抖阴社区

Chapter 4: Jealous

Magsimula sa umpisa
                                    

Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Trinity at ganoon din si Yuan.

"I hope u understand me now. We can't teach our heart about who the fuck we're going to love." aniya kay Yuan.

Kaagad naman na tumango si Yuan at naintindihan ang kaibigan.

Matapos ang ilang taong bangayan ng dalawa ay ngayong lamang muli sila nagkausap ng mahinahon at maayos dahil naging mailap sa kanila si Trinity.

Nagiging kasama lamang nila ito kapag may importanteng gagawin o kailangan puntahan.

"So don't tell everything to my dad. You know he sends me hundreds of messages and hundreds of calls." natatawang banggit nito kay Yuan.

"But i have a promise to uncle Dwight that i will protect u two." anito.

Dahil walang anak na lalaki ay kay Yuan ipinagkatiwala ni Dwight ang pagbabantay nito sa dalawa niyang prinsesa.

Sa pagkakataong 'yon ay may kung anong tinik na para bang nabunot sa pakiramdam ni Yuan.

Mahalaga para sa kanya si Trinity ngunit nakatalaga na para kay Serenity ang kanyang mga nararamdaman at hindi na niya ito mababago.

Dahil matagal na panahon na ang nakalipas wala na ito para sa kanila at kontento na sila sa ngayon dahil sa tingin niya ay nagkaayos na silang dalawa.

"I will still keep my eye to Ryu and that Slate not to cause a big problem again." tanggap na niya ang relasyon ng dalawa ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi na niya babantayan ang kilos ni Ryu at dumagdag pa rito ang bagong dating na si Slate.

Tumango naman sa kanya si Trinity na sumasang-ayon sa nabanggit.

"Do your job as a President." aniya kay Yuan.

"Also do ur job as a Vice President." balik na sabi niya kay Trinity.

 












 







"OKAY sige dito tayo pumwesto." ani Serenity kay Mirri.

"Sige order ka na ng foods natin, cheese pizza sakin bibili na rin ako ng softdrinks." pagkasabi ay kaagad na umalis si Mirri para bumili ng drinks sa mga food stall sa loob ng malawak na cafeteria ng school.

Balak sana nilang sa school ground kumain dahil may mga bench at tables doon malapit sa malaking soccer field ngunit ayaw na ayaw ni Serenity na naaarawan ang makinis at maputi nitong balat.

Magkasama ang dalawa ngayon dahil may sariling lakad sila Fumi at Luna. Nagkasundo ang dalawa na gumawa ng vlog at yun ay ang pag me-make up ni Luna kay Fumi dahil yun daw ang most requested ng mga subscribers nito.

Nang makaalis si Mirri ay kaagad naman dumating ang dalawang si Azi at Slate at naupo sa pwestong napili nilang dalawa.

"Excuse me, this is our table." naka cross arm na sabi nito sa dalawa at animo'y walang narinig at iniwan ang mga bag nila sa tabi ng kanilang upuan at saka umalis para umorder.

"Anak ng huweteng." bulong nito matapos lang siya malampasan ng dalawa.

No choice siya kundi ang lumipat sa kabilang tabi ng table na napili nila ni Mirri.

Papunta palang siya para bumili ng pizza ng ngunit pabalik na agad ang dalawang si Slate at Azi na may dala rin na pizza, inirapan lang niya ang dalawa saka naglakad ng deretso.

Bahagyang napangiti si Slate sa ginawang yon ni Serenity na pag irap sa kanila.

"Ah i forgot the straw." ani Azi at saka umalis din kaagad para kumuha ng straw matapos ilapag ang tray ng pagkain nila.

Stanford University II [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon