抖阴社区

05

3.6K 176 67
                                    

"Sa tingin niyo ba, may pag-asang maging kami?!" tanong ko, halos sumisigaw na, habang nakahilata sa sofa ng condo.


Kasama namin ni Claire ang mga kaibigan namin ngayon sa condo just to chill. Mukha naman silang hindi busy kaya nung nag-aya ako sa gc, game naman agad sila!


"My gosh, Val, seryoso ka pala sa lalaking 'yon?" gulat na tanong ni Zoe, halos malaglag ang hawak niyang baso.


"Akala ko dati crush-crush lang 'to—"


Lorraine cut me off, raising an eyebrow. "Sa tanda mong 'yan, crush pa rin yung turing mo sa ganyan?"


I pouted. "Ano pa ba ang dapat kong itawag sa ganon?! Eh gusto ko siya eh, pero slight lang." Ginamit ko pa ang daliri ko para ipakita kung gaano 'kaslight' lang iyon.


"Eh, gusto ka ba?" seryosong tanong ni Warren habang nagbubukas ng isang beer.


Bigla akong napahinto. Lumungkot ang ekspresyon ko. "Pero sabi niya nga sa akin, nacoconfuse daw siya!" bumuntong-hininga ako, pilit na pinapalakas ang loob ko. "Alam kong hindi niya priority ang relationships, puro siya aral, pero... what if mabago ko siya?" Sinamahan ko pa ng kaunting drama para makuha ang sympathy nila.


Ian laughed, shaking his head. "Ewan ko sa'yo, Val. Ligawan mo nalang kaya?"


"Tama! Ikaw naman ang may gusto sa kanya, eh," dagdag ni Lorraine, smirking.


"Naku, edi nabasted siya," sabat ni Claire, nonchalant na nag-aayos ng kuko niya.


Napataas ang kilay ko. "Ang harsh niyo talaga! I'm in a dilemma right now, oh?!" Pinaarte ko pang parang na-offend ako.


Zoe rolled her eyes. "Sabi mo kasi slight lang, pero kung makadrama ka parang kasal na ang iniisip mo."


Tahimik silang lahat nang ilang segundo bago nagsalita si Warren. "Alam mo, Val, hindi kita masisisi kung gusto mo siya. Pero kung gusto mong malaman kung may chance talaga kayo, harapin mo siya. Hindi 'yung nandito ka lang sa condo, nagpapaka-martyr."


Nagkatinginan kami ng iba kong kaibigan. Alam nilang may point siya.


"Ikaw kasi Val, magkakagusto ka nalang, sa hindi ka pa gusto!" Straightforward na sambit ni Ian saakin.


"May chance ka pang malaman," Zoe chimed in. "Diba, Eloise is throwing a party this weekend?"


I narrowed my eyes. "At?"


Ian grinned, "I-invite natin! Tutal, kaibigan at kakilala rin naman natin si Jared."


"'Wag na! Nakakahiya!" Pag-protesta ko.


"At talagang nahiya ka pa sa kapal ng mukha mong 'yan?!" Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Claire. Tama naman siya.

Encounter (Onze Series #1)Where stories live. Discover now