抖阴社区

                                    

Jared and I became... well, closer. Not in a romantic way, sadly. More like... a tolerable kind of close.


He still didn't like me. I could tell.


But he also didn't ignore me anymore.


He'd text me sometimes, mostly about random things to annoy me like "Naiwan mo payong mo. Kahit wala namang ulan."


Nakakaasar, 'di ba?! Parang binabalik niya sa'kin lahat ng kakulitan ko noon. Pero ang difference? Hindi niya 'ko bet. Pero... bet ko siya.


At ngayon, ang genius kong plano? Puntahan siya sa UST.


"San ka papunta?" Claire suddenly appeared beside me, her sharp gaze locking onto me like she knew I was up to something.


Miss ko na kasi si Jared, baka miss niya na rin ako kaya pupunta akong UST ngayon. Charot!


I gave her my cutest, most innocent smile. "UST hehe." Nag-peace sign pa ako, sabay ngiting labas-lahat-ng-ngipin.


Claire sighed, shaking her head. "Ingat ka. Love you."


Bago siya pa makatanggi, niyakap ko na siya nang mahigpit. Claire's recovery had been fast, and she was back to attending classes fully, walang kahit anong after-effect from the accident. Which was a relief.


Pero wala akong time mag-reflect ngayon—mission Jared ang priority ko.


Tumakbo ako pabalik sa condo para kunin ang sasakyan. Hindi ko na rin natanong si Claire kung bakit siya dadaan sa Coffee Project kasi sobrang excited ko na.


Pagdating ko sa UST, naka-park lang ako sa labas ng Chowking sa España. Pero may problema—hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Jared.


Nag-text ako kay Ian. Walang sagot.


So, nag-IG story nalang ako. Picture ko sa sasakyan na may maliit na location tag. Baka sakali makita ni Jared.


After ten minutes, wala pa rin. Nagutom na ako. Pumasok nalang ako ng Chowking at umupo malapit sa bintana. Habang naghihintay ng order, nag-IG story ulit ako—this time, view ng labas.


"Ang tagal naman! Wala ba siyang load?!" I mumbled to myself, iritado na sa paghihintay.


Then, as if the universe was making fun of me, may nakita akong lalaking naka-black Nike bag na naglalakad patalikod.


Nanlaki ang mata ko. Shit, shit, shit!


Nung humarap siya, mabilis kong cinover yung mukha ko gamit ang phone. Pero too late—pumasok siya sa Chowking, nakakunot-noo habang nakatingin sa phone niya.


"Nag-message ka nalang sana sa'kin," he said flatly. "Hindi yung magpaparinig ka sa IG story mo."


Nanigas ako sa upuan. Pano niya nabasa yun?!


May maliit kasi akong text na 'hi wya' sa IG story ko. Sobrang liit, as in pang-eagle eye lang ang makakakita. At binasa niya talaga?!


"Sungit!" I pouted, crossing my arms. "Pero, oh my gosh? Nabasa mo pa rin 'yon? Crush mo siguro ako," I teased, my voice laced with mock arrogance.


Jared just shook his head in disbelief before settling into the chair across from me, dropping his bag onto the table. He didn't even dignify my joke with a response—pero alam kong natamaan siya.


Encounter (Onze Series #1)Where stories live. Discover now