抖阴社区

Chapter 21

14 3 0
                                        

Away

Time flies so fast, Christmas and New year is approaching. Bakasyon na rin namin, kaya makakapag-unwind na kaming lahat. We're now preparing for Mom and Dad's arrival. Sinabihan namin silang hindi kami makakapuntang airport para sunduin sila kasi busy kami. Oo nga naman, busy kami kasi naghahanda para sa pagdating nila.

Balak naming surprisahin sila, kaya imbis na sunduin sila ay naghanda kami. When Mom texted me that they're on their way home. I gestured our maid to turn off the lights.

Nagtago kaming dalawa ni Kuya sa kusina nang makarinig kami ng busina hudyat na dumating na sila. Hawak-hawak ko ang cake at si Kuya naman ay nasa gilid ko nakabusangot ang mukha.

"Why the lights are turned off? Manang!"

I chuckled the moment that I heard mom's voice. Nang walang sumagot ay nakarinig ako nang yapak, at bumukas ang ilaw.

"WELCOME HOME!!!" bati naming lahat.

I saw how shock filled on my Mom's face and Dad was just amused. They didn't except that of course. I ran to Mom and gave her a tight hug.

"I miss you mom!"

"I missed you too, sweetie..."

Nakita kong ginulo ni Dad ang buhok ni Kuya kaya bigla iyong nagalit, pero kalaunan ay nawala rin kasi tinukso siya ni Daddy.

"Oh my big boy! Come here..." saad ni Mommy at saka niyakap siya.

"Sana naman ay hindi mo talaga pinabayaan 'tong kapatid mo, Sai" si Dad.

"Nako hindi talaga Dad!" ako na ang sumagot roon, totoo naman yun hindi naman talaga ako pinabayaan ni Kuya.

Tumango lang si Dad at tumungo na kami sa hapag para makakain na. Napuno ng tawanan, kuwentohan, at asaran ang paligid. Ibang iba ang bahay kapag kompleto kaming nasa hapag.

"So, how's school?" Mom asked.

"Still school, mom" walang ekspresyong saad ni Kuya.

"Eh si Avi? Did you got a lot of admirers?" nakita ko ang panunuyong tingin ni Mommy.

Nagkatinginan kami ni Kuya, tinangoan niya ako. Ibig sabihin nun ay sabihin ko na sa kanila na may boyfriend na ako.

"Why? Did you already got a boyfriend?"

Nagulat ako sa tanong ni Mommy, nakuha ko rin ang atensyon ni Daddy sa akin. Naghihintay sila isasagot ko. Dahan-dahan akong tumango, nakita ko kung paano nabalot ng gulat ang mukha ni Mommy. Pero kalaunan ay napalitan iyon ng saya.

"Honey, look, our baby girl is a grown woman now!"

Napayuko ako sa sinabi ni Mommy, binalingan ko si Kuya at nakita kong nakangisi na siya.

"Sino naman ang boyfriend mo, Avi?" si Daddy.

"It's a M-Moore, Dad..."

Naalala kong sinabi pala ng Daddy ni Max na magkaibigan sila ni Daddy back in college. Nakita kong nagulat si Dad sa sinabi ko.

"So that must be the son of Mr. Giovanni Moore?"

Tumango ako ng marinig ko ang pangalan ng Daddy ni Max. They indeed knew each other.

"Did you know that their family is one of the most richest people in the Philippines, Avi? His grandmother owned the biggest company here in the Philippines,"

Nagulat ako ng marinig ko iyon alam kong mayaman sila, pero hindi ko akalaing ganito pala sila kayaman...

"I hope that their family is treating you well, Avi"

Sky's Not The Limit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon