng dahil sa pag-iyak.

Niyakap ko siya ng makalapit na ako sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit, para ipaalala na nandito lang ako palagi sa tabi niya. Handa akong damayan siya sa anumang problema niya.

"Nandito lang ako Kate. Please, stop crying."sabi ko habang yakap ko pa din siya. Hinahagod-hagod ko pa ang likod niya.

Ginantihan niya din ang yakap ko sa kaniya. Isiniksik niya ang kaniyang mukha saaking leeg. Ramdam ko na ngayon ang pag-iyak niya.

Bawat paggalaw ng kaniyang balikat dahil sa pag-iyak. Bawat hikbi niya. Bawat luha niyang dumadapo sa aking balat. Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko na kaya.

"Please Kate. Wag ka ng umiyak"pilit kong pinapalakas ang loob na sabi ko sa kaniya.

Ayaw kong ipakita sa kaniya na mahina ako. Gusto kong ipakita sa kaniya na nandito ako para palakasin ang loob niya. Nandito ako palagi para damayan siya. Nandito ako para tulungan siya.

Humiwalay na siya sa pagyakap niya saakin. Yumuko siya para punasan ang kaniyang mga luhang nasa kaniyang mukha. Titig na titig lang ako sa bawat kilos niya.

Ng matapos niya ng ayusin ang kaniyang sarili. Nag-angat na siya ng tingin saakin. Kita ko ang bahagyang pagpula ng kaniyang mga mata at ang kaniyang ilong ng dahil sa pag-iyak.

"Sorry. Hindi ko na napigilan ang umiyak"sabi niya saakin, sabay ngiti.

"May problema ka ba?"nag-aalalang tanong ko.

"Wala. Masaya lang ako"

Naguluhan pa ako sa sinabi niyang iyon saakn. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya o hindi. Kasi kung masaya siya, bakit siya umiyak?

"Sobrang saya ko para sa'yo Yna"

Sabi niya. Nagsimula nanamang magsituluhan ang mga luha ni Kate. Napayakap ulit siya saakin.

"Napakasaya ko na napaka successfull mo na ngayon"lumuluha na sabi ni Kate.

Bigla na lang din tumulo ang mga luha ko. Parang may humaplos sa puso ko ng dahil sa sinabi niya.

Napakasarap sa pakiramdam na mayroon kang kaibigan na isang katulad niya. Kaibigan na handa kang damayan sa lahat. Sa hirap man o sa ginhawa.

"Tignan mo. Ang successful mo na bilang isang writer"

The Story of Us || ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon