抖阴社区

EPILOGUE

211 35 23
                                    


Kinabukasan ay sinundo nga kami ni Devon gamit ang kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung pano sya nakapasok sa subdivision namin sa sobrang higpit at bukod pa don ay madami ring bantay.

Wala naman talaga ko balak na pumunta kay Claire. Wala akong balak na pigilan sya sa paglilipat nya ng Bahay. Walang akong magagawa kung inisip nya yung kapakanan ng mama nya. Wala akong magagawa kase kahit ako? Hindi ko magawang tulungan sya.

Gustuhin ko mang umapila sa padalos dalos nyang desisyon, gustuhin ko mang gawan ng paraan pero wala... Wala akong magawa. Wala akong matulong. Wala akong maipagmamalake sakanya, sa mama nya.

"Boy di kaba baba?" Agaw pansin sakin ni Matthew.

"Oo nga boy sayang naman mas maganda pa din yung magusap kayo ng personal" nangangamot na ulo ni Renz

"Isipin mo boy eto na yung huling makikita mo sya, wag mo na hayaan na bandang huli magsisi ka kase di mo sya nakausap" Nakangiting aso na sabi ni Devon

"Awit Oo nga" sabi ni Denver habang itinataas ang kanyang cellphone para makapaghanap ng signal.


Hindi ako sumagot sa mga sinasabi nila at hinayaan lang ang aking mga mata na pagmasdan si Claire sa loob ng sasakyan.

Ganto pala yung pakiramdam, pagnakikita mo yung mahal mo sa malapitan pero hindi mo magawang lapitan kase wala kang magawa kung di ang titigan lang sya.

"Taena boy umiiyak si Joshua videohan nyo" Malakas na sabi ni Matthew kaya nagulat nalang din ako ng maramdaman kong basa nga ang aking mukha mabuti nalang ay hindi ito masyadong halata dahil sa mask kong napakalaki.

"Bobo ganyan pag may label masakit pag nagbreak palibasa di mo naranasan" Pambabara sakanya ni Jancis habang nagliliptint.

"Atlis gamit sakin official accout, hindi katulad ng iba dyan sa shopee account naguusap" hindi nagpapatalo na sagot ni Matthew.

Sumunod nun ay sandali silang tumahimik kaya napatingin ako sakanila pero hindi pa ko napapalingon ng tuluyan ay natulak na nila ko palabas ng sasakyan. Bubuksan ko na sanang muli ang pinto ng walang ano anong pinakaripas nila ang takbo ng sasakyan.

Pumikit ako sandali at sinabi sa sarili na huwag lilingon. Maglalakad na sana ko palayo ng hindi pa man nakakalayo ay may humawak na ng balikat ko.

"Bakit ka andito?" Boses palang ay alam ko na kung sino. "Anong ginagawa mo dito?"

"Hindi pa din ba malinaw yung sinabi ko sayo na pampalipas oras lang kita? Na ginamit lang kita? Hindi pa ba sapat? Ha? Joshua?" Tumutulong pawis na sabi ni Claire ng lumingon ako sakanya. "Pwes sige sasabihin ko sa harap mo. Pampalipas oras lang kita... Umalis kana!"

"Bakit ganyan ka? Wala lang ba talaga sayo lahat ng pinagusapan natin? Bakit kailangan mo pang sabihin na pampalipas oras mo ko? Na Pang quarantine lang ako" Magkadikit na kilay na sabi ko. "Sa tingin mo ikaw lang yung nahihirapan dito? Claire ako din nahihirapan, hindi lang ikaw.. Ako din..."

"...Kahit gusto kitang ipaglaban, kahit gusto kitang tulungan wala akong magawa"

"Yun na nga Joshua, wala kang magagawa... Wala tayong magagawa" madiin na sabi nya. "Aalis na kami ni Mama, ni anino ng isa satin hindi nanatin makikita mabuti ng ganitong maaga maagapan na"

"Pano kung sabihin ko sayo na ayokong umalis ka?" Biglang lumabas sa bibig na sabi ko.

"Putang ina Joshua! Putang ina Bakit ba napakaimature mo? Bakit napakaisip bata mo? Wag umalis? Ano papayabayaan ko yung nanay ko para lang sayo? Bakit pamilya ba kita para gumawa ng disesyon para sakin?"

Pang Quarantine Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon