"Salamat, p're, ah. Sa pagsama kay Val at Claire."
Rinig kong sabi ni Ian kay Jared. Noong naghihintay kami sa recovery room, tumawag na ako sa mga kaibigan namin para ipaalam sa kanila ang nangyari kay Claire. I also messaged Claire's Mom using her phone. Ilang oras lang din ay dumating na sina Ian, kasama si Zoe at Lorraine. Natatagalan rin ang iba dahil may kalayuan pa ito galing Metro Manila, at traffic na rin kasi.
We were told na may mga fractures si Claire. Although it won't affect naman daw ang mobility niya long term, kailangan niya pa rin ng pahinga at therapy para maka-recover nang maayos. Sinigurado rin ng doktor na stable na siya, pero kailangan pa rin siyang bantayan nang mabuti sa ospital.
Hindi dumating ang mama ni Claire that same evening. Nakakalungkot lang. Pero nandito naman kami ng mga kaibigan niya para sa kanya. Even si Jared ay laging bumibisita. Kinailangan ko na tuloy ipaalam sa mga kaibigan ko ang tungkol sa kanya at sa relasyon namin. Charot!
Dumaan ang isa, dalawang araw. Puno ng tahimik na pag-aalala ang kwarto ni Claire. Nagpatuloy ang dalaw ng mga kaibigan namin. Si Zoe, na hindi sanay sa ganitong seryosong sitwasyon, tahimik na lang na nagdadala ng pagkain para sa lahat. Si Lorraine naman, madalas nakabantay, inaayos ang unan ni Claire, o simpleng nagkukwento ng mga nangyayari sa labas para hindi maging sobrang tahimik ang kwarto.
Ikalawang araw na ngayon ni Claire dito at tulog pa rin siya. Dumeretso agad ako ng ospital pagkatapos ng klase ko. Hindi ko kasama si Jared ngayon dahil may klase pa siya kaya nag-drive nalang ako papunta rito. Susunod naman raw siya.
Dinatnan ko sina Mommy sa loob pagpasok ko ng room ni Claire! Kasama niya pa si Kuya! Syempre, nagulat ako pero laking tuwa ko na nandito sila para kay Claire.
"Mom! Kuya!" I called them and immediately gave them hugs. Si Lorraine, AJ at Zoe ang nandito ngayon dahil wala pang pasok ang Ateneo kaya nakakapagbantay pa sila. Si Zoe ay wala raw pasok ngayon kaya dito nalang siya nag-stay.
"Kamusta ka na, anak? Hindi na ako nakapagsabi na pupunta kami rito," sabi ni Mommy habang hinahagod ang likod ko.
"Okay lang po. Mabuti nga 'yon dahil may bagong kasama si Claire." Ani ko.
Napabuntong-hininga si Mommy habang tinitingnan ang mahimbing na natutulog kong kaibigan. "Nakakaawa naman ang batang 'to. Buti na lang at nandito kayo. Kung ako ang magulang niya, hindi ko matitiis na hindi makapunta agad."
Sinundan ko ang tingin ni Mommy kay Claire at napangiti nang makita ko si Lorraine na maingat na inaayos ang kumot nito.
"I'm sure may dahilan si Tita kung bakit hindi pa siya nakakarating," sabi ko, pilit na iniintindi ang sitwasyon.
"Still..." Hindi maitukoy ni mommy ang sasabihin. Parang may kung anong malungkot sa tono niya. At naiintindihan ko siya.
Habang nag-uusap-usap kami, biglang bumukas ang pinto at mukha ni Jared ang nakatayo roon. Nilibot niya ang mga mata niya saamin dahil marami kaming nandito sa loob pero when his gaze landed on my mother's and brother's, he had a confused look suddenly. But all his confusion went away when he saw me. He gave me a small smile before fully entering the room. May dala pa siyang mga pagkain.
"Ay, nandito na ang best boy space friend!" Pang-aasar ni Zoe, may malaking ngisi sa mga labi niya habang nakatingin saakin.
Ibinaba ni Jared sa table sa tabi ng pinto abg mga dala-dala niyang prutas at mga meryenda. Humarap siya saamin, may kaunting confusion pa sa mukha niya. "Good evening po," Pagbati niya sa Mom ko.

YOU ARE READING
Encounter (Onze Series #1)
RomanceOnze Series #1 Jared, an engineering student from UST, has always believed that love is nothing more than a distraction from his ambitions. With his goals set and his future carefully planned, romance has no place in his life-until he meets Valerie...