Promise
"You didn't tell me that you're flying all the way here..." I said pouting.
"It wouldn't be called a surprise if I'd let you know, though"
He said chuckling. Habang tinitignan ko siya ay hindi pa rin ako makapaniwalang pumunta nga talaga siya rito para sa'kin.
"Kailan ka dumating?"
"Kagabi,"
Nagulat naman ako sa sinabi niya, kagabi? Ba't hindi ko naman ata napansin yun nung nag-usap kami?
"You really planned this!"
"Of course, I wanna see you..."
Oh, my Maximus...
"Yeah! I forgot you're a Moore, you can do whatever you want and you can have everything you want"
"Yeah... I have everything because I already have you, Finn."
Biglang dumaloy ang lahat ng aking dugo papunta sa aking mukha dahil doon. Kahit dito sa States ay ang landi mo pa rin talaga Maximus!
"It's getting dark, what's your plan?"
Rinig kong tanong niya.
"Wala naman akong masyadong alam na magagandang lugar dito, pero may isa akong alam,"
"Obviously, you don't have a car. So... we'll gonna be riding a bus to get there" I added.
Nang sabihin ko iyon ay hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Akala ko ay magrereklamo siyang ayaw niyang mag-bus pero ako pa ata ang nagulat na hindi siya nagulat!
Nang makita kong wala siyang imik ay hinila ko na siya para makasakay na kami ng bus papunta roon.
"Where are we going, Finn?"
"Basta," sagot ko at saka hinila lang siya.
Nang makakita ako ng bus ay agad akong pumara. Tinignan ko si Max, mabuti naman at wala siyang reklamo. Nang maka-akyat kami ay konti lang ang sakay nun.
At nang maka-upo kami ay parang nagugulohan pa siya kung saan kami pupunta. Dumilim na ang paligid at sobrang ginaw.
Nang makita kong huminto na ang bus sa isang pamilyar na lugar ay tumayo ako nagulat naman si Max doon pero kalaunan ay bumaba rin siya.
Nang makababa kami ay hinila ko siya papunta sa lugar na tinutukoy ko.
Paradise ~
Yun ang nakalagay sa labas, agad ko siyang hinila papasok. Nakita kong wala man lang talagang kabago-bago sa ekspresyon, hindi man lang siya nagulat. Ano ba 'yan!
Nang makapasok kami ay maraming tao roon, the place is calm because this was made like this, the view is so perfect! Kapag tinitignan mo ang mga tao para lang silang bumubulong. Bawal ang maingay dito, dahil nga ginawa ang lugar na'to para makapag relax.
"Dito tayo..." sabi ko at saka hinila ulit siya paupo sa isang spot na kitang kita ang langit.
His eyes roamed around the place.
Nakuha lang ang aming atensyon ng may lumapit na babae sa amin at binigay ang menu. Tinignan niya iyon.
"Gusto kong uminom..." saad ko.
Agad naman siyang tumingin sa akin dahil doon. Tignan natin kung papayag siya.
"So that's why you bring me here because you want to get drunk?"
"Of course not... gusto ko lang i share sa'yo 'to at saka,"
"Gusto kong uminom kasama ka..."
Nakita kong bumaling siya ulit sa menu.
BINABASA MO ANG
Sky's Not The Limit
RomanceNaiisip mo rin ba minsan kung paano mo makikilala ang taong mamahalin mo habambuhay? Naisip mo ba ang posibleng mangyari kapag nagkita kayo? Puwedeng magkita kayo sa bus, sa mall, sa tindahan, 'o baka naman sa eskwelahan! Avian Finn Thomas can't ima...
