(Fabian's POV.)
*FLASHBACK*
"Fabian ang sabi ko umuwi na tayo! Anlakas lakas ng ulan oh! Magpapakamatay ka ba?!" Sigaw na galit ni kuya Liam habang nakasunod sa likod ko at basang basa kami ng malakas na ulan noong gabing yun.
"What are we doing here?! If you are expecting to see Allyson if she's still waiting for you-"
"Yes she is." Sagot kong nakatanaw lamang kay Allyson mula sa malayo habang umiiyak siya kasama ni Arriane sa labas ng simbahan. Gabing gabi na, pero hinihintay pa rin niya ako.
"She's still waiting for me, kuya... What should I do?" Nilingon ko si kuya Liam mula sa likod ko at pulang pula na ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak.
Nang lingunin ko uli si Allyson, ay wala na sigurong mas idudurog pa yung puso ko noong makita kong nakaakap siya sa braso ng kaibigan niya.
Damn it... Damn it, Fabian. How come I made her cry like this?
Magulo na ang ayos ng kanyang buhok, at kumalat na din sa buong mukha niya yung make-up na nakalagay sa kanya. I broke her heart, and I can't believe that I'm hurting her so much.
"Damn it. I made her cry. I'm an asshole... s-she don't d-deserve a coward like m-me.." Nang sabihin ko iyon bumagsak na lamang sa cemento yung mga tuhod ko dahil sa sobrang panghihina.
Nang pagsususuntukin ko yung cemento ng sobrang lakas ay umagos ang sandamakmak na dugo mula sa kamao ko.
"DIE FABIAN! DIE! I'M THE BIGGEST ASSHOLE!" Sigaw ko habang sinusuntok ko yung sahig pero agad agad akong inawat ni kuya.
"What the heck, Fabian?! Stop! I SAID STOP!" Sigaw nito habang pinipigilan akong saktan ang sarili ko.
"She don't deserve me... she don't deserve me..." Umiiyak na sabi ko nung mahinto ako sa pagsuntok.
"That's enough. Enough please..." Giit nung kapatid ko tapos ay naramdaman ko yung mainit na pagyakap niya sakin upang gumaan kahit na papaano yung nararamdaman ko.
-----------------------
Nang maalalayan ako ni kuya dahil hirap na hirap na akoang maglakad at naduduling na yung paningin ko dahil sa sobrang kalasingan, ay sumilong kami saglit upang mahimasmasan ako.
(Phone is ringing...)
Nang dukutin ko mula sa aking bulsa ang tumutunog kong telepono, ay pangalan ni Allyson ang unang bumungad sa paningin ko.
Nakakailang missed calls na siya sa akin ngayong araw, at ni isa sa mga tawag na yun, ay wala akong sinagot.
Nang sagutin ko ang tawag niya, ay boses niyang nangangatog ang una kong nadinig mula sa kabilang linya.
"B-babe? N-nasaan ka na ba? Are you going to be late? I will wait-" Nagsasalita pa lamang si Allyson noong bigla akong magsalita.
"Don't wait for me Allyson. I... I am not going to come." Natigilan siya sa mga narinig niya mula sa sakin.
"F-from now on, I... I want you to forget me as if I never became part of your life. Forget me, Allyson." Habang nagsasalita ako, ay pinipilit ko ang sarili ko na huwag ipahalata sa kanya na maiiyak na ako sa mga nasambit ko.
"Y-you are a piece of s-shit." I heard her voice broke.
Yeah, I deserve this. A coward and a shit like me, deserves all her hate. Deserve ko ang lahat ng murang sasabihin niya sakin, matapos ko siyang saktan ng sobra.

BINABASA MO ANG
Second Happy Ending [COMPLETED]
RomanceSi Allyson Jane Buenaventura ay lumaki sa isang marangyang pamumuhay. Maganda at desenteng babae dahil nakapag tapos sa isang prestihiyosong paaralan sa New York. Lumaki siyang abot kamay ang lahat ng gusto niya, ngunit ang kagustuhang maikasal at...