抖阴社区

PANG QUARANTINE #71

Magsimula sa umpisa
                                    

Claire:
Pero pinaglaban ko yun, pinagpilitan ko kase gusto ko ako maghahatid kay lola gusto ko kasama ako.

Claire:
Kase sa lahat ng lakad ko kasama ko si lola sya yung pumunta pag may meeting ako sya yung nagawa ng bander pag may contest ako na sinasalihan

Claire:
supportado nya ko sa lahat ng bagay

Claire:
Pero ako wala, hindi pa din ako pinayagan ng barangay kase 21 pataas lang daw pwede lumabas hindi daw allowed yung edad ko

Claire:
Alam mo ba si lola ayaw nun magpacremate kase ayaw nya daw sinusunog sya mapapaso daw sya

Claire:
Kahit yung hiling nya nayun hindi ko nagawa kase bukod sa wala akong pera pambili ng lupa na paglilibingan nya, may pandemia bawal yung libing

Claire:
Nakakainis

Claire:
Naiinis ako sa sarili ko kase kahit sa huling hiling nya hindi ko magawa. wala man lang akong nasunod sa lahat ng utos nya na naramdaman nya.

Hinayaan ko lang syang magmessage ng magmessage sakin at kada mababasa ko yun ay hindi ko mapigilan ang luha kong patuloy na umaagos. Kahit hindi ko sya nakikita, kahit wala sya sa tabi ko ay alam kong katulad ko na bawat pagtipa nya ng mga kwento ay nanlalabo rin ang mata nya.

Joshua:
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano sasabihin ko kaya binabasa ko lang yung mga chat mo pero alam kong maiintindihan ni lola yung sitwasyon ngayon, maiintindihan nya kung bakit di nasunod yung gusto nyang libing

Joshua:
mahal na mahal ka ba naman nun eh kahit di ko sya nameet personal alam kong mahal na mahal ka nun ramdam na ramdam ko. Claire

Claire:
Kung mahal nya ko bakit nya ko iniwan ng maaga? Ang lakas lakas nya pa nung nakaraan eh nagplaplano na kami ng mga gagawin sa future tapos sinasama ka nya tapos magseselos ako kase puro ikaw yung bukang bibig nya pero binawi nya din bandang huli kase ako daw totoo nyang apo.

Claire:
Hindi ko alam ang sakit lang na hindi ko sya pinansin nung tinatawag nya ko, na hindi ko nabigay yung hiling nya na wag syang icremate

Joshua:
Andon na tayo sa hindi mo natupad yung huling hiling nya sayo na wag syang icremate

Joshua:
alam kong napanghihinaan ka ng loob ngayon pero kahit hindi mo natupad yung hiling nyang libing

Joshua:
Kahit yung hiling nya nalang sayo sa future yung tuparin mo

Joshua:
Tutulungan kita makamit yung pangarap ng lola mo sayo sa future, lagi lang akong andito sa likod mo aalalayan kita kahit parehas tayong nangangapa

Joshua:
May mama kapa kahit sakanya mo nalang iparanas yung mga bagay hindi mo nagawa kay lola, alam kong proud na proud sayo si lola kase kahit bata kapa naalagaan mona sya

Joshua:
Bukas susubukan ko ulit makapunta dyan sainyo

Claire:
Susubukan ulit?

Claire:
Sinubukan mo bang pumunta dito kanina?

Claire:
Joshua wag na

Claire:
Malaki ang multa pag nahuli ka madami ng kaso ng virus wag kana lumabas

Claire:
Alam kong hirap din kayo, binigay mo na sakin yung ipon mo. Wag mo ng pahirapan yung mama mo kaya ko nanaman na.

Claire:
Okay nayung pakikinig mo sakin. Sapat nayun salamat

Joshua:
Bahala na bukas

Claire:
Joshua wag kana pumunta sa susunod pa na araw dating ng abo ni lola dito tsaka madaming sundalo sainyo wag na

Claire:
Masyadong mahigpit ngayon kung ako nga na gustong sumama kay lola, hindi pinayagan ikaw pa?

Joshua:
Sige na matulog kana alam kong busy ka bukas magpahinga kana

Joshua:
Magagalit si lola mo pag di ka nagpahinga. Kumain ka sa tamang oras wag mo pababayaan yung sarili mo

Joshua:
Kaylangan ka ng mama mo


Pang Quarantine Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon