抖阴社区

Chapter 4: Jealous

141 7 1
                                    

















KASALUKUYANG nag uusap si Trinity at Yuan sa rooftop ng gold building. Pangalawang araw na ngayon ng kanilang pasukan at hindi gaya ng nangyari kahapon ay kalmado ang lahat ngayon.

Ngayon lang nagkalakas ng loob si Trinity na kausapin si Yuan dahil aminadong nasaktan at nahiya siya sa mga nangyari nung mga nakaraang araw.

Parehong nakaharap sa rehas na bakal ang dalawa at pinapanood mula sa itaas ang mga estudyanteng dumadaan at naghahabulan sa soccer field ng stanford.

"So do u love him?" pag uumpisa ni Yuan.

Napatingin sa kanya si Trinity at kaagad din napalingon ng mapansin na may pinapanood si Yuan.

Hindi niya inaasahan na maagang papasok si Ryu kasama sila Onix na may dalang baseball bat at si Von na may dalang gitara habang si Ryu naman ay naka kumpletong uniporme at nakaakbay sa dalawang kaibigan.

Saglit na pinanood ni Trinity ang kilos ni Ryu at kung papaano nito paglaruan ang feelings ng mga babae sa paligid nila sa pamamagitan ng pag kindat sa mga ito at pati na rin ang pagtatawanan ng tatlo dahil sa kani-kanilang kalokohan.

Bahagya itong napa-pout dahil sa nakita niyang ginawa ng malokong si Ryu.

"I guess?" Sagot ni Trinity kay Yuan at deretso niya itong tiningnan sa mga mata nito.

Tipid na natawa sa kanya si Yuan. "Stupid!" anito sa kanya habang may ngiti sa labi "You know how much i hate him but you still fall for him." Natatawang banggit niya kay Trinity.

"But u are also stupid." balik niya kay Yuan.

"Hmm?" bahagyang napakunot ang noo nito sa kanya dahil hindi nito naintindihan ang sinabi niya.

"You are also stupid for not choosing me. Alam mo naman na gusto kita mula pa nung bata pa tayo..but u ended up liking my twin and not me." natatawang sabi niya kay Yuan na ngayon ay sumeryoso ang mukha at napatingin sa kanya.

Simula pa lamang ng mga bata pa sila ay talaga namang close na close silang tatlo ni Yuan at Serenity. Mas malapit si Yuan at Trinity sa isa't isa ngunit lumayo ang loob ni Trinity sa dalawa matapos itong umamin dati kay Yuan ng kanyang nararamdaman. Matagal na panahon na ang nakakalipas.

Ngunit likas na tapat si Yuan noon sa kanyang nararamdaman at deretsahan nitong sinabi kay Trinity na hindi niya ito gusto, at gusto lamang niya ito bilang matalik na kaibigan.

Dahil doon ay napag pasyahan ni Trinity na umakto ng maayos at bahagyang inilayo ang sarili sa dalawa. Yun din ang dahilan ng pagbabago nito at kung ano na siya ngayon.

Napatingin sa kanya si Yuan dahil sa kanyang sinabi at sinalubong niya ito ng may ngiti sa labi.

"Im already moved on a long time ago. I just wanna tell u that u are also stupid." anito.

"Take a good care of my twin. Protect her and love her. Though you are so torpe make a move baka pagsisihan mo pag sa iba pa yon nahulog." dagdag pa niya.

Napangiti si Yuan sa mga sinabi ni Trinity sa kanya dahil hindi nito inaasahan ang mga sasabihin nito, ngunit may lungkot din itong naramdaman dahil pakiramdam niya ay siya ang dahilan ng pagbabagong ito ni Trinity.

"You really changed." komento niya.

Malaki ang pinagbago ng dalaga, ibang iba sa pagkakakilala niya rito mula pa ng bata sila ngunit isa lang ang hindi nagbago rito.

Yun ay ang laging pagsabi nito kay Yuan na protektahan at mahalin niya ang kanyang kakambal.

Huminga ng malalim si Yuan saka lumapit ng bahagya kay Trinity at saka nito ginulo ang buhok ng kaibigan.

Stanford University II [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon