Claire The Jinowa6:45 PM
Claire:
Joshua wala na si LolaClaire:
Tinawag nya pa yung pangalan ko ng paulit ulit kahit nanghihina na sya, kahit paos na yung boses nya pinilit nya pa din ako tawaginClaire:
pero di ko sya pinansin kase busy ako sa pagluluto nun kase iniisip ko baka pag nalampasan nanaman yung oras ng paginom nya ng gamot lumalala nanaman kung ano ano nanaman masuka nyaClaire:
Kung alam ko lang JoshuaClaire:
Kung alam ko lang na yun na yung huling oras nya dapat hindi nako nagluto dapat inuna ko na syaClaire:
Dapat hinilot ko nalang kung saan yung masakit sakanya dapat kinantahan ko nalang sya ng gusto nyang kanta kase nakakapagpawala daw sakanya ng stress yunClaire:
kung alam ko lang dapat tinignan ko nalang sya ng matagalClaire:
Matagal pa kami dapat magsasama nun ni lola kase sabi nya sya magiging manager ko pag may gustong makipagmeet up sakin pag nakagraduate ko.Claire:
Pero wala iniwan nya nako ang daya daya nya hindi nya muna ako hinintay na mabigayan sila ni mama ng maganda bahay yung may titoloClaire:
kase mas maganda pag may titolo kasi samin nayun habang buhayClaire:
Pero wala eh kinuha na syaClaire:
Papakainin ko na sya dapat nun eh tapos akala ko tulog lang sya kase lately tulog lang ng tulog tapos nung ginigising ko sya wala parang ang lambot lambot nya.Palihim akong nagtaklob ng kumot sa aking mukha at pinilit na wag gumawa ng ingay mula sa aking paghikbi habang binabasa ang kwento ni Claire ang nangyare sa pamamaalam ng lola nya. Gusto kong magreply at sabihin na magpakatatag lang sya pero tila namamahid ang kamay ko.
Claire:
Ang bait bait naman nya Joshua bakit sya pa? Bakit kaylangan pa may mawala?Claire:
Sila lang ni mama yung lakas ko bakit nabawasan pa? Sila lang yung meron ako bat kinuha pa si lola?Claire:
hindi ko na alam gagawin ko pakiramdam ko mababaliw nako
Claire:
Guhong guho nako, durog na durog na kung alam ko lang na ganito yung sasapitin kong ngayong taon dapat nilubos lubos ko na nung nakaraan.Claire:
Dapat nagpakasaya nalang ako kasama si lola, dapat sinulit ko na kase yun pala yung huli.Claire:
Dapat di nako nagluto kaninaKanina lang nung nalaman ko na namaalam na ang kanyang lola ay pinilit kong lumabas ng bahay, pinilit ko na makapunta sakanila. Di naman ako nahirapan na magpaalam kay mama pero hindi pa ko nakakalayo ay sinita nako ng mga nakabantay sa labas.
Claire:
Kanina habang kinukuha si lola ng ambulansya gustong gusto kong sumama kahit sa sandali nalangClaire:
Pero bawal eh kase 18 palang daw ako

BINABASA MO ANG
Pang Quarantine Ka Lang
HumorCOMPLETED Joshua Yeshie Point Of View Pang Quarantine Pang Lockdown Pang Pamlipas Oras Joshua: Maguusap pa rin ba tayo pagkatapos ng quarantine? Claire: Hindi ko alam Joshua Claire: Panahon lang yung makakasagot nyan, hindi ako. Claire: Mahal kita...