抖阴社区

Chapter 5: Tom and Jerry

Magsimula sa umpisa
                                    

Bahagyang natawa si Xyper dahil mainit na naman ang ulo nito sa kanya.

"Relax we need to pray first." anito.

"Dasal? Kelan ka pa natutong magdasal?" banat ni Fumi kay Xyper.

"Hmm..just now? Because im with u i need to be very careful and protect my princess." nakangiting sabi nito saka ini-start ang sasakyan at nag umpisang paandarin ito.

"Isa pang banat mo ikaw na babanatan ko." Pagbabanta nito.

Pinili na lamang manahimik ni Xyper at nagmaneho ng tahimik dahil baka mabugbog o kung ano mang gasgas sa mukha ang abutin niya mula kay Fumi.

Matapos ang ilang minuto ay hindi niya alam kung papaano nagawa ni Fumi na makatulog ng ganoong kabilis.

Nawala sa isip niya na tanungin ito kung saan ang daan papunta sa bahay nila dahil sa pagkakaalam niya ay bagong lipat ang mga ito.

No choice siya kung hindi dalhin si Fumi sa condo unit nila ni Kenzo at Yuan.

Ilang minuto pa ang inintay bago magising si Fumi. Hindi niya ito pwede iwanan sa loob at bukod pa roon ay bumuhos din ang malakas na ulan sa labas.

"Are we already he-- it's not my home!" anito matapos magising sa mahimbing na pagkakatulog at narealize na wala sila sa tapat ng bahay niya.

"U fell asleep that fast and i dont wanna disturb u by asking which way is ur home so i brought u here. Besides it's already raining." paliwanag nito sa kanya at hinubad ang coat na suot nito saka inilagay sa balikat niya.

Dahil sa ginawang yon ni Xyper ay may kung anong kilig na naramdaman si Fumi mula rito.

"Para saan 'to?" aniya.

"Taklob mo sa ulo mo, isa lang payong ko. Hindi tayo kasya rito." pagkasabing pagkasabi nito ay kaagad itong bumaba ng kotse saka binuksan ang payong at patakbong sumilong sa gusali.

"Packing sheep ka talaga Xyper Felton!" naibulong na lamang ni Fumi habang pinapanood si Xyper na tumatakbo. Ang kaninang kilig na naramdaman nito ay biglang naglaho at napalitan ng pagkaasar niya rito.

Padabog itong bumaba at padabog din nitong isinara ang pinto ng kotse nito saka mabilis na naglakad pasilong sa gusali.

Katahimikan ang nangibabaw sa dalawa ng pumasok na sila sa loob ng elevator.

Hindi naman maiwasang sulyapan ni Xyper ang galit na si Fumi dahil basa ang uniporme nito at pati na rin ang kanyang buhok.

Bahagya itong nagpigil ng tawa dahil alam na alam niya kung papaano ito galitin at kung paano rin ito mapuno ng galit sa kanya.

Sa lahat ng magkakaibigan ay si Xy ang expert kung papaano inisin si Fumi bata pa lamang ang mga ito ay madalas ng mag-away ang dalawa dahil sa asaran at kumpitensyahan sa isa't-isa.

Nang bumukas ang elevator ay kaagad na lumabas si Fumi at mabilis na naglakad papunta sa condo unit ng tatlo.

Bali wala na sa kanya kung lalaki ang makakasama niya dahil buo ang tiwala niya sa mga kaibigan bukod don ay hindi siya naiilang sa mga ito.

"Are u mad at me?" paakbay na lumapit sa kanya si Xyper matapos itong mahabol sa paglalakad.

Imbis na sagutin ay siniko niya ito sa tagiliran dahilan para matanggal ang pagkakaakbay nito sa kanya.

"Isa pang hawak mo sakin mababalian ka talaga." Pagbabanta niya rito.

Saka muling naglakad at nang marating na nito ang pinto ng condo unit ay pinindot niya kaagad ang password para makapasok ngunit hindi ito gumana.

Stanford University II [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon