(Allyson's POV.)
Mahimbing na mahimbing ang aking pagkakatulog dahil sa lumabas kami kahapon at gabi na kami kung nakauwi, kaya napagod yung buong katawan ko.
Nakapikit akong nakaakap sa malaking unan habang ninanamnam ko lang yung pagkaka idlip ko. Nakaidlip ako, pero alam kung gising na yung diwa ko. Tinatamad pa kasi akong bumangon dahil sa sarap ng pagkakatulog ko kagabi.
"Hmm..." Nanindig bigla yung mga balahibo ko noong may marinig akong napasinghap sa tabi ko.
Teka, wala naman akong kasamang matulog sa kuwarto ko, diba? Nananaginip pa ba ako? E alam ko ng gising na yung diwa ko. Nagsasalita ba ng mag-isa yung unan ko? O mali lang pagkakadinig ko?
Napailing iling na lamang ako at nagkibit balikat. Hinayaan ko na lamang yung narinig ko dahil inaantok pa talaga ako para idilat yung mga mata ko.
"Hmmm.." Narinig ko na namang may suminghap sabay may mainit na braso ang dumampi sa bewang ko.
Nang dumilat na ako, ay nanlaki ng sobra yung mga mata ko noong mapagtanto kong hindi pala ako nakatulog sa aking aking kuwarto! Nasa kuwarto parin pala ako ni Kieferson.
Lumingon ako sa likod ko at nakita ng mismong dalawang mga mata ko si Fabian na mahimbing pang natutulog sa tabi ko. Nagpalinga linga ako sa buong paligid pero ni bakas ng anino ng batang si Kieferson ay hindi ko mahagilap.
Napapikit na lamang ako sabay kagat labi dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Pag nagising si Fabian na ganoon ayos naming dalawa, ay talagang napaka-awkward. We're literally ex-lovers and ex-lovers don't do such things!
Hindi ko alam kung bakit hindi na namin nagawang makabalik sa kanya-kanyang mga kuwarto kagabi. Marahil ay dala na rin sa sobrang pagod at antok kaya nakatulog kami kaagad.
Nang dahan dahan kong hinawakan yung braso niyang nakapulupot pa sa bewang ko, ay saka ko naman niya mas hinigpitan niya yung gapos niya sakin.
He even lean closer to my back at inakap ako ng sobrang higpit. I can feel his breathing behind me, and I don't know why it gives me the chills. Nanindig yung mga balahibo ko ng sobra at hindi ko alam ang gagawin ko!
"Ow f-fuck." Mahinang mura ko sa sarili.
He hugged me from behind and I was like the small spoon. I can't move and my body became stiff all of a sudden. I don't know why, but this position is really amazing! I can't understand why I'm feeling so good right now, when I'm supposed to be not! Ugh holy cow.
"Hmmm.. my pillow smells so good." Nang marinig kong bumulong siya sa tenga ko ay pakiramdam kong huminto bigla yung mundo ko.
Napapakagat labi na lamang ako habang napapalunok. Ramdam ko yung bawat hinga niya, at hindi ko alam bakit bigla na lamang nag-iinit yung buong kalamnan ko!
When he started to rub my tummy, I was about to scream so close. Pakiramdam kong masusugatan ko ng malala yung labi ko dahil kanina ko pa ito kinakagat ng sobra. Ayoko siyang gisingin, dahil papaano ko naman ipapaliwanag sa kanya yung posisyon namin diba?
Nagkunwaring tulog na lamang ako kahit na sa loob ko, ay gustong gusto ko ng magsisisigaw. Naalimpungatan lang siya sa pagkakatulog noong bigla kaming pagkakatukin ni Kieferson sa pinto.
"Nana, dada breakfast is now ready!" Pambubulabog nung bata samin.
Nakita kong magkusot ng mga mata si Fabian at nung makita ako sa tabi niya ay gulat na gulat itong napa atras sabay bumagsak mula sa maliit na kama ni Kiefer.
"Ow FUCK! Damn it." Mura nito habang hinihimas himas yung pwet niya.
"O MY GOD THAT HURTS! Y-YOU OKAY?" Nauutal na pagtatanong ko sa kanya at agad na tinulungan siyang makatayo.

BINABASA MO ANG
Second Happy Ending [COMPLETED]
RomanceSi Allyson Jane Buenaventura ay lumaki sa isang marangyang pamumuhay. Maganda at desenteng babae dahil nakapag tapos sa isang prestihiyosong paaralan sa New York. Lumaki siyang abot kamay ang lahat ng gusto niya, ngunit ang kagustuhang maikasal at...