"Hot sauce!" sambit ni Slate ngunit sa tingin niya ay hindi siya narinig ni Azi kaya naman tumayo rin ito para kumuha ng hot sauce.
Sa pag alis ng dalawa ay siya naman ang pag dating ni Mirri na may bitbit na dalawang coke in can at inilapag ito sa table nila Slate at Azi.
"Hmm? Kaninong bag 'to?" takang tanong niya at saka hinanap sa paligid si Serenity.
Wala pa rin kasi ito ngunit nasa table na nila ang pizza at may roon na rin itong drinks na kasama.
"Ang sabi ko cheese pizza, bakit peperoni naman 'tong inorder ni Serenity." aniya saka kumuha ng isang slice at nag umpisang kumain dahil gutom na rin siya.
Samantala inilapag naman ni Serenity sa table nila ang cheese pizza na request ni Mirri sa kanya.
"Serenity kanino yang dala mo?" bungad na tanong sa kanya ni Mirri na nakaupo sa dati nilang pwesto at hawak hawak ang halos paubos na na isang slice ng pizza.
Nanlaki ang mga mata ni Serenity at napatakip ng bibig dahil kay Mirri.
"OMG! Mirri umalis ka jan." halos pabulong na sabi niya sa kaibigan at hinila ito paupo sa table nila.
Mabilis din niyang kinuha ang drinks nilang dalawa at kumuha ng isang slice ng cheese pizza at saka ipinalit sa pwesto ng pizza na nabawasan ni Mirri.
"Bakit hindi ba satin yun?" nalilitong tanong Mirri habang patuloy pa rin sa pag nguya.
Sasagot na sana si Serenity ngunit biglang sabay na dumating ang dalawang si Slate at Azi at naupo sa naunang table nilang dalawa.
Pag kaupong-pagkaupo pa lamang ng dalawa ay kaagad nilang napansin ang isang slice ng pizza na walang peperoni at sabay na nilingon ng dalawang ito ang kalapit na table nila.
Bagamat hindi pa man tapos sa pagnguya ay biglang napalunok si Mirri matapos maramdaman ang malamig sa titig sa kanila ng dalawang sila Azi at Slate.
Awkward naman na humigop ng coke si Serenity at pasimpleng sinulyapan ang walang imik na si Slate at Azi.
"You should buy peperoni flavor if u want peperoni and not the damn cheese pizza." ani Slate saka tinitigan si Serenity.
"Hmm? Me?" turo ni Serenity sa sarili niya.
"I hate peperoni." tumayo si Serenity saka naka cross arm na hinarap si Slate dahil sa maling pagbibintang nito sa kanya kahit na wala pa man itong nababanggit dahil sa kanya ito nakatingin.
Kung paminsan minsan ay may pagka OA rin itong si Serenity.
"I hate cheese." sagot din ni Slate, tumayo rin ito saka tinitigan si Serenity.
"I-it was me!" pag amin ni Mirri at tumayo sa pagitan ng dalawang si Serenity at Slate dahil natatakot siya na pag mulan pa ng away ang ginawa niya at dahil lang ito sa isang slice ng pizza.
Napatayo rin si Azi hindi para pagilan ang dalawa dahil alam niya na hindi nananakit ng babae si Slate. Tumayo ito para tingnan ang mukha ni Mirri.
"Yeah it was you!" nakangiting sabi ni Azi kay Mirri dahil may maliit na piraso pa ito ng peperoni sa gilid ng labi nito, bakas na siya ang kumain ng isang slice ng pizza na paborito ni Slate.
Dahil nakatayo silang apat ay hindi maiiwasan na pag tinginan sila ng mga tao lalo na ang matunog na pangalan ngayon sa kanilang school na si Slate.
Maraming babae na rin ang nagkakandarapa para makausap ito at araw araw na rin napupuno ang locker nito ng sulat ng mga babae.
Akmang pupunasan ni Azi ang gilid ng bibig ni Mirri ng biglang siyang hawakan ni Serenity sa wrist nito.

BINABASA MO ANG
Stanford University II [ON GOING]
Teen FictionWelcome to Stanford.. ..the school of THE SECOND GENERATION Date Created: March 19, 2020 Date End: -- P.S. Hi guys i am kimcheenita_xx the author of Stanford University 1. I decided to change my username and i want people to know me as AliceChuaIsNo...
Chapter 4: Jealous
Magsimula sa umpisa