CHACHI'S POV'
Dalawang oras na ng makabalik kami sa mansyon, kasalukuyan kaming kumakain ng Bangtan sa sala. Katabi ko si Jhope sa kaliwa at si Taehyung naman sa kanan ko. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaibang tensyon sa buong bahay. Parang iba, hindi ko ma explain. Parang hindi sila magkakakilala ganun.
"Anyare sainyo? Bakit ang tahimik niyo?" Pagpuputol ko ng katahimikan. Nakita ko si Jin na ngumuso kay Taehyung na mukhang badtrip. Ngayon ko lang nakitang seryoso ng ganito si Taehyung. Should I be bothered?
"Taehyung, okay ka lang ba?" Hinawakan ko naman ang kamay ni Taehyung kaya biglang napatingin ito saakin tsaka sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Napansin ko din sa peripheral vision ko na napaupo ng maayos si Jimin.
"Tss. What a lame move." Rinig kong bulong ni Jimin. Problema ng isang yun?
Napangisi naman si Taehyung. Okay??? Anong nangyayare? Magkaaway ba yung dalawa?
"May problema ka ba saken Jimin?" Sarkastikong tanong ni Taehyung. Inalis ni Taehyung ang kamay ko saka siya tumayo kaya tumayo na din ako.
"Oh oh oh ano na naman yan!" Sigaw ni RM.
"Lagi nalang kayong ganyan. Kung may problema kayo sa isa't isa mag usap kayo. Nakakasawa kayong pagmasdan." Sabi ni Suga saka ito nag walk out at umakyat.
Hindi pa din umiimik si Jimin nakatitig lang ito sa baba habang magkahawak ang dalawang kamay niya. "Oo nga naman Jimin, kung may problema ka sabihin mo hindi yung puro ka dada at puro parinig duwag ka naman." Napanganga ako sa sinabe ni Taehyung.
Naguguluhan ako. Napasigaw naman ako ng bigla nalang napahiga si Taehyung sa sapak ni Jimin. Napatingin ako kay Jimin na galit na galit ang itsura habang nakakuyom ang kamao nito. "Ano bang nangyayare sainyo?!" Sigaw ko.
Nakita kong napailing iling nalang si RM at ang ibang miyembro. "Let them Miss Chachi. Mahirap awatin ang dalawang yan." Sabi ni RM.
"Pero.." Hinila naman ako ni Jungkook paalis sa lugar na yon. Nasa may balcony kami malapit sa pool ng magsalita si Jhope na naka cross arms.
"Pabayaan muna natin silang dalawa Miss Chachi, mas makakapag usap sila ng maayos kung malalabas nila sama ng loob nila sa isa't isa. Kilala ko na mga yan, laging mag aaway pero magkakaayos din agad. Pero to be honest, this is the first time na nagkaron ng pisikalan." Napakunot noo naman ako.
Hindi ko alam kung ano pinagmulan ng pag aaway nila. Wala akong maisip na ibang dahilan kung bakit sila mag aaway.
"Alam niyo ba dahilan kung bakit sila nag away?" Nagkatinginan silang lahat.
"Not sure. Pero nakakasiguro ako na malala to. Hayaan na muna natin sila, mamaya ko sila kakausapin." Rinig na rinig ko ang pag andar ng sasakyan at nakakasiguro ako na sasakyan ni Jimin yun. Nandyan na pala ulit ang sasakyan niya, makakaalis na naman siya kung kailan niya gusto.
I'm sure si Minah na naman ang pupuntahan non.
May narinig akong nabasag sa sala kaya agad akong tumakbo papunta doon. Si Jin naman ay tinatawag ako pero hindi ko nalang pinansin yun.
Napahawak ako sa bibig ko ng makita ko si Taehyung na may hawak na baso na basag at dumudugo ang kamay nito. "V!" Sigaw ko.
Nagulat naman siya ng makita niya ako saka niya tinago ang baso sa likod ng kamay niya. "Wag kang lalapit! Masusugatan ka." Napatingin ako sa sahig na puro bubog at may mga tulo ng dugo. Anong nangyare?!
"A-anong.."
"I'm sorry.." Rinig kong sabi ni Taehyung. "You might think that I'm childish pero.." Lumapit siya saakin saka niya binitawan ang baso na basag. Napatingin ako sa kamay niya. "Chachi.." Nakita ko ang mga mata ni Taehyung na naluluha.

BINABASA MO ANG
I Just Bought a Kpop Idol
FanfictionSiya si Chachi Mariah Dawson, spoiled brat at sobrang yaman. Siya din ang kaisa isang apo ng may ari ng Big Hit Entertainment kung saan nagtatrabaho ang sikat na grupong kinababaliwan ng lahat kabilang na si Chachi. Walang iba kundi ang Bangtan Boys...