抖阴社区

Chapter 5: Tom and Jerry

78 3 0
                                    










 
 


UWIAN na at medyo pagabi na ng lumabas ang dalawang si Fumi at Luna mula sa malaking gate ng school.

Madalas ay nilalakad lang ng dalawa ang pauwi sa kani-kanilang mga bahay dahil hindi naman ito ganoon kalayo mula sa paaralan at kung minsan ay kinakaon sila ng kanilang mga driver.

Ngunit napagpasyahan ng dalawa na mag lakad na lamang at mag kwentuhan ng mga nangyari kanina.

"Namumuro na kay Yuan at Ryu yang Slate na
yan."  komento ni Luna habang nakahawak ang kamay sa mga braso ni Fumi.

"Tss. Hindi niya alam yung mga binabangga niya sa school." ani Fumi.

Nakarating sa dalawa ang nangyari kanina dahil kay Mirri. Hindi kasi ito marunong magsinungalin at magtago ng sikreto.

"Speaking of Slate--" napatigil sa paglalakad si Luna ng makita na sumakay sa magara at mamahaling sasakyan si Azi at Slate na siyang nagsuot ng shades nito at ibinaba ang bubong ng sasakyan.

"Woah! I guess he's rich." komento ni Fumi matapos na madaanan sila ng sasakyan nito.

"No one knows which family he came from. He's too secretive and also handsome." kinikilig na sabi ni Luna kay Fumi kaya naman napatingin sa kanya si Fumi at umusli ang nguso.

"Alam mo ikaw may pagkaharot ka" aniya rito saka tinusok tusok ang tagiliran.

Natatawang sinangga ni Luna ang bawat pag kiliti sa kanya  ni Fumi.

"So ilang views sa tingin mo ang maaabot ng next vlog mo?" pag iiba niya ng topic para hindi na siya kilitiin pa nito.

Saglit na nag-isip ito at napatingin pa sa taas na animo'y nag iisip talaga ng mabuti.

"I think 4.5million--kabayo!"

Halos mapatalon sa gulat ang dalawa ng mabusinahan at mapagitnaan sila ng dalawang mustang.

Alam na nila kung sino ang mga ito.

Halos sabay na nagbaba ng sidedoor window ang dalawang si Kenzo at Xyper saka sinilip ang dalawa.

"Get in~!" ani Kenzo.

"Salamat!" anang dalawa at kaagad na tumakbo papunta sa passenger seat si Luna.

Binuksan naman ni Fumi ang likurang bahagi ng mustang ni Kenzo para doon maupo ngunit may mga gamit ito sa likod.

"Fumi kay Xy ka nalang sumakay." napakamot sa ulong sabi ni Kenzo.

Napasalinghap na isinara ni Fumi ang pinto ng mustang ni Kenzo saka pumihit siya pakabila para buksan ang likurang bahagi ng mustang ni Xyper ngunit puno rin ng mga gamit ang likurang upuan ng kotse nito.

Nagkatinginan ang dalawa at nakangiting pinagpag ni Xyper ang passenger seat ng mustang niya para doon paupuin si Fumi.

Napa-irap nalang ito sa ere at saka isinara ang pintuan ng likurang bahagi ng sasakyan ni Xyper at binuksan ang passenger seat.

"It's been awhile" Nakangiting bungad sa kanya ni Xy matapos makasakay at isara ang pinto ng sasakyan.

Bumusina naman ang kabilang sasakyan at saka umandar.

"Tokis ka Luna ang saya saya ng kwentuhan natin kanina tapos iiwanan mo ko." bulong ni Fumi habang pinapanood ang paglayo ng sasakyan nila Kenzo at Luna.

Napatingin ito kay Xyper matapos mapansin na hindi pa ito umaandar.

"Ano? Dito ba tayo matutulog?" sarcastic na sabi nito dahil dumidilim na ang kalangitan.

Stanford University II [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon